4,285 guests

Umiwas?

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 856

MauunaNG umere ang talent show na ihu-host ni Jennylyn Mercado dahil sa September 3 ang pilot ng Superstar Duets, kapalit ng Lip Sync Battle na magkakaroon ng season break. 

Bagong challenge ito kay Jennylyn na natutuwa na pinagkatiwalaan siya ng GMA-7 na mag-host ng talent show.

Makakasama niya bilang judges naman sina Allan K, Aicelle Santos at Christian Bautista. Contestants sina Joross Gamboa, Denise Barbacena, Divine Grace Aucina, Jerald Napoles, Pekto, Osang at Rita Daniela.
    
Ang hindi pa ina-announce ay kung sinong superstars ang makaka-duet ng mga contestant.
    
Ang maganda sa Superstar Duets, pinaghalo ang biritan at tawanan kaya mag-i-enjoy ang viewers.
    
Samantala, magkakasama nang Avon endorsers sina Jennylyn, Jessy Mendiola at Angel Locsin, pero hindi dumating si Angel at hindi rin nakunan ng picture na magkasama sina Jennylyn at Jessy.
    
Ang may picture ay sina Jessy at Marian Rivera at galing kay Jessy ang picture.
    
Ang ganda sana kung nakunan man lang ng picture sina Jennylyn at Jessy, ang ex at present love ni Luis Manzano.
    
Wala namang magiging isyu sina Jennylyn at Jessy dahil matagal nang naka-move on si Jennylyn kay Luis at masaya na ito kay Dennis Trillo.
    
Kaya na nga ni Jennylyn makatrabaho si Luis, wala lang chance.
    
Si Angel kaya, isa pang ex ni Luis? Umiwas?

* * *

Sa September 14 na pala ang showing ng Barcelona: A Love Untold  ng Star Cinema at muling pinagbibidahan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.
    
Kinunan sa Barcelona, Spain ang big part ng movie sa direction ni Olive Lamasan.
    
Excited na ang KathNiel fans na mapanood sina Daniel at Kathryn sa mas mature na roles.  Ginagampanan ng dalawa ang role nina Ely at Mia, respectively, at sa presscon malalaman kung ano ang mga karakter ng dalawa.
    
Nagkakagulo pala ang KathNiel fans sa nag-leak na picture ni Kathryn na kuha sa pictorial nila ni Daniel para sa Barcelona na backless si Kathryn at kita ang buong likod.
    
Tanong ng fans, simula na ba ito ng pagiging daring ni Kathryn? Gusto rin nilang malaman ang reaction ni Daniel nang makita ang suot ni Kathryn na kita ang hubad na likod.
    
Samantala, sina Daniel at Kathryn ang nanalong Male at Female Movie Stars of the Year ng PEP List at marami ang nakapansin na mas bumagay kay Daniel ang bagong hair style niya.

* * *

May nakita kaming picture nina Tom Rodriguez at Max Collins na parang ikinasal din sa Someone to Watch Over Me, pero mukhang hindi natuloy ang kasal nina TJ at Irene (their characters) dahil sa istorya, sina Tom at Lovi Poe ang naging mag-asawa.
    
Sa airing na ng primetime teleserye sa September 5 malalaman kung bakit hindi natuloy ang kasal nina Tom at Max.