6,501 guests

Nahiya!

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 27
Angel Locsin & rumored new suitor Angel Locsin & rumored new suitor

Nabasa namin ang reaction/comment ni Angel Locsin sa pinost ng isang reporter na picture nila ng guy na nali-link sa kanya ngayon. Sabi ni Angel, “Oh my gosh... Nakakahiya ho ito. Pls. Stop this.”

In fairness kay Angel, hindi niya ni-request sa reporter na i-delete ang picture nila ng guy, ang fans niya ang humiling sa reporter na i-delete ang picture na nilagyan ng caption na: “Siya ba ang lalaking nagpapatibok ngayon ng puso ni Angel Locsin?”

Kaya, naka-post pa rin ang nasabing picture.

Galing sa pamilya ng mga politiko ang lalaki na hindi pinangalanan. Pero chef daw ito at co-owner ng mga sikat na restaurant at bars ngayon.

Dahil sa paglabas ng picture ni Angel, ng guy at sa tsismis, marami ang curious na makilala ang lalaki.
   
Mukhang wala pang nakakapag-interview kay Angel tungkol dito, pero natutuwa na ang kanyang fans.
   
Hindi na raw puro Luis Manzano ang itatanong kay Angel ’pag nagkataon.
   
Anyway, naging isyu ang pagde-delete ni Angel ng pictures ni Luis sa Instagram (IG) niya dahil ang ibig sabihin, naka-move on na siya sa breakup nila at tinuldukan na ang istorya ng buhay nilang dalawa.
   
Natanong din si Luis tungkol dito at ang sabi, sa rami ng nangyayari sa mundo, hindi na dapat pinag-uusapan ’yun.
   
“It’s not a necessity. Let them talk about it, enjoy talking about it. I enjoy not talking about it,” aniya.

* * *

Nag-expire noong August 16 ang kontrata ni Ogie Alcasid sa TV5, pero wala tayong update kung nag-renew ba siya ng kontrata o hindi na.
   
Nang makausap siya sa presscon ng two-night birthday concert niya sa August 26 at 27 sa Music Museum na Ayokong Tumanda, wala pang maisagot si Ogie.
   
Kailangan pa raw niyang makausap si Manny Pangilinan para matanong kung kailangan pa siya ng TV5. Saka na raw siguro siya magde-decide ’pag nakausap na si MVP bilang respeto rito.
   
Sa tono ng pananalita ni Ogie, parang ayaw pa niyang iwan ang network dahil hindi pa naa-accomplish ang gusto nilang gawin.
   
Meantime, busy muna si Ogie sa TV guesting para i-promote ang kanyang concert at dahil wala nang kontrata, libre siyang mag-promote kahit saang network.
   
Bukas, guest siya sa Gandang Gabi Vice, maraming tawanan at saya raw ng una niyang paglabas sa show ni Vice Ganda.
   
Guests naman ni Ogie sa Ayokong Tumanda sina Lara Maigue, Davey Langit, Q-York, Basti Artadi at Regine Velasquez.
   
Sa Aug. 27, birthday niya, dagdag na guest si Ai-Ai de las Alas.
   
Si Floy Quintos ang director ng concert at musical director si Prof. Ryan Cayabyab.

* * *

Naglabas ng official statement ang pamilya ni Karen Bordador sa hinaharap na kaso ng model-DJ.
   
“We, the Bordador family, are one with the public in condemning the usage and possession of illegal substances.
   
“But we find it very painful and hurtful to face the harsh words, cursing and criticism made by insentive individuals who do not even have a personal connection with Karen and our family.
   
“Karen has always been a kind-hearted, caring, thoughtful, generous and loving person. She would be the last to engage in activities that might bring harm to others.
   
“For those of you who really know Karen and our family personally, please share how Karen and we, as a family, have engaged in activities for the betterment of the community.
     
“Please help us encourage Karen by acknowledging the good things that she has done.
     
“We beg for your kindness and your good heart in putting an end to the criticisms that have unfairly painted a negative picture of our gracious daughter and caring sister, Karen.
     
“We pray to God for divine protection, justice and truth during this very trying time. Lahat tayo’y haharap din sa tunay na hustisya na galing sa Panginoon.
     
“Maraming salamat po.
     
“The Bordador family.”