5,680 guests

Vina, mai-stress ’pag kinuhang ninang ng panganay nina Robin at Mariel

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 792
Vina Morales with Robin Padilla & wife Mariel  Rodriguez Vina Morales with Robin Padilla & wife Mariel Rodriguez

Happy si Vina Morales para sa mag-asawang Robin Padilla at Mariel Rodriguez lalo na ngayong finally ay magkakaanak na ang mga ito.

Dumalo si Vina sa baby shower para sa baby girl nina Binoe at Mariel kasama ang anak niyang si Ceanna at nag-enjoy daw sila.

“Sobra akong tuwang-tuwa sa kanya (kay Mariel),” say ni Vina nang makatsikahan namin kahapon sa taping ng Born for You.

“Natuwa ako nu’ng... siyempre, ’di ba, nagkakailangan kami tapos ang daming camera, pagpasok na pagpasok ko, kasi ’yun lang naman talaga ang first time naming nagkita ni Mariel na kasama si Robin.

“Nagkikita kami, medyo malayo. Pero ’yung in-invite talaga ako and I said yes, saka may communication na kami ngayon ni Mariel, so, we’re really good friends now.

“Medyo first time lang na nagkakagulatan lang. Natawa ako, pagpasok naming tatlo, maraming pa-picture, tapos kaming tatlo lang, so, sabi ni Robin, ‘’yung bata, ’yung bata,’  kasi nandiyan si Ceanna. Sabi naman ni Mariel, ‘nandito, nandito!’ (sabay-turo sa baby sa tiyan).
   
“Ang ibig sabihin naman ni Robin, ’yung bata, si Ceanna, kasama sa picture dapat para hindi naman nagkakailangan dahil may baby ako, pati si Mariel, so, mas maganda tingnan ’yung ganu’n.
   
“Tawang-tawa ako. Nakakatawa silang dalawa. But I’m really happy for them. Finally, ’di ba? Mabubuo na, and a baby girl,” say ni Vina.
   
Ano ang napag-usapan nila ni Mariel?
   
“We talked a lot when it comes to being a mother, ’yung ganyan, ’yung ‘I’m so excited for you,’ my relationship, about her happiness with Robin. And I know, if we had given a chance to have more time to talk, we will be closer. Especially siguro, ’pag lumabas na ’yung baby, I can give her tips or advice.”
   
So, kung kukunin ba siyang ninang, willing naman siya?
   
“Diyos ko naman, masyado namang advance ’yun, baka ako ma-stress,” natatawang sagot ni Vina. “We still have time, siguro, kailangan pa ng time to really get to know each other. Sa totoo lang naman tayo, ’di ba?
   
“But nu’ng naimbita na niya ako sa baby shower, that’s already something special. And she feels the same, and also Robin.”
   
Kinumusta rin namin ang update sa mga kaso niya sa ama ni Ceanna na si Cedric Lee at aniya, dito raw siya talagang naka-focus ngayon.
   
“It’s for my daughter. And like what I’ve said, I will do everything for my daughter. Lalaban at lalaban talaga ako and lumalaban ako until now.
   
“But I’m just leaving it up to my lawyer. I got a new lawyer, Atty. Lucing Sering who’s in charge of the case now.
   
“Merong sa Nueva Ecjia, ’yung libel, five (counts), may tumutulong naman sa akin, ’yung lawyer ng pinsan ko. It’s just a complaint, wala pa naman sa korte.
   
“And I have four (counts of libel) in Caloocan. And then there’s Bernice (Lee, na kapatid ni Cedric) filed a libel also in Caloocan and perjury in Parañaque,” pahayag ni Vina.
   
Matatandaang sinampahan siya ni Cedric ng multiple libel cases. Ani Vina, hindi rin niya alam kung bakit sa magkakaibang lugar ito isinampa.
   
“But you know what, I’m thankful that even though ganu’n ’yung mga kaso at kung saan-saang lugar, it’s just a complaint anyway. So, they filed a complaint about libel and for that, perjury.
   
“Pero I’m praying and I know naman in my heart, it will be a positive (result) on my side. So, hindi ko naman masyadong pinuproblema ’yun.
   
“Ang nag-aasikaso niyan, ’yung lawyers ko, sina Atty. Lusing Sering  at Atty. Bembol Castillo.”
   
So, confident siya na papanigan siya ng batas?
   
“Wala naman akong ginawang masama. Ano bang ginawa kong masama? Pakisabi sa akin kung meron po akong ginawang masama,” nakangiting sambit ni Vina.
   
Samantala, sa Friday na magtatapos ang Born for You at ayon kay Vina, parang ang bilis ng panahon.