5,926 guests

Parking boy binoga, tigok

  • Written by Itchie Cabayan
  • Published in Metro
  • Read: 242

Binaril at napatay ng ’di kilalang suspek ang isang parking boy habang abala ang lahat sa panonood ng isang singing contest, na bahagi ng pagdiriwang para sa nalalapit na pista sa Sta. Cruz, Manila, kamakalawa ng gabi.

Ang biktimang si Anthony Villanueva, 41, parking boy, ng 5540 Sulu St., Sta. Cruz, Manila, ay namatay sanhi ng tinamong limang tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
   
Sa ulat ni SPO2 Charles John Duran, imbestigador ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), abalang-aba-la ang lahat sa panonood ng singing contest nang barilin ng suspek ang biktima dakong alas-10:55 ng gabi sa 2523 P. Guevarra Street sa Sta. Cruz.
   
Narinig naman umano ng mga manonood ang mga putok ng baril ngunit dahil abala sa panonood ay hindi nila ito pinansin.
   
Maya-maya ay napansin na lamang ni Kagawad Boy Magat ng Bgy. 367, Zone 3, ang biktima na duguang nakahandusay at wala nang buhay kaya’t kaagad itong ini-report sa mga tauhan ng Blumentritt Police Community Precinct (PCP) upang maim-bestigahan.
   
Nakakita naman ng mga bakas ng dugo ang mga pulis patungo sa barung-barong ng biktima na nagresulta sa pagkakadiskubre nila ng tatlong plastic sachet ng shabu at dalawang basyo ng kalibre .9mm na baril.
   
Iniimbestigahan na ng mga otoridad ang kaso upang matukoy kung sino ang may kagagawan ng krimen at kung ano ang motibo nito.