5,802 guests

Patalbugan ng Hermes plates

Ano ba ’yan, pagkatapos ng Hermes bags, Hermes plates naman ang ginawang isyu ng fans nina Marian Rivera at Heart Evangelista. 

Pinagdedebatehan kung sino sa dalawa ang unang nagkaroon ng for sure, mamahaling designer plates.

Ang Hermes plates ni Marian ay birthday gift sa kanya ng asawang si Dingdong Dantes at ’yung kay Heart, ang pagkakaintindi namin, paglipat niya sa ipinatatayong bahay pa bibili.
   
In fairness, hindi pinost nina Marian at Heart sa social media ang Hermes plates. Ang kay Marian, ang loveluxebags ang nag-post sa Instagram (IG). Kaya ’yun ang gift ni Dingdong kay Marian, dahil mahilig magluto ang asawa.
   
Ang plates ni Heart ay ang stylebylovemarie ang nag-post sa IG. Kung titingnan sa pictures, magkaiba ang designs ng dalawang plates, kaya sana wala nang isyu.
   
Ang bongga, pareho silang may Hermes plates!

* * *

Reunited na ang JoWaPao pero hindi pa sa Eat Bulaga kundi sa MMFF entry ni Vic Sotto na Enteng Kabisote10 and The Abangers.
   
Nag-shooting na sina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros at ’yung picture nilang tatlo na pinost ni Paolo sa social media, marami agad ang nag-likes.
   
Puro positive ang comments at ikinatuwa tiyak ni Paolo ang nabasang miss na siya sa Eat Bulaga at hinihintay na ang kanyang pagbabalik sa September.
   
Maganda rin naman na six months wala sa EB si Paolo dahil dalawang pelikula ang natapos niya.
   
Marami na ang excited na mapanood siya sa Die Beautiful dahil sa paiba-ibang make-up na ginawa niya at ’yung pinakahuli ay ginaya niya si Lady Gaga nang siya’y mamatay.
   
Kasama rin siya nina Anne Curtis at Dennis Trillo sa Bakit Lahat ng Gwapo, May Boyfriend? ng Viva Films.

* * *

In fairness kay Kim Domingo, kahit sexy ang image, kilala rin siya ng mga bata sa shooting ng Mang Kepweng Returns na pinagtatambalan nila ni Vhong Navarro.
   
Dahil sexy ang image at kontrabida sa rom-com series na Juan Happy Love Story, akala siguro ni Kim, kalalakihan at matatanda lang ang makakakilala sa kanya.
   
Tiyak na natuwa si Kim sa warm reception ng mga taga-Maysantol, Bulakan, Bulacan, location ng shooting ng movie produced ng Cineco Productions sa direction ni GB Sampedro.
   
Sa second shooting day ng Mang Kepweng Returns pa lang nagkita sina Kim at Vhong dahil wala sa storycon ang sexy newcomer.
   
Horror-comedy ang Mang Kepweng Returns, iba sa role niya sa JHLS. Hindi pa alam ni Kim kung may kissing scene sila ni Vhong at kung meron man, hindi mamumroblema si Direk GB dahil walang inaatrasan na eksena si Kim pagdating sa trabaho.
   
Sana pala, hindi si Kim ang na-blind item na cast ng movie na pinuntahan ng press people, pero ayaw lumabas sa car niya at kinailangan pang magalit ang producer.
   
Okay naman siya nang ma-interview namin.

* * *

Malapit nang muling mapanood si Edu Manzano sa teleserye na nagdadrama dahil malapit na ang airing ng GMA-7 telebabad na Someone to Watch Over Me.    Role ng father ni Tom Rodriguez na nag-abandona sa anak, pero later on, inako ang responsibilidad at pinagtapos ng pag-aaral ang role ni Edu.

Matagal ding hindi gumawa ng teleserye si Edu at matagal ding nawala sa showbiz dahil kumandidatong senador sa katatapos na eleksyon.
   
That time na wala sa showbiz ang aktor niya na-realize na hindi niya kayang iwan ang industriya.
   
“I’ve been in the business for 30 plus years, tapos naging president pa ako ng Actor’s Guild. Naging chairman pa ako ng Optical Media Board, lahat ’yan, may kinalaman sa industriya. All of a sudden, hindi ko na kilala ’yung mga bata. Hindi ko na kilala ’yung mga bagong director. So, you know, I felt like, parang ayokong iwanan nang ganyan ang industriya. Gusto ko, may manatili na more recent na alaala,” wika ni Edu.
   
Malapit na ang airing ng Someone to Watch Over Me na papalit sa Juan Happy Love Story.
   
Mula ito sa direction ni Maryo J. delos Reyes at may mga eksenang kinunan pa sa Vigan, Ilocos Sur.