4,726 guests

Estudyante timbog sa droga

  • Written by Cesar Reyes
  • Published in Provincial
  • Read: 386

BAGUIO City -- Isang estudyante ang inaresto ng mga operatiba ng Baguio City Police Office (BCPO) Station 3 at CAIDU sa isinagawang drug buy-bust 11 p.m. kamakalawa sa Leonard Wood Road, dito.

Kinilala ang suspek na si Sami “Dre” Awad, 23, binata, estudyante, ng Mirador Dominican, Baguio City.

Nakakumpiska ang mga otoridad kay Awad ng dalawang sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na .53 na gramo, isang plastik ng pinatuyong dahon ng marijuana na may timbang na 20.09 na gramo, isang Cherry Mobile phone at P500 marked money.

Ang suspek ay isinailalim sa drug testing sa PNP Crime Laboratory, Camp Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet, para sa pagsasampa ng kaso.