5,116 guests

Miguel, Bianca Umali, magkakaroon ng ‘Usapang Real Love'

Bianca Umali & Miguel Tanfelix Bianca Umali & Miguel Tanfelix

MULI na namang maghahandog ng kilig series sa kanilang fans sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali dahil mapapanood sila sa first-ever interactive rom-com series ng GMA Network, ang Usapang Real Love o URL.

Siguradong maraming netizens ang matutuwa at kikiligin dahil may pagkakataon silang mapanood sa TV kasama ang kanilang favorite Kapuso celebrity. Ang kailangan lang nilang gawin ay i-like ang Facebook page

ng URL na UsapangReaLove at abangan ang posts para sa nasabing video challenges.

Ang fan na gustong sumali ay kailangang i-video ang sarili na ginagawa ang challenge at ipadala ito sa Facebook, i-tweet or i-post sa Instagram at i-tag lamang ang @UsapangRealLove using the hashtag #MagpaFANSin.

Abangan ang cute na story nina Miguel at Bianca sa Usapang Real Love, soon on GMA.

Kapuso drama stars sa Dagupan at GenSan this weekend

HATAW sa regional shows ang mga bida ng top-rating GMA shows na Encantadia at Sinungaling Mong Puso ngayong Sabado (Sept. 3).
   
Sa hilagang bahagi ng Pilipinas, full force ang bida ng hit telefantasya na Encantadia.
   
Kumpleto ang mga naggagandahang Sang'gre na sina Kylie Padilla (Amihan), Gabbi Garcia (Alena), Sanya Lopez (Danaya), at Glaiza de Castro (Pirena) sa gaganaping Kapuso Mall Show sa CSI The City Mall sa Dagupan City, ganap na ika-4 ng hapon.
   
Pakikiligin din nina Rocco Nacino at Ruru Madrid ang mga manunuod at makakasama pa nila ang kanilang co-stars na sina Vaness del Moral, Klea Pineda, at Migo Adecer.
   
Lilipad naman sa General Santos City ang love triangle ng Sinungaling Mong Puso na sina Rhian Ramos, Rafael Rosell, at Kiko Estrada upang makisaya sa pagdiriwang ng Tuna Festival. Mapapanood ang tatlong Kapuso actors sa KCC Mall Events & Convention Center para sa isang Kapuso Mall Show na magsisimula sa ganap na ika-5 ng hapon.
   
Bago ang nasabing mall show, makiki-bonding din sina Rhian, Rafaell, at Kiko sa Purok Matinabangon, Brgy. Labangal, GenSan City para sa isang Kapuso Barangayan. Magsisimula ito sa ganap na ika-3 p.m.