5,407 guests

Sam, umasang babalik si Anne

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 534

One year nang umeere ngayong Agosto ang Doble Kara at mukhang hindi pa matatapos this year kaya naman masayang-masaya ang lead star na si Julia Montes at say nga niya kahapon nang makatsikahan namin sa press visit, itinuturing niyang blessing ang serye.

Kahit napakahirap gumanap ng dalawang karakter sa isang serye, ani Julia, so far, nakakaya niya at ini-enjoy na lang niya challenge.
   
Pero aminado rin ang young actress na emotionally draining ang role pero kapag nakakatapos daw siya ng isang eksena, masarap sa pakiramdam.
   
Ano ang masasabi niya na sobrang napupuri ng mga manonood ang kanyang acting bilang Sarah and Kara?
   
“Salamat po,” tila nahihiyang sabi ni Julia.
   
Kinantyawan ng press si Julia na inspired kasi siya at natawa na lang ang young actress.
   
So, kumusta naman ang estado ng puso niya?
   
“Steady lang po ako, ’andito lang po ako, steady lang po ako,” sagot niyang nakangiti.
   
Ano ang masasabi niya na ang tingin talaga ng mga tao ay may relasyon sila ni Coco Martin?
   
Natawa ulit si Julia. “Huwag po nating madaliin. Relax lang po tayo.”
   
Dagdag pa ng young actress, ang priority ni Coco ngayon ay work, work, work muna.
   
Inamin ni Coco na may nagpapakilig sa kanya at sobrang espesyal ni Julia sa kanya, how does she feel about it?
   
“Flattered po, kasi kahit ako naman po, ’pag tinatanong, sinasabi ko rin na siya ang pinaka-close sa akin.”
   
Si Coco rin ba ang nagpapakilig sa kanya?
   
“Kayo, ha,” pag-iwas ni Julia sa tanong.
   
May communication pa ba sila sa kabila ng busy schedule nila?
   
“Paminsan-minsan po,” she said.
   
Sa iisang subdivision lang nakatira sina Coco and Julia pero kahit ganun, hindi raw sila madalas magkita.
   
“Ang day-off ko lang po, Sundays saka Wednesdays, minsan pinupuntahan ko sina Mama sa kabilang bahay. So, ’yun po, talagang busy din.”
   
Matagal-tagal na ring hindi nagkakatrabaho sina Julia and Coco. Pero ayon sa actress, kung may pagkakataon, gusto pa rin niyang magkasama sila sa isang proyekto.

* * *

Nakausap din namin si Sam Milby sa set ng Doble Kara na kinakantiyawan sa pagiging in love.
   
Ang ganda-ganda kasi ng aura ng aktor, ang gwapu-gwapo at maaliwalas ang mukha. Kitang-kita rin na parang ang saya-saya niya at vocal siya na happy siya talaga.
   
Parang bumata rin siyang tingnan at puro ngiti lang ang isinasagot ni Sam.
   
It took six years bago ulit nagkaroon na girlfriend si Sam. He’s currently in a relationship with Mari Jasmine,  isang half-Japanese, half-British.
   
Natanong si Sam kung dahil ba sa matagal bago siya naka-move-on kay Anne Curtis kaya inabot ng six years bago siya ulit nagkarelasyon. Inisip ba niyang balikan pa si Anne noon?
   
“Dati,” pag-amin niya. “Dati nu’ng kaka-break pa lang namin, siyempre, umasa ako na magkakabalikan kami.
   
“Ayoko nang sabihin kung gaano katagal, pero matagal akong naka-move-on. It was a long time. ’Yung break-up na ’yun, nahirapan ako. It was hard para akin.
   
“I mean, I dated nu’ng six years na ’yun, but yeah, ang hirap,” pag-amin ng aktor.
   
Tulad ni Julia ay masaya rin si Sam na umabot na sila ng one year sa Doble Kara. November of last year siya pumasok kaya mag-iisang taon pa lang siya sa serye.
   
Wish ng buong cast na abutin pa ng dalawang Pasko ang show.