6,419 guests

Dedma!

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 0

Sa halip na sumagot sa nabalitang nahuli ang half-brother niyang Phillip daw ang pangalan sa isang drug buy bust operation, nag-post na lang si Lea Salonga ng quotation na: “To make patol is human; to make dedma, divine” at nilagyan ng caption na “Amen.”

Hiningan na pala ng reaction si Lea pagkatapos mahuli ang diumano’y half-brother niya, kaya siguro nag-post siya ng nasabing quotation na sinang-ayunan ng kanyang followers sa Instagram (IG).

Wala na ring nagtatanong kay Lea sa social media account niya tungkol sa balita.

Ang report, may presscon kahapon ang kapulisan na nakahuli sa half-brother daw ni Lea.

* * *

Napanood namin ang video ng pagrampa ni Dennis Trillo sa red carpet sa 11th Seoul International Drama Awards at kitang mahaba ang nirampahan ng aktor.         Maganda ang acceptance speech ni Dennis na first Pinoy actor to receive this award. 
   
Itinaas niya ang mga ginagawang drama ng bansa.
   
Inuwi ni Dennis ang Asian Star Prize Award at sa post ng aktor sa Instagram (IG), ang sabi, “Hindi mangyayari ang lahat ng ito kung hindi dahil sa aking Kapuso network, sa lahat ng mga sumubaybay sa My Faithful Husband, sa aming mahusay na director na si @direkbinene, sa aking magaling na manager @popoycaritativo. At siyempre, walang Papaw kung walang Mamaw @mercadojenny salamat sa inspirasyon at pagmamahal. Sa Diyos ang lahat ng kapurihan, maraming salamat po.”
   
Isa sa mga nag-congratulate kay Dennis si Jennylyn at sa sinabi nitong, “Congrats Papaw! Really proud of you!,” ang matamis na “I love U Mamaw” ang sagot ni Dennis na kinakiligan ng kanilang fans.
   
Ang word na “love” ay heart emoticon ang ginamit ng aktor, kaya lalong nagwala sa kilig ang DenJen fans.
   
Isa pang ipinagwala ng fans ay ang selfie ni Dennis with Korean superstar Song Joong-ki, lead actor ng Descendants of the Sun na airing sa GMA-7.         Ang dami pala nitong Pinoy fans at inggit sila kay Dennis na nakapag-selfie kasama ang aktor.
   
Kung nababasa lang ni Song Joong-ki ang comments at kung nakakaintindi siya ng Tagalog, matatawa rin siya.
   
Kuwela sa amin ’yung comment na sana isako at isama pauwi ni Dennis ang Korean actor.

* * *

Espesyal ang bisita ni Regine Velasquez sa Sarap Diva today dahil isa sa pinakaguwapo at pinakakuwelang leading men sa showbiz na si Edu Manzano ang makakasama niya.
   
Tiyak na saya at tawanan ang hatid nito sa viewers sa mga baong hugot lines.
   
Sabay silang magpapatawa ni Regine at magkukulitan. Balik-Kapuso si Edu sa primetime series na Someone to Watch Over Me.