6,429 guests

JaDine, muling susubukan ang lakas

  • Written by Joey Aquino
  • Published in Showbiz
  • Read: 799
Nadine  Lustre  & James Reid Nadine Lustre & James Reid

MULING aarangkada ang JaDine sa Kapamilya primetime.

Kasado na ang ‘Till I Met You,’ ang bagong teleserye na pagbibidahan nina James Reid at Nadine Lustre. Ito ang pangalawang teleserye ng Team Real. And they are megged by box-office director Antoinette Jadaone anew. Kaya marami ang umaasa na nandun ang chemistry nilang tatlo. Pero mukhang mas tutok ang iba kung ano ang bago sa kanilang bagong collaboration.

Obviously, the network gambles on this teleserye and makes sure that this will be another hit. Lalo na't pinagkagastusan ito. Kinunan pa ang ilang eksena sa bansang Greece. At bentahe dito ang scenic Santorini. Dinaig pa nito ang paggawa ng pelikula.         Kaya naman kaabang-abang ito. Napanood na namin ang plug nito. At mukhang hindi kami mabibigo sa bagong teleserye ng JaDine. Kilala si Jadaone sa kanyang mga hugot lines na napapanahon. Bukod dito walang pretentions ang paraan ng kanyang storytelling sa teleserye. Simple at totoo. Kaya tiyak na marami ang makaka-relate sa kuwento nito.

Mapapantayan o malalagpasan pa kaya ng ‘Till I Met You’ ang phenomenal success ng  ‘On The Wings of Love’? Just asking...

YASSI, DAPAT MAGPAKITA NA NG HUSAY

YASSI Pressman is finally getting her share of fame.
   
This Viva artist started her showbiz career in 2006 when she was cast in ABS-CBN's teleserye, ‘Gulong ng Palad.’ Tapos, lumipat sa GMA na kung saan siya ang tinaguriang Princess of the Dance Floor. Nabigyan ng ilang projects ngunit nanatiling isa sa mga starlet ng GMA.
   
Sampung taon na rin siya sa showbiz. Pero mukhang ngayon pa lang siya nakikilala mula nang bumalik ito sa Kapamilya. Lalo na nang mapasali siya sa PBB Lucky Seven bilang isa sa mga celebrity housemate. Ngayon, special guest siya sa ‘Ang Probinsyano’ na malaking mileage para sa kanya. Nakita namin ang ilang episodes ng teleserye at hindi kami impressed sa acting niya. Hindi niya na-internalize ‘yung character niya bilang reporter. Samantala, isa rin siya sa mga tampok na bida sa pelikulang ‘Camp Sawi’ kasama sina  Sam Milby, Andi Eigenmann at Bella Padilla.
   
Ngayong nasa Camp Kapamilya na siya, gagaling na kaya siya sa pag-arte? Just asking...

Disclaimer:

Sa diwa ng malayang pamamahayag, malaya rin ang sino man o concerned parties na tinutukoy o nasusulat sa kolum naito para sa anumang paglilinaw o karagdagang komento at reaksyon. Mangyaring makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 09179256177 or email us at This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.