6,574 guests

Libro ni Alden, may second reprint na

Alden Richards Alden Richards

DAHIL nag-hit ang first book ni Alden Richards, ang "Alden Richards: In My Own Words", may  second reprint ang aklat by Summit Books.  Padami nang padami ang orders ng book hindi lang sa Pilipinas, kundi sa iba’t ibang panig ng mundo.

Last August 14, nagkaroon ng book launching ang 'In My Own Words' sa Activity Center ng Robinsons Galleria at talaga namang dinagsa ito ng fans, bata man o matanda.

Dati’y isang pangarap lang kay Alden na magkaroon ng sariling aklat tungkol sa kanyang buhay. Dahil sa mga pinagdaanan ni Alden, magiging inspiration din ng mga kabataan ang aklat niya.

Ani Alden: "Well kasi it's always been a dream of mine to produce a book to leave a legacy. The struggles that I've had before starting in show business, talagang it's a roller coaster ride; I really had struggles and difficulties reaching where I am now."

Max, 'di priority si Pancho

KAHIT  three years na ngayon ang relationship nina Max Collins at Pancho Magno, handa pa ring maghintay ang binata sa dalaga pagdating sa kanilang love life. Wala pa raw balak magpakasal ang dalawa, bagama't napag-uusapan na rin nila ito.
   
Ipinaliwanag ni Max na ang pagiging breadwinner niya ang pinaka-importante sa kanya sa ngayon. Ayon sa magandang aktres, "'Pag breadwinner ka, ‘yung priority mo is your family. So, ever since sila talaga 'yun ang priority ko. Relationships come in second, but my family is the ultimate sacrifice, I’ll do anything for them."
   
Tulad niya, alam ni Max na goal-oriented din si Pancho. Isang registered nurse si Pancho na mas pinili ang mag-artista kaysa magtrabaho sa abroad kung saan mas malaki ang kita.
   
Getting serious in a relationship is taking a backseat lalo ngayon na bida na naman si Max sa isang bagong soap opera ni Direk Maryo J delos Reyes GMA7 evening primetime,  ang Someone To Watch Over Me kasama sina Lovi Poe at Tom Rodriguez.
   
Samantala, kasama naman si Pancho sa telefantasya na  Encantadia ng GMA7 na namamayagpag sa ratings game.

Miss Global 2016, eere sa GMA

NGAYONG Setyembre ay mapapanood na sa Kapuso Network ang beauty pageant na Miss Global 2016 na gaganapin sa Philippine International Convention Center. Ani  GMA First Vice President for Program Management Jose Mari “Joey” Abacan, “I’m very happy that Miss Global 2016 is actually going to be air  in GMA News TV. I watched the Miss Global Philippines 2016 pageant, and I was very much impressed with the way they produced it.”

Heart, walang panahon sa bashers

PUSPUSAN na ang paghahanda ng Philippine TV’s Sweetheart na si Heart Evangelista-Escudero sa kanyang upcoming exhibit na “Carry Your Heart” kung saan idi-display niya sa Volkswagen Showroom sa Bonifacio Global City simula Sept. 3-9 ang mga Hermes bag na kanyang pinintahan.
   
Kaya naman kahit may ilang nagtataas ng kilay sa ginagawa ng Juan Happy Love Story actress, inamin niyang hindi siya nagpa-paapekto sa mga ito at nagpapasalamat pa siya sa mga kliyente niyang ipinagkakatiwala sa kanya ang kanilang mamahaling bags. “I appreciate and I’m super-duper thankful that the people that have their bags painted really appreciate my work. But the bashers, I have no space for them and they don’t exist in my life."

Gabby, gusto munang magpatawa

CERTIFIED Kapuso na si Gabby Concepcion matapos itong pumirma ng kontrata sa Kapuso Network noong August 17. Ayon kay Gabby, masaya siya sa milestone na ito sa kanyang career at excited na siya sa gagawin niyang comedy show sa GMA.
   
“I am very, very grateful. I think it’s going to be a good year. Malapit na ang birthday ko so this is a really good birthday gift. At least, tuluy-tuloy nila akong mapapanood after ng role ko as Boss Yummy sa 'Because of You.' Definitely, we are doing other shows in GMA. Meron kaming gagawing comedy. Pahinga muna tayo sa drama. Magpapatawa at magpapasaya muna tayo ngayon.”

Willie, ’di natitinag

HINDI matibag-tibag ang programang Wowowin sa TV ratings kaya naman masayang-masaya ang host nito na si Willie Revillame. Ayon kay Willie, patuloy na pinagpapala ang kanilang programa dahil sa patuloy nilang paghahatid ng saya sa mga nangangailangan.
   
“Natutuwa at nagagalak ang aming mga puso dahil sa matataas na ratings na ipinagkakaloob sa atin ng viewers. Bonus lang po ito dahil ang amin namang hangarin ay makatulong at makapagbigay saya sa marami pang Pinoy."