4,243 guests

KathNiel fan, kinuyog ng AlDub Nation

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 958

BANGAYAN sa social media ang AlDub at KathNiel fans. May kinalaman ’yon sa ipinamalitang kita na P23M ng movie nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Naghahamon nga ng mathematics ang KathNiel fans. 

Eh, sa Imagine You & Me movie nina Alden at Maine Mendoza, P21M ang kinita sa unang araw  ng showing sa 135 theaters, huh!
   
Tapos, ’yung sa KathNiel, P23M sa almost 250 theaters.
   
Ang isang classic na post ay mula sa Aldub Nation. Picture ’yon sa isang mall na sobrang dami ng tao.
   
Ang caption ng AlDub fan, malakas pa rin ang hatak ng idolo nila dahil saan man ang venue, eh, siksikan pa rin ang taong gustong makapanood sa kanila.
   
May humirit na isang KathNiel fan. Pila raw ’yon sa first day ng pelikula ng idolo.
   
Hayun, kinuyog siya ng ADN na huwag umangkin ng credit dahil alam nilang para sa idolo nila ’yon!
   
Natameme ang KathNiel fan na ’yon at wala kaming nakitang kumampi sa kanya, huh!
   
Natural, ’pag maraming sinehan, mas malaki ang kita, pero ’pag konti, konti rin ang kita, huh!

* * *

CHURCH singer dati si Jona, a.k.a. Jonalyn Viray, bago pinasok ang pagkanta sa isang singing contest ng GMA.  Kasama pa niya ang parents niya na siyang nagturo rin sa kanyang kumanta.
   
“Three years ako noon sa pagkakaalala ko. Pinakanta ako sa church namin ng isang Christian song. Bulol pa ako that time,” pag-alaala ni Jona sa simula niya sa pagkanta.
   
Naging guest siya sa press launch ng 9th anniversary ng PLDT Gabay Guro.
   
After ilang years sa Kapuso Network, lumipat siya sa ABS-CBN. Adjusted na siya sa bagong home network at kampante na.
     
“Wala, wala namang nang-aaway sa akin, hahaha! Mababait po sila,” saad niya.
     
Hindi pa naman daw siya naka-experience sa isang number na may kasama siyang nagpapa-adjust ng key sa piyesa kapag kasabay siya.
     
“Wala naman,” sabi ni Jona.
     
Pero pinaglalaban daw sila ni Angeline Quinto, huh!
     
“Salamat sa nakaka-appreciate sa akin. Pero sa namba-bash sa kasama ko like si Ange (Angeline), naaapektuhan din ako somehow. Oo,” katwiran niya.
     
Anyway, sa September 25 ay magiging bahagi si Jona ng tribute ng Gabay Guro sa mga teacher.
     
Kasama niyang magpi-perform sina Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Gary Valenciano, Pops Fernandez, James Reid, Nadine Lustre, Lea Salonga, Sharon Cuneta at iba pa.
   
Buong araw ay mati-treat ang mga guro ng entertainment, raffles kung saan puwede silang manalo ng kotse at house and lot.
     
Libre ang admission pero exclusive lang sa teachers, huh!