4,985 guests

Yeng, 100 times kung halikan ng asawa pagkagising

  • Written by Chit Ramos
  • Published in Showbiz
  • Read: 490
Yeng Constantino Yeng Constantino

ANO raw ba ang karapatan ni Yeng Constantino na maging hurado sa the biggest search for the Filipino boyband kasama sina Aga Muhlach, Vice Ganda at Sandara Park?

Buti na lang at hindi na-rattle si Yeng sa tanong na iyon ng kaibigang Boy Abunda sa kanyang talk show noong Biyernes.

“Itinuturing ko pong trabaho lang ito,” sagot niya na lubhang ikinahanga sa kanya ni Boy. “Fate goes. I just go with the flow.

Actually po, ganun din ang tanong ko sa sarili ko nang maging hurado ako sa ‘Tawag ng Tanghalan’ ng Showtime. Mahirap i-compare ang sarili ko kina Sir Rey Valera, Louie Ocampo, Eric Santos, at Mitoy Yonting, lalo na ngayong nariyan na si Jaya. Katulad din ako marahil nina Kyla at Kaye Brosas na nanliliit, pero, kailangan sumabay sa agos.”

“Mayroon din pong ganun feeling ngayong mapapanood  na ang musical na “Sino Si Josephine?” Ipi-feature po doon ang lahat ng na-compose kong kanta. Naniniwala po ako na napaka-suwerte ko talaga.
   
“Akala ko, da best na po ang pagkaka-meet ko kay Yan (Victor Concepcion) na asawa ko na ngayon. May kasunod pa po pala.
   
“Ano ang ginagawa sa iyo ni Yan pag-gising nyo sa umaga?” muling hirit ni Boy.
   
“Hinahalikan po niya ako ng 100 times!”
   
“Gaano ka katiyak na 100 kisses iyon?” hindi makapaniwalang tanong ni Boy kay Yeng.
   
“Napakadami po kasing kisses. Hindi ko halos mabilang!”
   
Kilig pa more!

NAKAKAKILIG NA TWEETS NINA DEREK AT LOVI PARA SA ISA'T ISA

SABAY nag-tweet sina Lovi Poe at Derek Ramsay ng mensaheng ito sa isa’t isa.

Lovi Poe

@poevirginia:
   
What a great experience working with you @ramsayderekll!! I’m officially a fan of how you are as a person. Hope this is not our last project together! See you soon Piere Tartufo! Derek Ramsay @ramsayderekll:     Another one for the books! We finally finished shooting “The Escort yesterday. It was a great experience to work with you @poevirginia. I now know why so many people say such good things about you. Stay taba!

See you soon #theescort.
   
Nakakakilig.Hindi maitatangging nagkaroon ng mutual admiration sina Lovi at Derek habang sino-shoot nila ang pelikulang “The Escort” para sa Regal Entertainment. Saan kaya hahantong ang mutual admiration nilang ito? Your guess is as good as mine.”
   
Alam kaya ni Mother Lily na humihirit pa sina Derek at Lovi ng next movie?
   
Sasagutin ito ng pelikulang matagal nang binuo ni Mother Lily na nagkaroon ng katuparan this time. Noon pa kinikilig si Mother Lily sa tambalang ito. Hindi nagtataka si Mother Lily sa naging damdamin o impression kay Derek ni Lovi dahil nauna na siyang na-‘in love’ kay Derek.
   
Kung naging malaking hit sa takilya ang unang pelikula ni Derek sa Regal Entertainment ni Mother nang itambal siya kay Kiray Celis sa rom-com na “Love is Blind,” higit ang inaasahan niya sa tambalang Derek-Lovi na itinuturing na perfect match.