6,428 guests

Jennylyn, pinagbunyi ang pagkapanalo ni Dennis

Jennylyn Mercado Jennylyn Mercado

HINDI pinalampas ng Ultimate Star na si Jennylyn Mercado ang maki-celebrate sa pagkapanalo ng  kanyang rumored boyfriend na si Dennis Trillo bilang Asian Star Prize winner sa katatapos lamang na Seoul International Drama Awards na ginanap sa KBS Hall sa South Korea. Sa kanyang Instagram account, nirepost ni Jen ang photo ng Kapuso Drama King kasama ang Descendants Of The Sun star Song Joong Ki kasama ang isang short at sweet congratulatory message na “Congrats Papaw! Really proud of you!”

Pinarangalan si Dennis dahil sa kanyang natatanging pagganap sa successful Kapuso  drama program na My Faithful Husband kung saan nakasama niya si Jennylyn. Pasimpleng sagot ni Dennis, “I © U mamaw! @mercadojenny”

Mark Neumann next leading man ni Jennylyn?

INAABANGAN  pa rin ng mga tagasubaybay at fans ni Mark Neumann kung tuluy-tuloy na siyang mapipiling bilang Matteo Do, na  leading man ni Jennylyn Mercado sa Pinoy adaption ng Lover From The Stars, ang hit Korean soap na umani ng tagumpay worldwide na gagawin sa GMA7.

Hanggang ngayon ay nanatitiling Kapatid actor si Mark at very faithful siya sa network ng businessman na si Manny V. Pangilinan dahil alagang-alaga siya roon. Pero, kung tuluy-tuloy ang negotiation at maganda sa dalawang panig, maaaring matuloy si Mark. So far, balitang si Mark ang isa sa top  contender sa role bilang male lead role.

Pinag-uusapang  bagay na bagay kay Mark ang role, kaya marami ang nag-aabang sa project na ito.

Rhian at Gee, may kakaibang bonding

IT seems like hindi lang sa set ng show nila na Sinungaling Mong Puso sila naging best friend. Napapadalas kasi ang workout bonding ng Kapuso actresses na sina Rhian Ramos at Gee Canlas na gumaganap bilang Clara at Jillian sa afternoon prime series. Kamakailan lang, magkasama ang dalawang sumabak sa isang 5K run at nakapag-crossfit pa pagkatapos. "5K run and crossfit! Killin it! We must have another day like this @geecanlas bawi na tayo," sulat ni Rhian sa caption ng kanyang Instagram post.
   
Nag-post din si Gee ng parehong video. Aniya,  "Today was hardcore workout day!! Ran 5K then Bootcamp training at @cfmnl after. High five @whianwamos we survived! Our legs are jelly but dinner will taste soooo good tonight.” Nasubukan na rin nina Rhian at Gee na magkasamang mag-aerial yoga noon.

Sanya Lopez, pinabilib ang netizens

“NEWBIE, but she can definitely deliver.” Iyan ang isa sa mga komento ng netizens sa isa sa pinakamabigat na eksena ni Sanya Lopez sa programang Encantadia. Ipinalabas kasi ang emotional scene niya na nagmamakaawang huwag palayasin sa mundo ng Encantadia at dalhin sa mundo ng mga tao. Dahil kasi sa panlilinlang na ginawa ni Pirena bilang Danaya, pinagbintangan siya ng mga magsasaka pati na rin ni Muros na sinugod daw sila ni Danaya kamakailan. Kaya naman ayon sa mga loyal Encantadiks, ginulat sila ng baguhang Kapuso actress sa pagiging natural nito sa pag-arte at talaga namang may ibubuga pagdating sa mga drama scenes.
   
Samantala, ano na kaya ang mangyayari kay Amihan (Kylie Padilla) ngayon na mag-isa na lang siya sa Lireo? Magpatuloy kaya ang panlilinlang sa kanya ni Pirena (Glaiza de Castro) o matulungan siya ni “Lira” (Kate Valdez) upang malaman ang katotohanan? Yan ang dapat nating abangan.

Inah de Belen, flattered na ikumpara sa mga magulang

SHE is always a proud child of her parents. Hindi issue sa pinakabagong Kapuso actress na si Inah de Belen tuwing sinasabi na malaki ang pagkakahawig niya sa kanyang inang si Janice de Belen o sa amang si John Estrada. "I'm very flattered na sinasabi nila na kamukha ko 'yung mommy ko or daddy ko," masayang kuwento ng dalaga.
   
Aabangan si Inah bilang si Maricel sa pinakabagong GMA Afternoon Prime series na Oh, My Mama ngayong Setyembre.

Pinay singer, panalo bilang  Woman of the Universe sa Mrs. Universe 2016

NAGBIGAY ng karangalan sa Pilipinas ang veteran singer  na si Emma Cordero (Mrs. Emma Toba in real life) nang nag-uwi siya ng karangalan bilang Woman of the Universe  sa recently concluded Mrs Universe 2016 sa Guangzhou, China. Ang napanalunan ni Emma ay isang  sub-title ng Mrs. Universe 2016. Nauna rito siya ang tinanghal na Southwest Asia Mrs. Universe.
   
Ayon kay Emma, huling award ang kanyang tinanggap sa taunang pageant. Akala niya’y wala siyang mauuwing karangalan sa bansa. Kaya, nang tawagin ang pangalan niya para sa title na Woman  of the Universe, laking tuwa at gulat niya. Out of 72 candidates na representatives sa iba’t ibang panig ng mundo, si Emma ang nakakuha ng isa sa major awards ng naturang pageant night.
   
Ang nakakuha ng coveted title na Mrs. Universe 2016 ay Mrs. Austria.