6,580 guests

Sam, masaya sa half-Japanese, half-British model-GF

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 843

Si Sam Milby ang kaisa-isang male lead cast ng pelikulang Camp Sawi ng Viva Films at N2 Productions at napapaligiran siya ng limang sexy at gorgeous actresses na sina Arci Muñoz, Yassi Pressman, Bela Padilla, Kim Molina at Andi Eigenmann.

Sobrang nag-enjoy ang aktor while doing the film, lalo na nga sa mga eksena nila sa Bantayan Island sa Cebu na, ayon kay Sam, napakagandang lugar.

“Lahat sila, sobrang saya (kasama),” deklara niya nang makatsikahan namin sa solo pocket presscon niya last Tuesday night.
   
“’Yung tipong shooting na hindi nararamdaman na shooting. Mas lalo dahil nandu’n kami sa Bantayan Island. Ang ganda ng tanawin, ’yung lugar.
   
“Tapos, sobrang fun sa shoot, the whole time, we were just really having fun,” he added.
   
Hindi nga makasagot si Sam nang tanungin kung kanino ba siya nagandahan o kung kanino siya na-turn-on sa limang girls.
   
“Lahat naman sila, maganda,” natatawa niyang sagot.
   
Iniba tuloy ang tanong. Sino ang mas malakas ang appeal sa lima?
   
“They all have their own characters. Like si Arci, how we really get along, rakista talaga siya. She’s very colorful, she’s very bubbly. We have the same music likes.
   
“Si Yassi, we didn’t have a lot of time together.
   
“Si Bela, we had a lot of time together. Bela is... she’s just beautiful. I find Bela very beautiful and she’s very down to earth. I had a lot of scenes with Bela.
   
“Actually, du’n sa movie, may isang eksena na nag-cliff diving kami. So, sa movie, makikita na tumalon siya, siguro 25 minutes bago siya tumalon kasi may fear of heights siya.
   
“So, masaya. It was a lot of fun.
   
“Si Andi, hindi naman first time na nakasama ko siya. Du’n sa movie, konti lang ang mga eksena namin together, two scenes lang, very, very quick.
   
“Nagulat ako kay Kim kasi may dalawang eksena kami, and she told me, nu’ng kalalabas ko pa lang ng PBB (Pinoy Big Brother) house, may isang show sa Dubai, 2006, nag-show kami sa Dubai, it was a singing contest at siya ang nanalo sa Dubai. ’Yun ang nag-start ng career niya.
   
“So, andu’n ako and hindi ko alam na kasama ko siya, na siya ang nanalo. So, parang wow, it’s a great story to know na kasama ko siya sa start ng career niya.
   
“Hindi ko alam na siya ’yun, it was such a long time ago,” kwento ni Sam.
   
Aware ang aktor na bago siya, there was another one na kinonsider sa movie -- ang kaibigan niyang si Piolo Pascual.
   
Pero dahil wala sa bansa sa Papa P at nagbakasyon ng two months, hindi na siya natuloy at si Sam na nga ang kinuha ng Viva.
   
“I feel very blessed that I was able to be a part of this movie. Kasi, what I appreciate about this movie, ’yung movies na ginagawa natin dito, we love to be kilig. We do so many movies about being kilig. We’re great in doing that.
   
“But ’yung aftermath of relationships, walang masyadong movies na ganyan, eh.
   
“Everyone goes through a breakup. I mean, most of us do. It’s hard to find that one perfect person, ’yung forever, the first time. So, most of us really go through a breakup.
   
“And this is a movie na talagang everyone can relate to,” pahayag ni Sam.
   
When it comes to pagiging sawi, inamin ni Sam na twice na siyang naging heartbroken.
   
“I would say two big breakups talaga that would really crush me quite a bit,” he said.
   
Ang isa ay high school sweetheart daw niya at ang isa, hindi man niya sinabi, everybody knows, si Anne Curtis.
   
“I had my own way of dealing with a heartbreak. Sana, may Camp Sawi nang time na ’yun. Mabuti naman, nandu’n ’yung mga kaibigan ko, naging close ko si John Prats nu’ng time na ’yun. Siya rin, may pinagdaraanan siya. So, that’s why we became close and he was one person that really helped me get through that heartbreak.”
   
Ang alam nga raw niya, ngayon ay mayroon nang parang Camp Sawi sa isang lugar para sa mga sawi, sa La Union.
   
Anyway, in real life, hindi kailangang pumasok sa Camp Sawi ni Sam ngayon because he’s very happy with his girlfriend -- ang half-Japanese, half-British blogger/model na si Mari Jasmine, na lumaki sa Australia.
   
Mula sa direksyon ni Irene Villamor, showing na sa Aug. 24 ang Camp Sawi.