4,863 guests

Ampalaya in diabetes prevention

  • Written by Clifford T Sorita
  • Published in Opinion
  • Read: 517

Our best kept secret

ACCORDING to the International Diabetes Federation, the Philippines in 2010 documented 309,000 deaths related to non-communicable chronic diseases, including diabetes.

Approximately a quarter of these deaths were people of working age (younger than 60 years).  The Philippines is one of the world’s emerging diabetes hotspots. Ranked in the top 15 in the world for diabetes prevalence, our country is home to more than 4 million people diagnosed with the disease; and a worryingly large unknown number who are unaware they have diabetes.

Radio Veritas as part of its health awareness campaign in Diabetes Prevention spearheaded an on-air Forum on this regard.  The guest panelists included, Dr. Gemiliano DL Aligui, MD, MPH, PhD,  (Vice President for Academic Affairs of the University of the East, Ramon Magsaysay Memorial Medical Center, Inc.) and Mr. Benson Sian (President, Natural Quality Corporation).  Here are the highlights of their panel discussion:

Q: Ano po ba ang kahalagahan ng ampalaya na masama sa ating pang­araw-araw na  diet?

A: (Dr. Aligui) Well, actually ampalaya is a Pinoy superfood o Pinoy super gulay, medyo mahina nga ang appeal nito sa mga tao kasi hindi masyadong pinahahalagahan, importante dito kasi malaman natin na sa buong mundo may mga populasyon na talagang pinapahalaga­han ang ampalaya katulad sa Okinawa, sa Brazil din meron ’yan, na binibigyan nila  ng halaga kasi ’yung diet  na tinatawag nating consisting of ampalaya whatever kung paano mo siya lutuin. Marami siyang benepisyo kasi merong 54 bio-active components ang ampalaya. At isa na nga dito ’yung tinatawag natin na protein na similar sa insulin. Kaya ang tini­tingnan natin dito kapag regular ang pagkain mo ng ampalaya medyo maganda ang control mo sa diabetes. Kung wala ka pang diabetes, maganda ang control mo sa blood sugar. So kung medyo prone ka, at risk ka for diabetes, medyo maku-control mo ang pagtaas ng blood sugar mo nang maaga at hindi ka maaaring magkaroon ng diabetes, nang maaga. So, kung diabetic ka naman at ngayon mo lang naisipan na magpahalaga doo
n sa gulay, medyo  tingnan mo rin kung paano mo i-adjust ang gamot mo kasi maaaring kailangang ibaba mo ang gamot dahil kumakain ka ng mas maraming ampalaya.
   
Q: Nasa diet natin, sa kain natin ’yung sikreto. Pero Doc, ano po ba ’yung partikular dito na taglay ng ampalaya na malaki ’yung tulong sa pag-iwas sa diabetes.
   
A: (Dr. Aligui) Meron pong tinatawag nating protein, ang tawag d’yan MAPs (microtubule-associated proteins). Ang maganda sa component na ’yun which is ’yun ’yung pinakareason kung bakit gumagana ’yung ampalaya for diabetes ay halos kapareho siya ng insulin. So, kung kulang ’yung insulin mo, nasusuplementahan ng ampalaya du’n sa components ng ampalaya ’yung kailangan mong insulin. Tumutulong siya, ang hypothesis po nito ’yung cells po natin, nabubuksan o ’yung cell membrane; at nagagamit ang glucose kasi sa diabetes marami pong kaso na hindi ho tukoy na kung papaano, meron pong diabetes na kulang sa insulin at meron pong diabetes po na hindi pumapasok ang insulin sa cells at hindi nagagamit. So tinatawag hong magkaiba ’yun pero pareho silang diabetes. So in both cases, mayroon tayong sagot sa ampalaya.
   
Q: Nabanggit po natin kanina na meron pong iba nating mga kapanalig na hindi gusto ang pagkain ng mismong gulay, dahil dito mga kapanalig, ginawan ito ng paraan ng National Quality Corporation na kung paanong imbis na ’yung gulay mismo ang i-intake natin ay naglaan sila ng mga dietary supplement na makakatulong nga dito sa atin?
   
A: (Mr. Sian) Good morning po. Tama po ’yung sinabi mo Ms. Yan. Noong 2002 tinaguyod ’yung Nattural Quality Corporation; 14 years na kami… we’re a homegrown company ang brand name po namin ay ampalaya plus, ang sangkap po nito ay ampalaya, banaba at luyang dilaw. ’Yung luyang dilaw alam natin ngayon na sobrang sikat, anti-inflammatory. So dinagdagan namin ng ampalaya, banaba at luyang dilaw. Natutuwa po kami bilang isang homegrown company marami kaming natutulungan hindi lang sa Pilipinas pati na rin sa abroad.
   
Lately nga merong isang 80-year old Danish na tao na gustong makipagkilala sa akin, hindi ko alam kung bakit so nakipag-meet siya, sabi niya diabetic siya, may sugat siya sa paa na ayaw maghilom. Sinabihan siya ng doctor niya sa Denmark na maaaring putulin ang kanyang paa kung hindi tuluyang maghilom at ma-infection ang paa niya. Dahil na rin sa tulong ng doctor niya dito sa Pilipinas at dinagdagan niya ’yung kanyang gamot ’yung insulin niya at ’yung ampalaya plus, awa ng Diyos naghilom ’yung paa niya at siya mismo ang nagsabi na nakatulong ’yung doctor niya at ampalaya plus.  Dinagdag pa niya sa akin na, hindi ko ito pinapayo sa lahat ha, ito’y gabay lang ng doctor niya, ’yung insulin intake niya napa-reduce niya by 50% du’n sa pamamagitan ng monitor ng doctor niya, diet at ’yung ampalaya plus.
   
In conclusion, allow me to share with you the sentiments of Fr. Pete Montallana (Panel Interviewer & Save Sierra Madre Network Alliance Convener), “Ipatronize natin ang ampalaya. Ang Pilipinas ay napakarami, at napaka-blessed na bansa sa buong daigdig. In biodiversity, we are in number 17, isa sa pinaka-diverse ang ating bansa. Kaya lang sinisira natin.  Tangkilikin natin ang sariling yaman natin.”

* * *
   
For any personal comments or suggestions, you may likewise call 0917-4805585 or email me at This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it..