6,361 guests

Barbie, nakipagsabayan kay Nora

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 538

NAPABILIB si Nora Aunor kay Barbie Forteza na co-star niya sa Cinemalaya movie na Tuos. Paglalahad ng superstar, “Naku, napakagaling ni Barbie rito. ’Yung anak kong ’yan at wala kaming ginawa kungdi maghalakhakan sa shooting. Napaka-galing na bata!”

Para naman sa Kapuso Teen Queen, one of the books daw ang pagsasama nila sa movie ni Ate Guy dahil iniidolo rin niyaa ng aktres.

Ayon naman sa nakapanood ng movie, nakipag-sabayan daw si Barbie sa aktingan kay Ate Guy na lumabas na lola niya sa indie movie. Malakas daw ang laban niya bilang supporting actress na una niyang napagwagian sa Cinemalaya movie niyang Marquina.

* * *

NAGKA-CAREER muli sa Singapore ang singer na si Karylle. Siya ang lead actress ng bagong Asian TV series na Private Investigator na ipinagmalaki ng manager niyang si Arnold Vegafria.
   
Kasama ng singer sa picture na pinost ng manager ang co-stars niya sa TV series na sina Terence Tay at Jinyan, at ang director nito na si Ian Seymour.
   
Ayon kay ALV, “This piece of good news should warm the hearts and cast a ray of sunshine on the storm-stricken denizens of Manila on this rainy weekend.
   
“Karylle has signed up by Mediacorp, Singapore’s leading TV network, to play the lead role of a personal investigator/pole dance/single parent in a one season crime thriller series titled Private Investigator produced by Mediacorp and slated to be released in Asian countries.
   
“This just goes to show Karylle’s world-class caliber as an actress, and I’m very optimistic that this will soon open more doors for her in Asian showbiz circuit in the months to come.
   
“Proud Pinoy moment!”

* * *

LALABAS na ngayong gabi ang character ni Lira sa Encantadia na gagam-panan ng bagong Kapuso actress na si Mikee Quin-tos. Ang character niyang ito ay unang ginampanan ni Jennylyn Mercado nu’ng baguhan pa lang siya.
   
Bale si Lira ang apo ni Ynang Reyna na ginam-panan ni Marian Rivera. Ina niya si Kylie Padilla.
   
Bale ang Encantadia ang unang sabak sa aktingan ni Mikee. Eh pinagbiyan siya ng parents niyang Konsehal ng Sampaloc, Manila, Wardee Quintos at ang mother niyang former councilor na si Jo Quintos dahil hindi naman ito conflict sa studies niya.
   
Bukod sa pag-arte, magaling ding kumanta si Mikee. Kaya naman basta kaya, gusto niyang yakapin ang mundo ng pag-arte at musika, huh!