5,030 guests

Heart, inamin ang prenup nila ni Sen. Chiz

  • Written by Chit Ramos
  • Published in Showbiz
  • Read: 639

TUWANG-tuwa ang mga nag-interview kay Heart Evangelista-Escudero sa last taping day niya ng “Juan Happy Love Story” para sa GMA7.

Napaka-kaswal ng kanyang mga sagot nang ungkatin ang tungkol sa pre-nuptial agreement nila ng mister niyang si Sen. Chiz Escudero.

“It’s not a big deal at all,” anyang natatawa. Hindi niya sinagot ang sumunod na tanong kung sino ang mas mayaman sa kanilang dalawa.

Sa halip, nagpatuloy siya at nag-elaborate pa ng kanyang katwiran.

“Hindi po ba nagmu-mukhang dehado ang babae, especially if she’s not working? Hindi naman kasi lahat ng babaeng ikakasal ay mag-a-agree sa pre-nuptial arrangement. Nakaka-insulto iyon. Mapa-babae man o lalake. Nakakasakit ng ego.
   
“On our part ni Sen. Chiz, casual naming napag-usapan, ‘yun bang kasabihang ‘what is yours is yours and what is mine is mine’.Kasi nga, pareho kaming nagta-trabaho, at pareho ding may properties. May mga naipundar na kami even before we got married. Hindi naman kasi puwedeng baguhin pa ang set up. Nakakatawa nga, eh.
   
“He has his own house at may sariling condo unit din ako. Nagpapatayo ako ngayon ng dream house ko. Sariling pera ko ang ginastos ko. Kaya, nasa pangalan ko ang dream house kong iyon.
   
“Ang nakakatuwa sa kanya, ibinibigay niya sa akin ang kanyang suweldo. Kahit gusto kong maki-share sa kanya sa daily expenses namin, hindi iyon nangyayari. Sobra-sobra pa kasi ang suweldo niyang ibinibigay sa akin.”
   
Dating plano nilang magbakasyon after her very successful serye with Dennis Trillo.
   
“But it doesn’t mean na kakalimutan ko ang promise ko sa kanya na bibigyan ko na siya ng magiging panganay namin. Hindi na kami magko-control. Pero, hindi rin kami matutuloy na mag-out of the country. Siyempre, he has to attend to his responsibilities sa Senate.
   
“Ako naman, pagpipinta na lang ang gagawin ko sa bahay. Wish ko na makabuo kami para maging masaya na kami pareho.”

JANELLA-MARLO FANS, NABUHAYAN NG LOOB

NABUHAYAN ng loob ang Janella Salvador-Marlo Mortel fans club sa buong kapuluan nang mabalitaan nilang magkakasama ang kanilang mga idolo sa Metro Manila Film Festival (MMFF) entry ng Regal Entertainment na “Mano Po Vll: Chinoy” na ipalalabas sa Paskong darating.
   
Labis-labis ang kanilang pasasalamat kay Roselle Monteverde-Teo, producer Mother Lily na naniniwalang naghihintay lamang ng tamang pagkakataon ang original team-up nina Janella at Marlo para mapatunayan muli ang kanilang magic sa takilya tulad ng una nilang pagtatambal sa “Haunted Mansion” noong nakaraang MMFF.
   
Kahit sinusuportahan nila ang teleseryeng “Born For You” kung saan katambal ni Janella si Elmo Magalona, nanatili silang solid na  solid na sinusubaybayan at sinusuportahan din si Marlo sa mga show nito tulad ng “OPM” at “Umagang Kay Ganda” sa Kapamilya Network.
   
Bagama’t hindi sina Janella at Marlo pinaka-lead stars sa Regal movie kundi si Richard Yap, mararamdaman ng madlang pipol ang puwersa ng iba’t ibang chapter ng Janella-Marlo fans club lalo na sa premiere night nito at sa showing ng pelikula on Dec. 25.
   
“Ngayon pa lang po pinaghahandaan na namin ang napakagandang opportunity na itinuturing naming regalo sa amin ni Ma’am Roselle sa darating na Pasko,” wika nila habang kinakalumpunan ang inyong lingkod sa ELJ Building nitong Huwebes ng tanghali.

ANG MASAYA AT MALUNGKOT SA PBB

MASAYANG-masaya ang mga sumusubaybay ng Pinoy Big Brother Lucky 7 sa naging resulta ng on line voting noong Biyernes among the first batch of housemates.
   
Nanalo si housemate Jinri at Macoy at Nikko (as one). Lumabas naman ng Bahay ni Kuya sina Yassi, Nonong, Hideo, Elisse, at JK na lubhang ikinalungkot hindi lamang ng televiewers, kungdi ng mga taong nagtiis na maulanan na dumayo pa mula sa iba’t ibang lugar.
   
Tiyak na mami-miss si Nonong dahil wala nang magpapatawa sa grupo. Malulungkot din si Macoy dahil mauudlot ang friendship nila ni Elisse.
   
Pero, tiyak na aabangan kung magpapatuloy si Jerome Ponce sa panlliligaw kay Elisse ngayong pareho na silang nasa labas ng Bahay ni Kuya.
   
Gayunpaman, marami din ang gustong magbigay ng payo kay Jerome na mag-focus na lang siya sa kanyang career. May reguirement pala ang Mommy ni Elisse na ilantad niya at aminin ang relasyon niya sa anak nito.
   
May career na pinangangalanan si Jerome at may kalabtim din siyang dapat niyang pag-ukulan ng pansin. Hindi ba ito alam ni Elisse at mom niya?
           
Nakakatakdang pumasok sa Bahay ni Kuya ang ilang teenage housemates na makakasama nina Jinri, Macoy at Nikko. Kaabang-abang siyempre ito, lalo’t maraming tulad ng inyong lingkod ang avid fan ng PBB ni Kuya.

kung magpapatuloy si Jerome Ponce sa panliligaw kay Elisse ngayong pareho na silang nasa labas ng Bahay ni Kuya.
   
Gayunpaman, marami din ang gustong magbigay ng payo kay Jerome na mag-focus na lang siya sa kanyang career. May reguirement pala ang Mommy ni Elisse na ilantad niya at aminin ang relasyon niya sa anak nito.
   
May career na pinangangalanan si Jerome at may kalabtim din siyang dapat niyang pag-ukulan ng pansin. Hindi ba ito alam ni Elisse at mom niya?
   
Nakakatakdang pumasok sa Bahay ni Kuya ang ilang teenage housemates na makakasama nina Jinri, Macoy at Nikko. Kaabang-abang siyempre ito, lalo’t maraming tulad ng inyong lingkod ang avid fan ng PBB ni Kuya.