6,443 guests

Pipirma?

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 626

Kris at ‘Bulaga’ produ, magsasama

Heart, binabatikos sa Hermes paintings

ANG management team ng Triple A Management ang binigyan ng bakasyon sa Hong Kong ng boss nilang si Tony Tuviera ng APT Entertainment.

After naman ng anniversary ng Sunday PinaSaya, ang mga host naman ay magbabakasyon sa Japan bilang blowout sa patuloy na pagiging number one nitong Sunday show sa telebisyon.
   
As of presstime, may nasagap kaming balita na pipirma umano ng kontrata sa APT Entertainment si Kris Aquino.
   
Wala kaming direct line kay Mr. T. kaya wala kaming naisagot sa tanong kung totoo nga ang balita.
   
Pero weeks ago, nakunan ng picture si Kris kasama si Mr. T over lunch or dinner.
   
Nag-one plus one ang mga nakakita sa picture na gagawa ng movie si Kris sa APT.
   
Eh, nu’ng ribbon cutting ng Ka Tunying’s Café sa Timog Avenue, umiwas ang TV host-actress sa ibang katanungan expect ’yung pagbati kina Anthiony at Rossel Taberna na friends niya.
   
Nag-message kami sa Facebook ni Rams David, presidente ng Triple A, kahit duda kaming sasagot siya.
   
Wait na lang nating sumagot ang mga taong concerned kung may katotohanan ang balitang ito, huh!

* * *

UMAANI ng bashing si Heart Evangelista dahil sa paintings ng mga Hermes bag na kanyang ii-exhibit next month. Hindi naman siguro gimik ito para lang dayuhin ang affair ni Mrs. Chiz Escudero, huh!
   
May inilabas pang post ang isang netizen sa Instagram na hindi na lang namin papangalan. Pinuntahan umano siya ni Heart sa bahay, tinatanong at hinahanap ang koleksyon niya ng mamahaling bag.
   
Kinaibigan diumano siya ng aktres sa pamamagitan ng mga taong malapit kay Heart para magpa-sponsor ng products. Meron pa raw siyang sinabi tungkol sa isang bag, pero in-edit na lang namin ’yon.
   
Gayunpaman, kahit may nagaganap na ganitong bashing, marami pa ring celebrities na suportado ang exhibit ni Heart, huh!

* * *

MAGANDANG panahon ang sumalubong sa cast and crew ng pelikulang Once in a Lifetime sa unang araw ng shooting nila sa Snowfarm sa New Zeland kahapon.   Ibinahagi ng supervising producer na si Manny Valera ang pictures sa location kung saan present sina Piolo Pascual, Yen Santos at child actor na si Raikko Mateo.
   
Kahapon naman ang lipad ni Jerald Napoles na join din sa movie bilang best friend ni Piolo. Pero ilang araw lang siya roon dahil kailangan niyang bumalik upang maging bahagi ng first anniversary ng Sunday PinaSaya.
   
Bago matapos ang buwan, eh, babalik na sa bansa sina Piolo at Yen dahil may mga eksena pang kukunan dito.