8,743 guests

Angel, in love na naman

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 589

FORTY-three-year-old model-turned award-winning actress Angel Aquino is in love again.  This time sa isang Iranian engineer na nagngangalang Farzad na nakilala niya sa Boracay last December 5, 2015.  Ang chance meeting na `yon ay nasundan ng  iba pang dates hanggang sa maging sila.

Farzad is an engineer based in Qatar but is due to be back in Manila para muling bisitahin si Angel.
   
Angel is a single mom to her two lovely daughters na sina Iana at Thea.  Isa rin siya sa mahuhusay na aktres na hindi nawawalan ng trabaho.
   
Si Angel ay bahagi ng bagong tumatakbong serye ng Dos, ang “Till I Met You” na tinatampukan ng reel and real sweethearts na sina James Reid at Nadine Lustre kasama si JC Santos na pinamamahalaan ni Antoinette Jadaone.

BOY KAY TONI, GIRL KAY MARIEL

SA magkakaibigang Toni Gonzaga, Bianca Gonzales at Mariel Rodriguez, si Mariel ang unang nag-asawa sa actor na si Robin Padilla, sumunod si Bianca sa cager na si JC Intal at huli si Toni sa director-producer na si Paul Soriano.  Pero sa tatlo, si Bianca ang unang nagkaroon ng anak.  Isinilang niya ang first baby nila ng husband niyang si JC last October 23, 2015, si baby Lucia.  Tuloy naman ang pagbubuntis ni Mariel sa ikatlong pagkakataon sa magiging first baby nila ni Robin.  Due to give birth soon naman si Toni sa kanilang magiging unang supling ng mister niyang si Paul.
   
Boy ang ini-expect na first baby ng mag-asawang Toni at Paul at girl naman ang magiging first born nina Mariel at Robin na may naghihintay na pangalang Maria Isabella.

CONG. VI, GUSTO NANG MAGKAAPO KAY LUIS

KUNG ang Star for All Seasons at kinatawan ng Batangas na si Rep. Vilma Santos lamang ang masusunod, gusto na rin niyang magkaroon ng apo sa kanyang panganay na anak (sa ex-husband niyang si Edu Manzano) na si Luis Manzano.  After all, Luis is already 35.  Pero mukhang wala sa immediate plans ng young Manzano na mag-asawa at magkaroon ng anak kahit nali-link ito ngayon sa Kapamilya actress na si Jessy Mendiola.
   
Kahit noong si Angel Locsin pa ang kasintahan ni Luis ay gustung-gusto na ni Cong. Vi na mag-asawa ang panganay pero muling mauwi sa hiwalayan ang relasyon ng dalawa.

EDU, AYAW MAKIALAM SA LOVELIFE NG ANAK

SA presscon ng bagong TV drama series ng GMA, ang “Someone to Watch Over Me” na tinatampukan nina Tom Rodriguez, Lovi Poe at Max Collins at pinamamahalaan ni Maryo J. de los Reyes, inamin ng isa sa cast na si Edu Manzano na never umano siyang nakialam sa kanyang panganay na anak na si Luis Manzano pagdating sa kanyang career at lovelife.
   
Tulad ng ex-wife ni Edu na si Cong. Vilma Santos, umaasa rin si Edu na magkaroon na rin ng sariling pamilya ang kanyang panganay.
   
Sa ngayon kasi, nakikita ni Edu kay Luis na mas ini-enjoy nito ang buhay-binata at ang magandang takbo ng career nito.
   
“I don’t meddle pagdating sa affairs of the heart ng mga anak ko,” diin ni Edu na proud sa kanyang mga anak na lahat nakapagtapos ng kanilang pag-aaral.

SARILING TV SERIES NINA ALDEN AT MAINE, HINIHINTAY NA

TULUYAN nang nagwakas last Saturday (September 3) ang “Kalyeserye” ng “Eat Bulaga” na mahigit isang taon ding tumagal sa ere at naging daan para mabuo at makilala ang phenomenal pair nina Alden Richards at Maine Mendoza.
   
Nalungkot siyempre ang mga sumubaybay ng “Kalyeserye” dahil marami ang pinasaya ng nasabing serye na kung saan din nabuo ang tatlong lola – sina Lola Tidora (Wally Bayola), Lola Tinidora (Jose Manalo) at ang nasuspindeng si Lola Tidora (Paolo Ballesteros) na nakabalik na sa longest-running noontime show.
   
Ngayong wala na ang “Kalyeserye” ng “Eat Bulaga,” tiyak na magkakaroon ng bagong segment sina Alden at Maine sa noontime show.  Tuloy pa rin si Maine sa “Sugod-Bahay” ng “Juan for All, All for Juan” segment kasama sina Jose Manalo at Wally Bayola.
   
May plano rin  umano ang GMA at APT Entertainment na bigyan ng sariling TV series ang magkasintahan na ngayong sina Alden at Maine.

MEDICAL MISSION NI AHWEL, APAT NA TAON NA

SA ika-apat na taon ay muling pinangunahan ng radio/TV entertainment personality na si Papa Ahwel Paz ang kanyang taunang medical mission for the media in partnership with De los Santos Medical Center (A Metro Pacific Hospital) na pinamumunuan ng pangulo nitong si Raoul C. Pagdanganan.
   
Ang “I Love My Family" Medical Mission for the Members of the Media ay ginanap last Sunday, September 4, 2016 from 6 a.m. to 12 noon.
   
Napakalaking bagay ang ginagawang taunang medical mission for the media ni Papa Ahwel na lumalaki ang coverage taun-taon mula sa iba’t ibang laboratory tests (X-ray, ECG, etc.), dental, medical consultation, optical at iba pa
   
Ang nakakatuwa pa kay Papa Ahwel parati pa siyang may handang libreng breakfast at lunch para sa lahat.
   
Napaka-warm at friendly ng top officials,  doctors and medical staff ng De Los Santos Medical Center na nag-allot ng kanilang panahon kahit araw nila ito (Sunday) para sa kanilang mga pamilya.
   
Dumalo rin sa nasabing medical mission for the media ang isa pang kasamahan ni Papa Ahwel sa DZMM, ang radio and TV anchor na si Nina Corpuz.