5,115 guests

Nadine, nanganak na

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 787
Nadine Samonte Nadine Samonte

ISA nang ganap na lola ang veteran actress na si Isabel Rivas dahil nakapag-silang na ang kanyang daughter-in-law na si Nadine Samonte sa kaisa-isa niyang anak na si Richard Chua.

Baby girl ang isinilang ni Nadine noong August 27 sa Manila Doctors Hospital na pinangalanang Heather Sloane.

Bukod sa mag-asawa, tuwang-tuwa siyempre ang first time lola dahil never siyang nagkaroon ng anak na babae.

Ang mag-asawang Nadine at Richard ay ikinasal noong October 30, 2013

sa loob mismo ng farm  na pag-aari ni Isabel sa Zambales.

SOFIA, MATUTUPAD NA MAKASAMA SI JAMES

SOBRANG na-impress ang Viva big boss na si Boss Vic del Rosario sa boses ng 17-year-old daughter ng singer-actress-turned politician na si Cristina `Kring-Kring’ Gonzales-Romualdez at mister nitong si dating Tacloban mayor Alfred Romualdez na si Sofia Romualdez dahil kakaiba ang style nito.
   
Nagparinig ng tatlong kanta si Sofia, ang “Toxic,” “Here” and “Skinny Love” na ang dalawa ay siya mismo ang nag-gitara at tumugtog sa organ.
   
Hinilingan din siya ni Boss Vic na kumanta ng isang Tagalog song at nagpaunlak siya ng sarili niyang version ng “Minsan Lang Kita Iibigin” ni Regine Velasquez at todo palakpak ang mag-amang Boss Vic at Veronique del Rosario-Corpus.
       
“A millennial star is born,” bulalas ni Boss Vic.
   
Boss Vic immediately instructed his record production team na magsimula nang mag-gather ng song materials para agad makapag-record si Sofia who just turned 17  two days bago siya pumirma ng five-year exclusive management contract with Viva Artists Agency.
   
“This is one of my best birthday gifts ever,” pahayag ni Sofia who got doubly excited nang malaman niya na magka-same home studio na sila   ng kanyang hinahangaang loveteam na sina James Reid at Nadine Lustre. Hindi nito ikinakaila na crush niya si James pero gustung-gusto niya ang loveteam nila ni Nadine at maging ng ibang loveteam tulad nina Alden Richards at Maine Mendoza at nina Liza Soberano at Enrique Gil.
   
Girl crush naman niya si Liza.
   
“Maybe I’ll cry when I see them in person,” deklara pa ni Sofia.
   
For a start, gusto muna ni Sofia na  mag-focus sa pagkanta which is actually her passion.
   
Nang malaman ni Boss Vic na crush ni Sofia si James, agad nakaisip si Boss Vic na isama si Sofia in one of the future movies nina James at Nadine not as a love interest dahil bata pa ito kundi role ng isang kapatid ni James bagay na ikina-excite ng panganay nina Alfred at Mayor Kring-Kring.
   
We just could imagine kung ano ang magiging reaction ni Sofia kapag nakaharap na niya in person si James.

BABY BOOM SA SHOWBIZ PATULOY

KUNG sunud-sunod ang mga celebrity weddings sa taong ito, patuloy rin ang baby boom this year dahil sa sunud-sunod na panganganak ng ilang celebrity moms na sinimulan ng dating Viva Hot Babe na si Jen Rosendahl sa husband nitong si Jules Chanco. Boy ang kanilang first baby na si Tyler. 
   
On the same day rin ipinanganak ng misis ni Chris Tiu na si Clarisse Ong ang baby nilang si Amanda Claire.  Sumunod ay si Judy Ann Santos noong January 8 nang isilang ang kanilang bunso ni Ryan Agoncillo na si Juana Lucia na may palayaw na Luna.  Ito’y sinundan ng ex-wife ni Paolo Contis na si Lian Paz sa bago nitong karelasyon ngayon, ang negosyanteng si John Cabahug from Cebu City.
   
Baby girl din ang isinilang ni Lian na kanilang pinangalanang Nina Angela.  Si Lian ay may dalawang anak na babae sa ex-husband niyang si Paolo and another girl from a previous relationship.  January 16 naman isinilang ng misis ni Patrick Garcia na si Nikka Martinez ang kanilang second baby na si Patrice. January rin nang isilang ni Katrina Farinas ang third baby nila ng Kapamilya actor na si Matt Evans  na si Harper Madison.  Ang dalawa nilang naunang anak ay sina Hayden Tyler at Hayley Marley.  Kasunod namang inilang ni Shamcey Supsup ang first baby nila ng husband niyang si Lloyd Lee na si Nayla Kelcey Lee.
   
Noong February 14 isinilang ng dating sexy star na si Aya Medel ang kanyang second child sa kanyang Japanese husband.  Baby boy ang kanyang isinilang na pinangalanang Simobn Grey Hayagawa.  Noong March 20 naman isinilang ng misis ni RJ Padilla na si Rosalie Blanca ng isang baby girl na may pangalang Royce Aaliyah.  Pangalawang anak na babae na bale ito ng mag-aawa. Ang panganay ay si Raniaah Amira.
   
Buwan ng Abril, April 18 isinilang ng actress na si Isabel Oli ang first born nila ng husband niyang si John Prats.  Baby girl ito na may pangalang Lilly Feather.  Noong July 29 naman ay isinilang ng girlfriend ni Jovit Baldivino na si Shara Chavez ang kanilang unang baby, isang babae na si Akeya.
   
Last August 8, isinilang naman ng misis ng director na si Lino Cayetano na si Fille Cainglet ang kanilang second baby, si Fille Renee.  Boy ang kanilang panganay na si Ino.  Nung araw ding ito nagsilang ang actress na si Tanya Garcia ng kanilang pangatlong baby, all girls, ng mister niyang si Mark Lapid na si Madeleine.  Ang dalawa pa nilang anak ay sina Mischa  Amidala (9) at Matilda Anika (5).

Noong August 8 ay tatlong celebrities ang nagsilang at pangatlo rito ang current girlfriend ni James Yap na si Michela Cazzola na boy din ang isinilang na kanilang pinangalanang Michael James.  Ito bale ang pangatlong anak (all boys) na panganay ng ex-husband ni Kris Aquino.

Humabol naman si Diana Zubiri last August 14 nang isilang ang kanyang

first baby sa second husband na si Andrew Smith.  Baby girl ang isinilang ng dating sexy star na kanilang pinangalanan Aliyah Rose.
   
Nagka-miscarriage naman ang dating PBB housemate na sii Wendy Valdez

sa husband nitong si Norman Garcia.
   
Since may apat na buwan pa ang natitira bago magtapos ang taong

kasalukuyan, tiyak na may hahabol pa.