5,411 guests

‘Kung walang garahe, bawal magka-sasakyan’

  • Written by Joey C. Papa
  • Published in Opinion
  • Read: 484

Mainit ngayon ang balita tungko sa “No Garage, No Car Bill” o Proof of Parking Space Bill 5098. Naging laman ng mga pahayagan, dyaryo at telebisyon ang balitang ito dahil sa malalang trapik sa Pilipinas. Maraming sumang-ayon, may ilan namang tumaas ang kilay..

‘Yung mga tumaas ang kilay ay mga taong pasaway na ginagawang garahe ang mga bangketa at kalsada ng kanilang mahigit sa dalawang sasakyan. Kung “coding” ang isang sasakyan ng mga ito, buong araw at magdamamag itong nakahambalang sa mga bangketa o kalsada. Ito na ang pangkaraniwang tanawin ngayon sa buong Pilipinas lalo na sa mga kalunsuran nito.
    
‘Yung mga sumang-ayon sa panukalang batas ay mga Pilipinong matagal nang pineperhuwisyo ng mga sasakyang nakaparada, nakagarahe sa mga bangketa at kalsada, Totoong nagkakaroon ng masikip na trapik dahil sa magkabilang panig ng kalsada ay may nakaparadang sasakyan. “Pag-aari” na nila ang mga lansangan. Private property ‘ika nga. ‘Di na ito magawang mga alternate route.
    
Kaya sa tingin ko’y napapanahon ang bill na ito. Kawawa ang mga taong sumusunod sa batas ng tao at batas ng pagkakaroon ng sentido kumon, delicadeza, o pakikipag-kapuwa tao. Ibig kong sabihin ay kung nakapeperhuwisyo sa kapuwa mo tao sa isang komunidad ang paghahambalang ng sasakyan mo sa bangketa at kalsada at tuloy-tuloy mo lang itong ginagawa ng walang pakundangan, aba’y may problema ka sa pag-iisip!
    
Nangyari na minsan sa isang kakilala  ko na hindi ko na babanggitin ang pangalan dahil ayaw niya, ang isang karanasang ’di niya malilimutan. May nagparadang isang sasakyan sa harap ng kanyang gate, at hindi makita kung sino ang may-ari ng sasakyan. Kinatok niya ang lahat ng bahay ng mga kapitbahay at itinanggi namang sa kanila ang sasakyan o may bisita kaya sila na may dalang sasakyan.
    
Pagkaraan ng isang oras na paghahanap sa may-ari ng inihambalang na sasakyan, tumawag na siya sa barangay hall. Nagtanong  muli sa mga kapitbahay ang mga ng tao ng barangay ngunit negatibo pa rin ang resulta. Nagpasiya ang mga tauhan ng barangay at kakilala ko na buhatin ang sasakyan at iurong  ang nakahambalang na sasakyan upang makalabas ang sasakyan ng kakilala ko.
    
Nakalipas ang ikalabindalawa ng gabi ay walang pumupuntang may-ari ng nakahambalang na sasakyan. Nagpasiya ang kaanak ng kakilala ko na matyagan ang sasakyan kahit hindi na siya matulog malaman lamang kung sino ang may-ari ng sasakyan. Wala pang mga closed circuit tv camera o cctv noon. Naghanda naman ng video camera ang kaanak.
    
Nang malapit nang mag-alas singko ng umaga, bumukas mismo ang gate ng bahay sa harap nila at lumabas ang isang lalaking nasa gulang na humigit-kumulang ay idad 20-25. Inihatid ito ng kaway at ngiti ng dalagita na halatang mas bata ito sa lalaki.
    
Tila nagmamadali ang lalaki sa pagsakay ng kotse. Ang bahay na ’yon ay kinatok ng kakilala ko at nang barangay at walang sumagot o nagbukas ng gate noong hinahanap nila kung sino ang may-ari ng kotse. ”Dedma” ’ika nga.
    
Ano’ng nangyari? Sa patuloy na pagmamatyag at pagkuha ng video ng kasamang kaanak ng kakilala ko, pagkaraan lamang ng 15 minuto ay dumating ang may-ari ng bahay o mga magulang ng dalagita na tila nagmula sa lalawigan. Nag-overnight daw ang mga magulang ng dalagita sa isang lalawigan na katabi lang ng Metro Manila! Napag-alaman din ito ng kakilala ko sa pagtatanong niya pagkaraan ng insidente.
 
”Sumimple” ang lalaki at ang menor de-idad na dalagita! Pinapunta marahil ng dalagita ang lalaki dahil alam niyang magdamag na mawawala ang kanyang mga magulang. Nakalibre nga naman sila sa bayad na ”short time sa motel! Mga hinayupak na ’yon! Magkasarapan lang silang dalawa kahit makaperhusiyo sila ng kapuwa tao! Ano ba ’yong iniatras lang sandali ang kotseng nakahambalang? ’Di na mapigil ang sarap nang gabing ’yon? Palihim kasi kaya nagmamadali ding maka-score ng marami!
    
Ilang ulit pa raw ginawa ito ng dalagita na isang kolehiyala, lingid sa kaalaman ng mga magulang niya. Ngayon ay makikita ang magkabilang panig ng makikitid na kalsada na isang mahabang garahe na ng mga sasakyang pangpribado. Sana’y isali rin sa Bill 5098 ang iba pang uri ng mga sasakyan na ginagawang garahe ang mga bangketa at kalsada.                (This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.)