6,376 guests

Toni, goodbye na sa ‘PBB’

  • Written by NEL ALEJANDRINO
  • Published in Showbiz
  • Read: 524

WISH pala ni Judy Ann Santos na makasama si now Lipa Congresswoman Vilma Santos in a project, mapa-pelikula o tv. 

’Di pa pala niya nakakatrabaho si Ate Vi.

Another ‘must’ for Judy Ann na maka-work niya rin in a project is Charo Santos-Concio. 

Ganunpaman, aware daw si Judy Ann na kakailanganin niyang mag-lose weight bago siya maging active muli sa showbiz. 

She did look she needed to lose a few pounds in her soon-to-be released Cinemalaya Filmfest entry, Kusina, where, of course, she plays a cook.
   
Months ago pa lamang nang isinilang ni Judy Ann ang kanyang bunsong si Luna.

* * *

First time na magkakasama sa isang movie project ang mag-inang sina Lotlot de Leon at Janine Gutierrez. At ito’y sa pelikulang Dagsin, which is also a Cinemalaya Filmfest entry.
   
The indie movie, directed by Atom Magadia, allows mother and daughter to also work for the first time with showbiz icons Tommy Abuel and Marita Zobel.
   
Janine admits fan siya ni Tommy whose films daw napapanood niya sa ilang old films nito.
   
Hanga siya, lalo sa pagsasalita daw ng English ni Tommy. Obvious na ’di alam ni Janine that Tommy is a lawyer by profession in real life.
   
Janine, of course, is Lotlot’s daughter by her estranged husband Ramon Christopher na son naman nina Pilita Corrales at Eddie Gutierrez.
   
Like Tommy, Janine is a college graduate, too. She has a degree in Interdisciplinary Studies from the Ateneo de Manila University.

* * *

Three weeks na lamang pala ang itatagal sa himpapawid ng much loved series na Dolce Amore, topbilled by Liza Soberano at Enrique Gil.
   
We heard na ang series na tatampukan nina James  Reid at Nadine Lustre, Till I Met You ang ipapalit sa timeslot ng Dolce Amore, na ’di pa naman  nagwawakas ay nami-miss na ng kanilang mga tagasubaybay.
   
In any case, we look forward to the ‘confrontation’ scene between Enrique and Cherie Gil, when both discover  their true relations to each other.
   
And how would Liza, as Serena, react, kapag  nalaman niya ang ‘katotohanan’ between Simon or Tenten (Enrique) and her mom (Cherrie)?
   
Well, the suspense, this early, is thickening.

* * *

Bye bye na bilang main host ng Pinoy Big Brother (PBB) Lucky 7 season si Toni Gonzaga. Doctor’s order ito kay Toni. And, of course, order din ni mister (Direk Paul Soriano).
   
Either last week ng September or first week ng October pala nakatakdang isilang ni Toni ang kanilang panganay ni Direk Paul. Na tiyak na nila this early na isang baby boy.
   
Congrats to both Toni and Direk Paul.