5,980 guests

Solenn, negatibo sa droga

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 502

Kabilang pala si Solenn Heussaff sa mga artistang na-report na nasa listahan daw ng celebrities na gumagamit ng illegal drugs. Kaya bago pa lumaki ang isyu, nagpa-drug test si Solenn at negative ang resulta ng kanyang drug test.

Naglabas ng statement si Leo Dominguez, manager ni Solenn tungkol sa resulta ng drug test ng aktres.

“One of GMA Network’s stars, Solenn Heussaff has tested negative for illegal drugs. Leo Dominguez, the talent manager of the Filipina-French actress/model, has decided to publicize her results in support of the government’s stand and campaign against illegal use of prohibited drugs.
   
“This is also to inform the public of Solenn’s beliefs of clean and healthy living. Dominguez says that ‘Solenn practices what she believes in, which is to live a healthy and productive lifestyle, this includes her position against the use of prohibited and illegal drugs.’”
   
Kasama sa statement ang resulta ng laboratory results mula sa Hi-Precision Diagnostics Plus na nasa Poblacion ng Makati, a medical laboratory licensed by the Department of Health.

* * *

Pang-apat na endorsement na ni Nate Alcasid ang Smart Watch from PLDT Home at winelcome siya ng PLDT at ni Gary Dujali sa presscon/launching ng bagets bilang newest member ng PLDT endorsers.
   
Kuwento ni Regine Velasquez, kung dati ay madaling hanapin si Nate kung nasaang parte ng kanilang bahay dahil laging kumakanta, ngayong endorser siya ng Smart Watch, mas madali siyang mahanap.
   
Puwede siyang makausap gamit ang Smart Watch at kung 10 meters away naman sa kanila ni Ogie, magba-vibrate ang Smart Watch.
   
Para sa PLDT Home subscribers na mag-a-upgrade sa Telpad plan, automatic silang may free 1Mbps HOME DSL and for an additional P199 per month, makakakuha sila ng Smart Watch for their kids.
   
Magandang endorser si Nate dahil sumasagot sa mga tanong ng press at may sense of humor ito. Nang makita ang balloons na naka-decorate sa function room ng Cerchio kung saan ginawa ang presscon niya, sabi ba naman, mukhang pototoy daw.
   
Mabuti at walang salbaheng reporter na nagtanong kung kaninong pototoy ’yun at tiyak, sasagot din si Nate.
   
Inangkin agad ni Regine na namana sa kanya ni Nate ang sense of humor, pero ang disposisyon ay namana kay Ogie.

* * *

Nagbago na ang tingin ng televiewers kay Sanya Lopez at pagkatapos nilang mapanood ang aktres sa episode ng Encantadia this week, hindi na ito “Da Who” sa kanila.
   
Puro positive comments at feedback from the viewers ang nababasa sa Internet at tiyak na si Direk Mark Reyes at ang mga pumili kay Sanya to play Sang’gre Danaya’s role ang tuwang-tuwa.
   
Nagpakita ng husay sa pag-arte at galing sa fight scene si Sanya at kinabiliban ang eksenang nakipaglaban siya at nag-backflip.
   
Akala nila, si Solenn lang ang kayang gumawa noon, ipinakita ni Sanya na kaya rin niya.
   
Sa mga eksena ni Sanya kasama si Glaiza de Castro, hindi rin siya nagpahuli sa mas nauna sa kanyang aktres. Lalo pa siyang kinagiliwan nang mag-transform into a dog. Isa na ang mga eksena ni Sanya sa fantaserye sa inaabangan ng viewers.
   
May mga nagri-request pa nga ng more fight scenes nila ni Glaiza at siyempre, hinihintay din ang eksenang magiging sila na ni Rocco Nacino.
   
May mga kinikilig pala sa kanila at tanggap ng fans kung si Sanya ang ipalit ni Rocco kay Lovi Poe.

* * *

May commercial run ang Tuos, ang Cinemalaya entry nina Nora Aunor at Barbie Forteza, sa September 21 to 28.
   
Kaya lang, bakit naman sa dalawang sinehan lang at ang isa sa SM Iloilo pa at ang isa ay sa SM Megamall.
   
Sana madagdagan pa ang sinehang magpapalabas ng Tuos, kung saan hindi lang si Nora ang nagpakita ng husay sa pag-arte, pati na rin si Barbie na hindi nagpakabog sa Superstar.
   
Mga reporter na ang nagwi-wish na sana mabigyan ng big break sa pelikula si Barbie dahil magaling siya at versatile pa. Magaling siya sa comedy at drama, big break lang talaga ang kailangan sa mainstream movie.
   
Ang balita pa, isa ang Tuos sa Filipino films na kinu-consider na isali sa best

foreign film sa Oscars.
   
Ang iba pang pelikula ay ang Ma’Rosa at Felix Manalo.