5,407 guests

Kathryn, tyinaga ni Daniel

  • Written by Leo Bukas
  • Published in Showbiz
  • Read: 503

HALATANG masaya naman si Kathryn Bernardo kahit pa walang pormal na pag-amin mula sa ka-loveteam niyang si Daniel Padilla na meron na silang relasyon. Okey na siguro kay Kathryn ang marinig na “exclusive” sila ni Daniel.

Ayon sa aming very reliable source, four years na ang relasyon nina Kathryn at Daniel. At kahit nagkaroon ng isyu noon involving Jasmine Curtis, hindi natinag ang kanilang relasyon.

Ayon sa mom ni Kathryn na si Min, nakita niya kung gaano katiyaga at katapat si Daniel sa anak niya pagkatapos ng mga nangyari sa kanila ni Kat noon.

Pag-alala pa nga ni Mommy Min, may mga panahon noon na hindi niya talaga kinikibo si Daniel. “Pero nakita ko naman na very consistent talaga siya sa pagsuyo sa akin. Hindi siya sumuko.”

In fairness kay Daniel, pagkatapos ng isyu sa kanila ni Jasmine, wala na kaming nabalitaan na negative about him. Seryoso siguro talaga siyang i-pursue si Kathryn.

Anyway, ipapalabas na sa Sept. 14 ang pelikula ng KathNiel na Barcelona: A Love Untold na majority of the scenes ay kinunan pa sa Spain. Ito ang first matured movie ng KathNiel kaya inaabangan kung gaano ka-passionate ang kanilang mga eksena sa movie.
   
Ang Barcelona ay sa direksyon ni Olive Lamasan and produced by Star Cinema.