6,734 guests

Kathryn at Daniel, babalik sa Barcelona

  • Written by NEL ALEJANDRINO
  • Published in Showbiz
  • Read: 683

KATHRYN Bernardo and Daniel Padilla plan to visit Barcelona in Spain anew, when they would have the time and had saved for the fare, plus, pang-lamiyerda. 

Of course, three weeks din silang namalagi sa Barcelona for the filming of their soon-to-be released movie, Barcelona: A Love Untold. 

But as they were working most of the time, ’di sila nagkaroon ng pagkakataon na mapasyalan ang napapabalitang magagandang tourist spots ng lugar, except the Cathedral of the Holy Family.
   
“Wish ko na sa aking pagbalik sa Barcelona, kasama ko ang aking Mama (referring to Karla Estrada).
   
“Madasalin siya. Kaya alam kong gugustuhin niyang manalangin sa loob ng Sagrada de Familia Cathedral,” ani Daniel.
   
In the case of Kathryn, kasama niya ang kanyang mommy during the shoot.
   
First time daw both nina Kathryn at Daniel na mag-shooting ng isang movie sa ibang bansa.

* * *

Though there are speculations that Kris Aquino is now being managed by APT and TAPE executive Tony Tuviera,  according to Boy Abunda, nananatili siyang manager ni Kris for endorsements.
   
Wala rin daw nabago sa friendship nila ni Kris, susog pa ni Boy. Although ayaw niyang mag-comment sa kung totoong, in time, gagawa ng show si Kris sa GMA-7, where Tony Tuviera’s long-time noontine show Eat Bulaga is aired daily (except Sunday).
   
Guess how long nga palang naging talent ng ABS- CBN si Kris?
   
Twenty-years na tumataginting.
   
Her contract with the Kapamilya Network expired last March.

* * *

Since bago na, Ian F., ang head ng Metro Manila Development Authority (MMDA), si Thomas Orbos, nangangahulugan ba itong marami ring mababago sa alituntunin ng Metro Manila Filmfest (MMFF) this December?
   
As is it, may ilang pagbabago nang sinusunod ang mga local producers na may kinalaman sa deadline ng submission ng entries, as imposed by the former chair ng MMDA, si Emerson Carlos.
   
Last week of September, dapat na-review na ng committee ang mga entries na nabanggit.
   
As it is, ang alam naming interested to join the yearly MMFF are Star Cinema and Regal Entertainment.
   
Star Cinema is currently filming a yet untitled flick starring Vice Ganda at Coco Martin, plus the two young child performers sa top series ni Coco, Ang Probinsiyano, sina Simon (Onyok) Pineda at McNeal “Makmak” Briguela.
   
Tapped to direct the movie is Bb. Joyce Bernal.
   
Mother Lily’s entry, Mano Po 7: Tsinoy, stars naman Richard Yap, Jean Garcia and Jessy Mendiola.