5,079 guests

Charo, parang nanalo na ring best actress

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 384

ANG pagkakapanalo sa katatapos na ika-73rd Venice Film Festival ng comeback movie ni Charo Santos-Concio na dinirek ni Lav Diaz, ang “Ang Babaeng Humayo” (The Woman Who Left) ng pinakamataas na award, ang Golden Lion Award, ay napakagandang reward para sa dating pangulo at CEO ng pinakamalaking TV network ng bansa, ang ABS-CBN sa kanyang pagbabalik sa acting after more than two decades.

Nanghinayang lamang kami na hindi man lamang isinama ni Direk Lav sina Charo at co-actor nitong si John Lloyd Cruz sa stage nang kanyang tanggapin ang highest and most prestigious award mula sa pinakamatandang annual international film festival sa buong mundo.

It could have made a big difference kung sina Direk Lav, Charo at John Lloyd ang magkakasamang umakyat sa entablado at nabigyan din ng importance ang presence ng dalawang lead actors  hindi man nila nakuha ang Best Actress at Best Actor awards, respectively.

Ganunpaman, may mga critic na nagsabing si Charo ang choice nila bilang best actress over Emma Stone. Kaya parang nanalo na rin siya. Nagbubunyi ang buong sambayanang Filipino sa panibagong tagumpay na nakuha ng “Ang Babaeng Humayo” na kabilang din sa Toronto International Film Festival in Toronto, Canada ngayong September 8 to 18, 2016.

Ngayong naging matagumpay ang pagbabalik-pelikula ni Charo, magtuluy-tuloy na kaya ang paggawa niya ng iba pang pelikula laluna sa mainstream?
   
Samantala, marami ang nagsasabi na Oscars naman ang next target ni Direk Lav Diaz for his movie “Ang Babaeng Humayo” .

DIVINE, ENGAGED NA

ANG celebrity/socialite/enterpreneur na si Divine Lee (34) ay engaged na sa kanyang non-showbiz businessman-boyfriend from the south  na si Blake Go.  Ang engagement ng dalawa ay nangyari over a candle light dinner sa isang resort in Bali, Indonesia nung nakaraang Linggo (September 11) ng gabi.
   
Bago si Blake Go, naging nobyo sa loob ng tatlong taon ni Divine Lee ang actor na si Victor Basa. Nagkahiwalay ang dalawa noong isang taon.
   
Si Divine ay anak ng controversial president-chairman ng Globe Asiatique na si Delfin Lee habang si Blake naman anak ng may-ari ng Prince Warehouse Club na nagma-may-ari ng chain of supermarkets at department stores sa Cebu at ibang bahagi ng Mindanao.

CHAVIT, HANDA NA ANG MGA GAGAMITIN NG MISS U CANDIDATES

A COUPLE of days ago ay nakausap namin sa telepono ang dating gobernador ng  Ilocos Sur na si Chavit Singson na nasa Monaco.  Mula Amerika ay tumuloy ang businessman-politician ng Monaco na may kinalaman  sa kanyang biniling luxury 3-decker yacht na gagamitin ng mga candidates ng 2016  Miss Universe na gaganapin sa Pilipinas sa darating na January 30, 2017 sa SM MOA Arena.
   
Ang naturang yate ay kauna-unahan umano sa buong Asya habang ang newly-acquired Boeing 747 148-seater plane na bagong in-acquire ni Gov. Chavit ay nasa Subic na umano. Gagamitin din ito ng mga kandidata ng Miss Universe sa pag-transport sa kanila sa iba’t ibang destinasyon ng Pilipinas tulad ng Cebu, Davao, Iloilo at Vigan kung saan gaganapin ang pre-pageants.
   
Bukod sa 3-decker yacht, Boeing 747 plane, may 30 pang new buses na binili ni G. Chavit para lamang gamitin sa Miss Universe pageant na gaganapin sa Pilipinas sa ikatlong pagkakataon.
   
Natutuwa rin ang dating gobernador ng Ilocos Sur na makakarating sa kanyang lugar ang Miss Universe candidates dahil ang Vigan ay isa sa napiling 7 New Wonder Cities of the World under his term.
   
Ang kasalukuyang gobernador ng Vigan (sa ikalawang termino) ay ang anak niyang si Gov. Ryan Singson, nakababatang kapatid ni dating Ilocos Sur congressman Ronald Singson,  ex-boyfriend  ng singer-actress na si Lovi Poe.

LOVI, MADALING MAGSAWA?

MAY mga nagsasabi na madali umanong magsawa si Lovi Poe sa kanyang mga nakakarelasyon.
   
Kung matatandaan pa, hindi gaanong tumagal ang relasyon nina Lovi at ang actor-politician na si Jolo Revilla, anak nina dating Sen. Bong Revilla at Bacoor Mayor Lani Mercado.    Nauwi rin sa hiwalayan ang relasyon ni Lovi sa dating kongresistang si Ronald Singson, anak ni dating  Governor Chavit Singson.  Sandali ring na-link si Lovi sa Kapamilya actor na si Jake Cuenca pero maging sila man ay hindi nagtagal ang relasyon.  Sumunod dito si Rocco Nacino, ang pinakamatagal na naging boyfriend ni Lovi pero nagkahiwalay din sila.
   
Hindi pa lang siguro nakikita pa ni Lovi ang lalaking mamahalin niya nang husto at  gusto niyang makasama habambuhay.
   
After Rocco Nacino, sino kaya ang susunod na makakarelasyon ni Lovi?
   
Sa ngayon, mukhang mas gusto munang mag-focus ni Lovi sa kanyang sarili at sa kanyang  singing and acting career more than her lovelife.

'INSIDE SHOWBIZ' ON DZRJ

IT'S been like 16 years nang huli kaming magkaroon ng lingguhang radio program sa DWIZ (1996 to 2000), ang “Inside Showbiz with Aster” kaya ganoon na lamang ang aming  excitement nang mabuo ang tambalan namin ni Shalala sa DZRJ 810 AM/8Tri-TV, ang “Inside Showbiz with Aster Amoyo and Shalala” na nag-pilot last Sunday, September 11, 2:30 p.m. to 4p.m. kung saan namin nakasama sina Mark Bautista at ang child star na si Alonzo Muhlach bilang special guests.
 
Magkasama pa kami noon ni Shalala sa now-defunct “Walang Tulugan with the Master Showman” ng yumaong si Kuya Germs (Moreno) on GMA ay nag-uusap na kami ng posibilidad na magsama kaming dalawa sa isang radio program.