5,056 guests

Sinibak!

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 577

Sunshine, nagpalit ng abogado

... tsika ng pakikipagbalikan sa dating asawa, dinenay ng aktres

Sa gitna ng mga alingasngas at kontrobersiya tungkol sa pagpapalit ng lawyer ni Sunshine Dizon, naglabas ng official statement ang aktres upang liwanagin hindi lamang ang tungkol sa nasabing controversy kundi pati na rin ang ilang mga bagay hinggil sa kaso nila ng estranged husband na si Timothy Tan.
   
Ang unang paglilinaw ni Sunshine, hindi totoong nag-back-out ang legal counsel niyang si Atty. Claire Castro sa kaso.
   
Narito ang kabuuan ng official statement ni Sunshine:
   
“I issue this statement to clarify untruthful stories that have been published about me in gossip columns and blind items.
   
“First, Atty. Claire Castro did not back out as my counsel in the case I filed in relation to my marital matters.
   
“I asked her to withdraw from my cases, and I did so for personal reasons which I don’t need to elaborate further.
   
“Second, my husband, John Timothy Tan, continues to visit and see our children simply because he is their father. I cannot stop him if he wants to see his children.
   
“This, however, does not mean we have reconciled as spouses.
   
“A man’s relationship with his children is quite different and apart from his relationship with his spouse.
   
“Third, I am civil to my husband because it is what good manners require.
   
“But I hope no one mistakes my civility for forgiveness.
   
“We have cases, still pending, and in those cases I am now represented by new counsel, Atty. Reeza Singzon.
   
“If any information about my cases does not come from my new lawyer or from me, then what you heard is unconfirmed information and I request its immediate burial in the archives of your dead files.
   
“Finally, I request any person who has no involvement in my cases to please refrain from fanning the flames of gossip and intrigue.
   
“The past months have been extremely traumatic for me and my children, and our wounds are still raw.
   
“We beg media to help us heal, to grant us some goodwill in these matters, and to report only about truthful, verifiable facts.
   
“Any disinformation or erroneous report could potentially affect my cases and confuse matters further, and it’s the last thing my family needs right now.
   
“My children and I have suffered enough. We ask our friends in media to spare us further intrigue, and in so doing, uphold their integrity as writers and broadcasters.”

* * *

May mga balita noon pa na mapili talaga si Jericho Rosales sa mga project na ginagawa niya. In fact, kapag may mga love scene at kissing scene, hindi niya tinatanggap.
   
“’Yung dati kasi, maintindihan ko naman talaga, dumarating sa buhay ng tao na may pinaniniwalaan ka, and stage for me ’yun, and it was an important stage for me, para madiskubre ko kung ano talaga ang ginagawa ko sa trabaho na ito. And hindi ko mari-regret ’yun.
   
“And today, I have a deeper understanding sa mga istorya at sa mga role na gagampanan ko, parang ganu’n.
   
“So, of course, as a Christian, nag-evolve, nagbago, mas malawak ’yung understanding ko. And I know my conviction and my boundaries,” pahayag ni Echo.
   
Pero dito sa bago niyang primetime drama na Magpahanggang Wakas, na magsisimula na sa Sept. 19  at kung saan leading lady niya si Arci Muñoz, bigay-todo na ang aktor sa mga love scene.
   
“It’s a beautiful story, it’s a story about love, ’di ba? And love is the greatest, parang ganu’n.”
   
Pero aminado rin naman ang aktor na hindi ganu’n kadali gumawa ng love scene.
   
“Sa totoo lang po, hindi madaling gumawa ng love scenes, kahit sina direk, masasabi ’yun, mahirap mag-mount ng love scene. And kailangan mo talagang maniwala na nagmamahalan kayo and you’re doing it for a very good reason.
   
“’Andiyan ’yung mga nag-iilaw, ’and’yan ’yung crew, may buhangin kami sa katawan, buong maghapon kaming naka-make-up. So, iba na ’yung dating ng love scene. So, ’yun ’yung challenge talaga,” sey ni Echo.
   
He added, “But you know what, ’yung pakikipagtrabaho ko with Arci, isa sa greatest reasons kung bakit ako excited sa show namin... Kami ni Mona (real nickname ni Arci), sa mga eksena naming dalawa, tumatalab, eh. Ang galing, eh. Kasi ’yung believability niya, malakas. So, ’yun, since siguro, baka may feeling ako na may pagka-sintu-sinto siya,” pagbibiro ni Echo at pang-aalaska niya sa leading lady.
   
Pero binawi naman agad ng aktor ang pambubuska niya kay Arci.
   
“Mona (Arci) is one of the best leading ladies I’ve worked with, I promise. One of the most beautiful, isa sa pinaka-sexy. Sorry Maja (Salvador na naging leading lady rin niya), I love you, but si Mona, the best,” ang matinding papuri ni Echo kay Arci.

* * *

Three years pa lang in the business ang boy band na Freshmen pero ang dami na pala nilang natanggap na awards and recognitions tulad ng Most Promising Boy Band (Teen Choice Phil., 2013), Most Outstanding Boy Band (Gawad Dangal Musica, 2013), Asian Outstanding Boy Band (Asian Entertainment Awards, 2014), Outstanding MTV Breakthrough (2015), Youth for UNESCO Ambasaddor (2105) at Ten Outstanding Movers of the Philippines (2016).
   
Actually, magaling ang grupo and it’s just too bad na hindi sila gaanong nabibigyan ng break at exposure for the past three years.
   
But thanks to Vicky Solis and her co-owners of VBS Business Group and Today’s Production & Entertainment dahil bilang selebrasyon sa third anniversary ng Freshmen, bibigyan nila ang grupo ng isang major concert, 3logy, na gaganapin on Sept. 30 sa Music Museum.
   
Kaya naman sobrang thankful ang boy band dahil finally, matutupad na ang isa sa mga dream nila.
   
Pinaghahandaan daw talaga nilang mabuti ang concert at marami silang gagawin na first time na makikita sa kanila.
   
“We’re preparing so much to entertain you, guys. As a group, hindi po kami sumasayaw pero sa concert, magta-try po kami ng full blast na sayaw talaga,” say ng member na si Levy Montilla.   
   
Ang Freshmen ay binubuo ng limang bagets na pawang magagaling na singer -- Derick, Levy, Patrick, Sam at Third.
   
Some dub them as the “One Direction of the Philippines.”
   
Although honored sila sa title, anila, mayroon silang sariling brand ng pagkanta.
   
Nakagawa na ang Freshmen ng single released in October last year under Ivory Records, ang Bumalik Ka Na, at dream nila na mabigyan naman sila ng album.