6,927 guests

Paglipat ng singer-actress sa ibang network false alarm

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 1067

False alarm ang nabalita na aalis sa kanyang home network ang magaling na singer-actress (SA) at lilipat sa ibang network. Hindi sa official FB account ng network na lilipatan daw ni SA ang nagbalita nito. Saka ’pag mga ganyang lipatan issue, hindi ibinabalita prior to the transfer ng talent, bumubulaga na lang at nalalaman na lang ‘pag nakapirma na ng kontrata.

Natuwa na sana ang bashers ni SA na mostly fans ng isang loveteam sa tsikang lilipat siya ng network dahil matagal na nilang gustong mawala sa network si SA. Galit ang karamihan sa fans ng loveteam kay SA dahil minsan naugnay ang pangalan niya sa aktor na part ng loveteam.
   
Kabilang din sa natuwa sa balitang lilipat ng network si SA ay ang fans ng loveteam nila ng singer-actor (SA2) na nasa network na lilipatan daw nito. Matagal na rin nilang gustong mabuhay ang loveteam ng dalawa na malabong mangyari.
   
Anyway, ngayon pa ba lilipat sa kabilang network si SA, eh, nasa home network niya ang kanyang inspirasyon ngayon at kung wala ngang kokontra, kanyang magiging first boyfriend.

* * *

Ang cute nig sagot ni Buhay Party List Cong. Lito Atienza nang tanungin ng entertainment press kung ilang taon na siya sa birthday niya noong August 10. Hindi nito sinagot ang tanong at ang birong sagot, mas maraming putting buhok kesa sa kanya ang TV reporter na nagta-nong ng kanyang edad.
   
Ang bale sagot din nito, nag-celebrate sila ng misis niyang si Evelina Atienza ng 50th wedding anniversary at may 18 apo na silang mag-asawa, wala pang apo sa tuhod noon. Kaya nag-google kami at nalaman kung kailan ipinanganak si Cong. Lito, pero dahil hindi sinagot ang tanong, hindi na namin isinulat ang edad niya.
   
In fairness, wala sa edad ni Cong. Lito kung ilang taon na siya dahil matikas pa rin at palaban sa kanyang mga isinu-sulong sa Kongreso. Nag-patulong ito sa press para maging matagumpay ang bills na na-file para maka-tulong sa movie industry.
   
Hindi sinuportahan ni Cong. Lito si Pres. Rody Duterte sa nakaraang election, na-disappoint nga raw siya nang manalo ito. Pero sa nakikita niyang mga ginagawa nito para mawa-la na ang problema sa dro-ga, ang pagkilos para ma-wala na ang illegal fish pen at mabuhay ang Laguna de Bay, sinusuportahan niya ito.
   
Hindi lang pabor si Cong. Lito sa extra judicial killings at sana raw magawan ng paraan para masugpo. Pabor din si Cong. Lito na ilibing sa Libingan ng Mga Bayani si former President Ferdinand Marcos dahil Malaya na tayo at hindi na si Marcos ang problema kundi droga at kriminalidad.

* * *

Hindi pa rin natutupad ang dream ni Kim Domingo na makasama sa pelikula si Vic Sotto na nag-interview sa kanya nang sumali siya sa Little Miss Philippines noong 2004 dahil hindi siya kasama sa MMFF entry nito. Pero may MMFF entry si Kim kung mapipili ang Mang Kepweng Returns.
   
Si Kim daw ang leading lady ni Vhong Navarro sa nasabing pelikula sa direction ni Sampedro. Makukumpirma naming ito dahil may press visit kahapon sa shooting. Wala sa storycon si Kim dahil nagti-taping ng Juan Happy Love Story.
   
Okay lang for sure kay Vhong na Kapuso ang leading lady niya sa Mang Kepweng pati sina Jaclyn Jose at Valeen Montenegro na kontrabida ang role. Curious kami sa role ni Jaclyn at magko-comedy na rin ang dramatic actress.
   
Samantala, pati pala si Kim naiinis sa karakter niyang si Agatha sa Juan Happy Love Story dahil wala na sa katuwiran ang pagigign kabit niya. Nagagalit ang viewers at minsan, takot lumabas si Kim at baka may umaway sa kanya. Ang positive side lang nito, epektib siya bilang kontratabida.
   
Isa pa palang natupad na pangarap ni Kim ay ang maging recording star dahil pumirma siya ng recording contract sa GMA Records. Ang alam namin, may ni-record na itong isang song at dadagdagan na lang para sa isang album.

* * *

Sa Encantadia, inaabangan na ang paglabas ni Conan Stevens na gaganap sa role ni Vish’ka na hindi pa alam kung kampi sa mga Sang’gre o kaaway. Ang lakas ng dating ng teaser na ginawa ng production at nagbibigay ng kaba at tuwa sa viewers.
   
Hinihintay na rin ang pagpasok ng Mulawin na sa ngayon, hindi pa sigurado kung sino kina Alden Richards at Miguel Tanfelix. Dagdag na excitement ito sa Encantadiks at isa rin sa kanilang inaabangan.
   
Hinihintay na rin ang paglaki nina Lira (Kate Valdez) at Mila (Mikee Quintos), ang pinagpalit ni Pirena (Glaiza de Castro) na anak nila ni Reyna Amihan (Kylie Padilla).