5,107 guests

Teleserye ni Sylvia, mas bagay sa primetime

  • Written by Leo Bukas
  • Published in Showbiz
  • Read: 582

Ang buong akala namin ay sa primetime block ng ABS-CBN mapapanood ang The Greatest Love series na pinagbibidahan ni Sylvia Sanchez, pero hindi pala. Ito pala ang ipapalit sa mababakanteng time slot ng Tubig at Langis na napapanood after Doble Kara simula ngayong Lunes, Sept. 5.

Sa ganda kasi ng teaser na napanood namin at base na rin sa naririnig naming kuwento about the series, mas bagay ito sa primetime.
   
Sayang naman ang mga estudyanteng audience at mga working moms na nasa school at opisina pa by that time na umeere ito sa hapon.
   
Maiintindihan kaya ng mga “maid of cottons” ang plot ng The Greatest Love na tungkol sa isang ina na merong Alzheimer’s disease?
   
Eh, ’yung tungkol sa characters ng mga anak ni Sylvia played by Arron Villafor, Dimples Romana, Andi Eigenmann at  Matt Evans, maka-relate din kaya ang ordinaryong audience?
   
Mas dapat kasi itong mapanood ng mga estudyante at young professionals na kadalasan ay nakakalimutan nang magbigay ng panahon sa kanilang mga ina dahil sa sobrang busy sa work.
   
Anyway,  buti na lang meron ng iWantTV ngayon. Kung mami-miss nila ang The Greatest Love episode sa TV, mapapanood na nila ito sa Internet.
   
Kasama din nga pala sa The Greatest Love si Joshua Garcia na gaganap bilang  apo ni Sylvia.
   
Ang TGL ang kauna-unahang serye ni Sylvia na siya ang bida. Ayon sa aktres, sa edad niya ngayon ay hindi niya inasahan na magbibida pa siya sa isang soap opera.