4,691 guests

Nagliyab!

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 456
Jennylyn & Dennis Jennylyn & Dennis

PAPAW at mamaw pala ang terms of endearment nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado, huh! Pinalutang nila ito nang batiin ni Jen si Dens sa paghirang sa kanya bilang Asian Star Prize winner sa katatapos na Seoul International Drama Awards sa KBS Hall South Korea.

“Congrats Papaw! Really proud of you!” post ni Jennylyn sa kanyang Instagram account.

Natural, sumagot si Dennis ng, “I (emoticon) U mamaw! @mercadojenny.”

Para sa series na My Faithful Husband ang parangal kay Dennis na pinagtambalan nila ni Jen.

So hindi na kailangang aminin nina Dens at Jen na may relasyon sila, huh! The thing speaks for itself, ’ika nga!

* * *

NAGLIYAB ang TV screens ng mga tumutok sa Someone To Watch Over Me last Friday. Kasi nga, nag-aapoy talaga sa init ang lampungan nina Lovi Poe at Tom Rodriguez, huh! Buka kung buka ang kanilang mga labi habang naghahalikan, huh!
   
Pinost din ng Premiere Actress ng GMA ang still photos ng mainit na love scene nila ni Tom.
   
“I’m glad to be sharing the screen with someone who is equally as passionate and as professional as Tom. It’s not easy to shoot scenes like these. So glad that we’re both not maarte and we make sure we do it right for the sake of art!”

* * *

MAY part 2 pala ang gues-ting ni Maine Mendoza sa Sunday PinaSaya nga-yong tanghali bilang bahagi ng 1st anniversary ng GMA comedy variety show.
     
Pero unlike nu’ng part 1 ng anibersaryo na sumba-tan at awayan ang ginawa nila ni Alden Richards sweet-sweet-an naman daw ang gagawin nila.
   
“Masaya, masaya! Buti at inimbitahan nila ako sa celebration nila. This time, hindi na po kami mag-aaway. Medyo sweet-sweet-an na kaya abangan po ninyo ’yan,” sabi ni Maine.

* * *

MAKIKIPAGSANIB-PUWERSA ang GMA Network at APT Entertainment sa Hollywood at Korean film producers na sina David Shim at Choi Pyung Ho para sa movie project.
   
Nagpirmahan ng memorandum of agreement nu’ng Biyernes, Setyembre 9 upang gawing pormal ang kanilang collaboration na pinangunahan ng GMA Chairman and CEO Atty. Felipe L. Gozon at APT Chairman Antonio P. Tuviera, Chairman and CEO ng Solaire Korea and Solaire International David Shim at iba pang executives ng nabanggit na companies.
   
“This is an exciting time for us in GMA and we consider it a privilege to have the opportunity to work with Korean producers who are known for creating blockbuster hist in Hollywood and Korea,” saad ni Atty. Gozon.
   
“We’ve been looking forward to doing a collaboration with other movie outfits to be able to present fresher, newer, ideas and executions. And GMA is very kind to bring us in together with our foreign partners. I’m sure we will be able to present quality entertainment to the movie going public,” pahayag naman ni Mr. Tuviera.
   
Ilan sa Hollywood at Korean movies na prinodyus nina Shim at Ho ay ang Gladiator, Saving Private Ryan, American Beauty, JSA at Myung Ryang. Ayon sa kanila, isang ground-breaking level ng motion picture ang ihahandog nila.
   
Huling nag-team up naman ang GMA Films at APT sa blockbuster film na Imagine You & Me nina Alden at Maine.