8,000 guests

Pinasusuko!

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 615

20-30 durugistang artista, mula sa iba’t ibang network

Nakakatakot ang “all networks” na sagot ni PDEA NCR Dir. Villanueva sa tanong kung saang network ang mga artistang involved sa drugs. May 20-30 celebrities daw ang posibleng involved sa drugs, pero walang binanggit na pangalan.

Tapos may panawagan si PNCP Chief General Ronald “Bato” dela Rosa na sumuko na ang mga durugistang artista.
   
Tiyak na aabangan ng lahat kung sino ang mga susukong artista na involved sa drugs.
   
Hindi rin pabor si Gen. Bato sa request ni Robin Padilla na ’wag muna pangalanan at kausapin muna ang mga artistang involved sa drugs.
   
Sabi ni Gen. Bato, ’pag sinunod nila ang request ni Robin, magiging selective ang drug campaign nila na lihis sa transparency na gusto nilang mangyari.

* * *

Tumanda pala ang mga karakter nina Dennis Trillo at Heart Evangelista sa Juan Happy Love Story at ang cute ng picture nila nang sila’y tumanda.
   
Sa last episode ng rom-com series ngayong Friday, lumaki rin ang adapted daughter nilang si KatKat at ginampanan siya ni Carla Abellana na nag-cameo role.
   
Ang ganda ng ginawa ng mga writer ng JHLS, na naging book writer si KatKat (Carla) at ang sinulat na libro ay love story nina Juan (Dennis) at Happy (Heart).
   
Sa instagram (IG), nag-post ng thank you message si Heart sa lahat ng involved sa series: “I would like to say THANK YOU for loving our show, characters OUR story. THIS show made me fall in love with my craft all over again... thank you GMA for believing in me and pushing me to do something I never thought I could possibly do (sexy/naughty was never really me) thank you to our directors, writers, hardworking crew, to EVERYONE! My goodness... this show was amazing and will always always be close to my heart. Maraming salamat po sa LAHAT ng nagmamahal ng show na ’to and for giving us consistent high ratings and sa lahat ng nagpa-trend on social media.”
   
Samantala, tuloy ang pagiging busy ni Heart kahit tapos na ang JHLS at isa na rito ang pagsu-supervise sa ipinapagawang bahay.
   
Target ni Heart na makalipat sa January 2017 at pagkatapos nito, ang baby-making project naman nila ni Sen. Chiz Escudero ang haharapin.

* * *

NaNIniwala kaming sobrang natuwa si Devon Seron na pinapirma siya ng four-picture contract ng Regal Films at kabilang siya sa Millennial Regal Babies dahil teary-eyed ito habang kausap ng reporters after niya pumirma ng kontrata.
   
Unang napanood si Devon sa Regal movies na Haunted Mansion at I Love You to Death bilang support kina Janella Salvador at Kiray Celis.
   
Sa Puwera Usog, ang next movie niya, isa na siya sa dalawang bida. Thankful man, kinakabahan si Devon.
   
“Napi-pressure at natatakot ako, pero mas excited ako dahil first time na lead role ko ito at masaya rin ako dahil Regal baby na ako,” dagdag niya.

* * *

Kabilang sina Jerald Napoles at Denise Barbacena sa contestants ng Superstar Duets na bukod sa kanta, mas maraming katatawanan ang mapapanood sa show.        
   
Hindi lang ito pagalingan kumanta, pahusayan din sa pagbibitaw ng punchlines at bukas na, September 3, ang pilot after Magpakailanman.
   
Si Jerald, si Celine Dion ang makaka-duet at natawa kami sa sagot niya na walang cash prize na mapapanalunan ang contestants, “confidence” lang daw ang maiuuwi nila. Hahaha!
   
Si Denise ay si Nicki Minaj ang makaka-duet, palaban at gagawin ang lahat para hindi agad maligwak sa show dahil gustong kumanta at enjoy kasama ang ibang contestants.
   
Si Bert de Leon ang director ng Superstar Duets na ang sabi patungkol sa show ay, “This is one of the most fun and most enjoyable shows I’ve done. This is a real fun show and this is a crazy bunch of guys. Tatawa at mai-entertain kayo before, during and after the show. Pagdating sa performers, you’ll be amazed by the quality of their voices and talents. Nagulat ako kay Pekto, singer pala siya.”