4,578 guests

Ginagapang

  • Written by IAN F. FARIÑAS
  • Published in Showbiz
  • Read: 487

Pamilyadong hunk actor, ka-join sa limang minamanmanan ng PNP!

HOW true na may ilang personalidad na malapit sa ilang showbiz celebrities na nasa drug list ng Philippine National Police na sumusubok ayusin ang kaso ng kani-kanilang mga kaibigan?

Ayon sa isang source, tina-try hilutin o gapangin ng mga taong malalapit sa ilang showbiz personalities ang  diumano’y pagkakasangkot ng mga ito, pero hindi talaga sila umuubra sa mga otoridad.
   
Ayon nga sa balita, lima umanong taga-showbiz ang kasalukuyang binabantayan ng mga pulis kaugnay ng kanilang pagkakasangkot sa pagbebenta o paggamit ng iligal na droga.
   
Isa umano rito ay ang guwapong hunk actor na pamilyado’t very active pa sa eksena. Ang isa naman, bihira nang mapanood sa screen, bata pero pamilyado ring tao.
   
May ilang pangalan pang binanggit ang source ng People’s Tonight, kabilang na ang ilang celebrities na dati nang natsitsismis na gumagamit ng prohibited drugs.
   
Nakakalungkot isipin, pero sey pa ng source, may mga pangalan pang lalabas isa sa mga araw na ito, na ang iba ay talagang ikagugulat ng publiko.
   
Ang payo ng nasabing source, sundin na ng mga taga-industriya at seryosohin ang pakiusap ng PNP na sumuko na ang mga guilty party para maiwasan ang pagkakahuli sa either buy-bust operation o Operation Tokhang.
   
Malapit lang din naman ang action star na si Robin Padilla sa administrasyong Duterte, makabubuti sigurong lumapit dito ang mga sangkot para magpatulong sa pagsuko kung nahihiya o hindi alam ang gagawin.
   
Sigurado naman, hindi sila tatanggihan ni Binoe dahil unang-una siyang concerned sa sinasabing listahan ng gobyerno laban sa mga kasamahan niya na involved sa illegal drugs.
   
Nanawagan pa nga siya, ’di ba, sa gobyerno na kung pwede, ’wag munang ilabas o pangalanan ang mga artistang nasa listahan hanggang walang dialogue?
   
Kaso, sinopla siya ni PNP Chief Ronald “Bato” de la Rosa na magiging unfair ang gobyerno kung ganu’n ang kanilang gagawin.
   
So, sa mga gustong sumuko, utang na loob, i-grab n’yo na ang tsansang ito at makipag-coordinate sa PNP.

* * *

Malaking blessing ang natanggap ng recording artist na si Pauline Cueto sa Philippine Movie Press Club (PMPC) nang maging nominado siya sa Star Awards for Music sa kategoryang Best New Female Recording Artist of the Year.
   
Esplika ng 16-year-old na dalagita, “I felt blessed and overwhelmed na nominated ako as a new female recording artist.
   
“Hindi ko po ma-describe ’yung nararamdaman ko. At first po, ’di po siya talaga nag-sink-in sa akin kaagad when I saw the list. Pero malaking opportunity po ito para sa akin to be one of the nominees of the 8th PMPC awards.
   
“Kaya nagpapasalant po ako sa PMPC at magsisilbing inspirasyon ito sa akin para mas lalong pagsikapang maabot ang aking mga pangarap as a singer.”
   
Bata pa lang ay nakitaan na ng talent sa pagkanta si Pauline. Ayon sa kanya, first love raw niya talaga ang musika.
   
“Opo, love ko talaga ang singing and music and it has been my first love ever since,” saad ng talented   singer.
   
Actually, kung sa galing lang ay maraming kakabuging singers si Pauline. Ang kailangan lang niya ay magandang break upang mas makilala ng madla.
   
Biritera kasi ang magandang dalagita at patuloy niyang hinahasa ang kanyang talento sa pagkanta, pati na rin sa pagsasayaw.
   
Sa ngayon ay labas na ang self-titled album niya at ang maganda rito, sampung porsiyento ng kita nito’y mapupunta sa kawanggawa.
   
“My album has 10 cuts. All composed, written and arranged by Sir Sunny Ilacad and distributed by MCA Music. All songs are very special to me because they all have a story in my life. In fact, ’yung 10 percent proceeds of that album ay napupunta po sa less-fortunate.
   
“My album is titled Pauline Cueto and the carrier single is Dreamboy ng Buhay Ko,” saad pa niya.
   
Kabilang sa inspirasyon ni Pauline sa pagkanta ang kanyang mga magulang na sina Andy at Mildred Cueto na very supportive sa kanyang mga pangarap.  Katunayan, ipinagpagawa pa siya ng sariling music studio ng kanyang daddy.
   
Sinabi rin ni Pau (nickname ni Pauline) ang mga hinahangaan niyang local artist.
   
“My favorite local artists are Sarah Geronimo, Yeng Constantino and Lea Salonga.
   
“Favorites ko po sila because I see them as an inspiration po to a lot of people. I’ve heard their stories kung paano po sila naging successful na artists and na-inspire po ako sa stories nila.”