8,829 guests

Robin, nagwawala ang ‘performance’

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 668
Robin Padilla Robin Padilla

Aminado si Robin Padilla na hindi pa niya nasubukang gamitin ang bagong iniendorsong produkto na Bravo Food Supplement for Men, isang dietary supplement na makakatulong sa pagkakaroon ng kakaibang bedroom experience.

“Kasi napakasinungaling ko naman kung sasabihin kong na-testing ko na ’yung Bravo kasi ho, ’yung asawa ko ay anim na buwan na buntis. Ipinagbawal po ng doktor na may gawin akong maganda. Kaya ako po ay outside de kulambo pa,” katwiran ng action star sa press launch kahapon ng nasabing produkto.

“’Eto pong Bravo, nang unang ikinuwento sa akin, siyempre, kailangan po muna nating imbestigahan. Lahat naman po ng iniendorso ko, hindi ko ’yan iiendorso dahil malaki ang bayad sa akin o kailangan ko ng pera, o may pagdadalhan ng pera, hindi po.

“Lagi po riyan ’yung ’yan ba, eh, makakatulong ba talaga sa tao ’yan? ’Yan ba, eh, baka magbigay lang ng sakit.

“Kaya po, hanggang kanina po, totoo po ’yan, hanggang kanina, pinag-uusapan pa rin po namin kung ano ang kagandahan nito na ibibigay sa tao. Hindi po namin pinag-usapan ang tungkol sa salapi.
   
“Ang lagi po naming tinatanong, ito ba, eh, kasagutan sa problema ng maraming tao, lalo na ng kalalakihan.”
   
Naipaliwanag naman daw sa kanya nang maayos ang produkto at malinaw na malinaw daw ang eksplanasyon kasama na ang tungkol sa bagay na may kaugnayan sa pagkalalaki.
   
“Talaga pong dumarating sa punto ’yun (na kailangan ng supplement para pangtulong). Hindi ko pa naman po nararamdaman dahil wala pa, eh. Siguro after three months,” sey ni Binoe.
   
Pero sa tingin ba niya ay kailangan na niya ang nasabing bitamina para sa pagkalalaki?
   
“Kung kailangan po nating mag-iwan ng marka ng gabing ’yun, kailangan nating uminom. ’Yung tinatawag po nating agimat. Kasi ’yung performance, nandiyan na ’yan, eh. Sa lahat ng mga lalaki, nandiyan ’yan, hindi mawawala ’yung performance. Pero iba ’yung may agimat ka.”
   
Aminado ba naman siya na habang tumatanda siya, eh, nababawasan ang performance niya?
   
“Ah, hindi naman nabawasan pa. Wala pa. Nagwawala pa,” natatawang sagot ni Binoe.
   
Samantala, sa November na manganganak si Mariel at na-reveal na nga na baby girl ang magiging unang anak nila. May pangalan na ba silang naisip na ibibigay sa bata?
   
“Meron pong magaganap na baby shower si Mariel sa Sept. 3, doon niya sasabihin ang pangalan ng bata. Kasi, ako, medyo binitin-bitin din ng asawa ko, eh. Hindi lang sa usapin na ’yun, ha, pati po do’n sa gender. Matagal pa bago niya sinabi sa akin, nu’ng nakaraang linggo lang.
   
“Tapos, ’eto naman ’yung pangalan. Kasi po, talagang gusto ko, sa kanya lahat manggaling. Saka desisyon din niya kung kailan ako magba-Bravo,” hirit ni Binoe.
   
Samantala, kasama rin ni Binoe bilang endorser ng nasabing produkto ang kuya niyang si Rommel Padilla.
   
“Nasubukan ko na,” sey ni Omeng, “actually, three days ago. Siyempre, natural, ano ang gagawin natin? Alam naman natin na may pagkakataon na si ‘bossing,’ si ‘junjun,’ eh, natatapat du’n sa medyo may kalungkutan.
   
“Eh, siyempre, kapag kinalabit ka ni misis, kaya pa naman, pero gusto mong maibigay na agad ang hinahanap, ’yung marka, eh, ininom ko na,” dagdag pa ni Rommel.
   
Tulad ni Binoe, Muslim na rin pala si Rommel at alam naman nating allowed sa kanilang relihiyon ang mag-asawa ng higit sa isa.
   
Malaking tulong daw talaga ang iniendorsong produkto ’pag marami kang asawa.