7,042 guests

Kapatid ng aktres dedo dahil sa droga

  • Written by Melnie Ragasa-Jimena
  • Published in Metro
  • Read: 373

NAGSASAGAWA ng malalimang imbestigasyon ang Quezon City Police District kaugnay sa pagpatay sa babaing kapatid  ng aktres na si Maritoni Fernandez na isinasangkot sa iligal na droga matapos na pagbabarilin sa Barangay Ugong Norte, Quezon City, noong Sabado.

Ayon kay acting QCPD director Senior Supt. Guillermo Eleazar, sa kasalukuyan ay nangangalap pa sila ng matibay na ebidensya kung may kaugnayan nga sa iligal na droga ang biktimang si Aurora Maria F. Moynihan, 45, residente sa 83 Ecology Village, Makati City.

Si Moynihan, na sinasabing kapatid ng naturang aktres, ay pinagbabaril sa Temple Drive malapit sa kanto ng Giraffe Street ng naturang barangay, dakong 1:45 Sabado ng madaling araw.
   
Sa pagsisiyasat, may nakuhang karatula sa katawan ng biktima na nakatala ang “Drug pusher ng mga celebrities kasunod na kayo,” gayundin ang apat na plastic sachets ng shabu, mga drug paraphernalia at ang mga basyo ng bala ng cal. .40.
   
Sabi ni Eleazar, sa ngayon ay nakapokus ang kanilang imbestigasyon sa nakuhang cellphone ng biktima upang malaman kung sinong artista o sibil-yan ang mga huling nakausap nito o naka-text  bago mangyari ang insidente.
   
Nagtataka rin ang opisyal dahil wala naman sa listahan ng mga drug personalities ang biktima kung kaya hindi nila masabing totoo ang naturang isyu.
   
Sa pagsisiyasat ni PO3 Anthony Tejerero, may hawak ng kaso, ilang saksi ang nagsabing ang mga suspek ay nakasakay sa isang kulay silver na To-yota Fortuner na walang plaka na huminto sa na-sabing lugar bago narinig ang mga putok ng baril mula dito.
   
Sabi ni Eleazar, nakikipag-ugnayan na sila sa mga kaanak ng biktima para magkaroon ng linaw ang pagkamatay nito sa pagpapatuloy ng imbestigasyon.