6,336 guests

Sunshine, palaban sa kaso

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 654

INABANGAN ng media ang pagtatagpo sa kauna-unahang pagkakataon ng estranged couple na sina Timothy Tan at Sunshine Dizon at ang idinadawit na dahilan ng paghihiwalay ng (dating) mag-asawa na si Clarisma Sison na naganap last Wednesday (August 10) ng hapon sa tanggapan ni Senior Asst. Prosecutor Fabinda de los Santos ng Quezon City Regional Trial Court.

Dalawang kaso ang isinampa ni Sunshine laban sa (dating) asawa, ang Anti-Violence Against Women and Children at Concubinage sa kanila ni Clarisma.

Matapang na hinarap ni Sunshine ang dating mister at si Clarisma kasama ang kanilang respective lawyers.  Kasama ni Sunshine ang kanyang legal counsel na si Atty. Claire Castro, si Atty. Ruth Castelo kay Tim at si Atty. Jonathan Amoroso naman kay Clarisma.  Walang suot na shades si Sunshine habang sina Tim at Clarisma ay parehong naka-shades.  It must have been an awkward and uncomfortable situation sa tatlo pero naging matapang at matatag si Sunshine na inasahang magpapasa ng counter-affidavit ang kampo nina Timothy at Clarisma pero humingi ng extension ang mga ito kaya na-reset ang next hearing to August 25.
   
Hindi nagbigay ng pahayag sa media sina Tim at Clarisma na agad na lamang umalis sa Hall of Justice ng Quezon City.
   
Sa panayam kay Sunshine, inamin nito na nasaktan siya hindi para sa kanyang sarili kundi para sa kanyang dalawang anak na siyang nagsa-suffer ngayon sanhi ng kanilang paghihiwalay ng kanyang asawa.
   
Samantala, pumayag na si Sunshine na makita ni Timothy ang mga bata. After all, anuman ang nangyari, siya  pa rin ang ama ng kanyang mga anak.
   
Sa ngayon, hindi pa kayang ibigay ni Sunshine ang kanyang pagpapatawad sa dating mister at sa itinuturong karelasyon umano nito.

'ENTENG,' 'DI PA RIN SIGURADO SA MMFF 2016

ANG "Enteng Kabisote" franchise na pinagbidahan ng singer-composer-turned TV host-comedian-producer na si Vic Sotto ang isa sa pinaka-successful movie franchise ng taunang Metro Manila Film Festival.  Kaya ito'y muling ibinabalik sa taong ito ng OctoArts Films, M-Zet Productions at APT Entertainment sa pamamagitan ng "Enteng Kabisote 10 and the Abangers" na magkatulong na pinamamahalaan nina Tony Y. Reyes at Marlon Rivera.
   
Although fantasy-comedy pa rin ang tema ng "Enteng Kabisote 10," ibang-iba na umano ang takbo ng istorya nito sa mga nakaraang franchise although maintained ang character ni Vic bilang si Enteng Kasisote at anak niyang si Oyo Sotto as Benok. The rest of the characters ay pawang bago.
   
Gaganap na mag-asawa sina Oyo at Ryza Cenon at anak naman nila si Alonzo Muhlach.  Tampok din sa pelikula sina Epi Quizon, Jose Manalo, Wally Bayola, Ryzza Mae Dizon, Ken Chan, Bea Binene, Cacai Bautista, Atak Arana at iba pa.
   
Ang "Enteng Kabisote 10" ay third directorial job ni Direk Marlon Rivera kay Vic.  Nauna na rito ang "My Little Bossing" at isa sa trilogy ng "My Big Bossing".
   
Si Direk Tony  Reyes naman ang nagdirek ng halos lahat ng mga pelikula ni Vic including the past Enteng Kabisote franchise.
   
Since iba na ang panuntunan ng bagong pamunuan ng Metro Manila Film Festival, hindi pa sigurado ang OctoArts Films, M-Zet Productions at APT Entertainment kung makakapasok sa 2016 MMFF ang "Enteng Kabisote 10".
  
KEN, MAY PELIKULA NA PERO WALA PANG FOLLOW-UP TV PROJECT

TUWANG-tuwa ang "Destiny Rose" star na si Ken Chan na siya'y napasama sa movie ni Vic Sotto, ang "Enteng Kabisote 10" na siya rin niyang first movie ever.
     
"Maliit pa po akong bata ay pinapanood ko na po at ng family ko ang mga movies ni Bossing (Vic)," pag-amin ng tsinitong Kapuso actor.
     
Hinihintay naman ni Ken ang kanyang follow-up project sa Kapuso Network bilang follow-up sa kanyang matagumpay na "Destiny Rose" TV series.

HAYDEN, NALAMPASAN NA ANG MGA ISKANDALO

BECAUSE of her popular celebrity parents, Drs. Vicki Belo and Hayden Kho, naging instant celebrity baby ang kanilang cute one-year-old daughter na si Scarlet Snow Belo na siya ngayong sentro ng pagsasama at pagmamahalan ng dalawang celebrity doctors.
   
Although the couple opted for surrogacy (dahil hindi na puwedeng magbuntis at magkaanak pa si Dra. Vicki), walang alinlangan na si Scarlet Snow ay plakado sa kanyang amang si Dr. Hyden Kho.
   
Aminado sina Dra. Vicki at Dr. Hayden na lalo umanong tumatag ang kanilang pagsasama nang dumating sa kanilang buhay si Scarlet Snow na siyang source ngayon ng kanilang kakaibang joy.
   
Parehong hands-on parents ang dalawang celebrity doctors sa anak nilang si Scarlet Snow laluna si Dr. Hayden na isang first time father.
   
Dumaan man sa unos ang relasyon noon nina Dra. Vicki at Dr. Hayden nang masangkot sa sex video scandal ang huli, ito naman ang naging daan para lalong tumatag ang kanilang relasyon at sa kanilang strong faith sa Diyos making Dr. Hayden a changed man.

ATAK, NAMI-MISS SI DIREK WENN

KAHIT may ilang buwan nang namaalam ang box office director na si Wenn Deramas, hindi pa rin nakakalimot ang singer-comedian na si Atak Arana sa pagbisita sa naiwang adopted children ng kaibigang director na nasa pangangalaga ngayon ng kapatid ng yumaong director.
   
Aminado si Atak na napakalaki ang utang na loob niya kay Direk Wenn na siyang nagbigay sa kanya ng break sa showbiz.
   
"Halos lahat ng mga pelikulang ginagawa niya ay isinasama niya ako," pagbabalik-tanaw ni Atak na hanggang ngayon ay nami-miss pa rin ang kanyang kaibigang director.
   
"Kung buhay pa ngayon si Direk Wenn, tiyak na masayang-masaya siya para sa akin," aniya na first time makatrabaho ang MMFF king na si Vic Sotto.

KC, PROUD SA KAPATID NA MISS UNIVERSE WANNABE

BIG sister si KC Concepcion sa kanyang younger (half) siblings na sina Garrie Concepcion, Cloie Syquia Skarne, Frankie, Miel at Miguel Pangilinan, at kina Samantha Alexis at Savannah Concepcion.
   
Sina Garrie, Cloie, Samantha at Savannah ay half-sisters ni KC sa father side (Gabby Concepcion) habang sina Frankie, Miel at Miguel naman ay half-siblings niya sa mother side (Sharon Cuneta).
   
In town ngayon ang nakababatang kapatid ni KC na si Cloie, anak ni Gabby sa second ex-wife nitong si Jenny Syquia Skarne na sa Sweden na naka-base.
   
Si Cloie ay isa sa mga finalists ng 2016 Miss Universe-Sweden na nakatakdang ganapin sa Stockholm, Sweden sa darating na August 28.  Kapag pinalad si Cloie na makuha ang korona, siya ang magiging kinatawan ng Sweden sa darating na 2016 Miss Universe pageant na gaganapin sa Pilipinas on January 30, 2017.
   
Very proud is KC sa kanyang nakababatang kapatid na si Cloie.