5,251 guests

20-anyos kinunan ng litrato ng tiyuhin habang naliligo

  • Written by Jeffrey C. Santos
  • Published in Top Stories
  • Read: 495

HABANG naliligo si Monique (’di tunay na pangalan), 20, ay nakarinig siya ng ilang ‘click’ ng camera.  Sa pag-aakalang nagse-selfie lamang sa labas ng banyo ang kanyang kapatid ay nagpatuloy siya sa paghaplos at paglinis ng kanyang hubad ng katawan. Laking lumo niya nang malaman kinalaunan na kinunan pala siya ng mga litrato sa cellphone ng kanyang tiyuhin.

Inaresto si Frederick Mesias, walang trabaho, naninirahan sa bahay ng  mga magulang ng biktima sa  Bgy.  61, Pasay City.

Sinabi ni Chief Inspector Rolando Baula, chief ng Station Investigation and Detective Management Branch ng Pasay City police, na inaresto ang suspek nang ang mga magulang ng  20-anyos na biktima ay humingi ng tulong sa pulisya.

Sinabi ng biktima na bandang alas-9:30 a.m. habang siya ay naliligo sa banyo, nakarinig siya ng ilang mga ‘click’ mula sa camera phone.

Sinabi niya na hindi niya pinansin dahil inakala niya na ang kanyang l5 taong gulang na kapatid ay nagse-selfie sa labas ng banyo.
   
Pero, idinagdag niya, nang lumabas siya sa banyo, sinabi ng kanyang kapatid na kinunan siya ng larawan ng suspek habang siya ay naliligo.
   
Sinabi ng pulisya na hindi na nakapagsinunga­ling ang suspek sa kanyang ginawa nang sinuri ang kanyang cellphone at nakita ang hubad na larawan ng biktima habang naliligo.
   
Idinagdag ng pulisya na ang suspek ay nahaharap sa kasong Anti-Photo and Video Voyeurism Act of  2009.