66,222 guests

Gabby, William at Goma, pagsasamahin sa proyekto na mala-‘Oceans 11’

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 531
Cong. Albee  & son Javi Benitez Cong. Albee & son Javi Benitez

MAGKASAMA na ang mag-amang Congressman Albee at Javi Benitez bilang host sa season 4 ng naiibang show nilang Game Changer sa ANC News Channel tuwing Sabado, 9:30 p.m.

Bakasyon mula sa pag-aaral sa Amerika ang panganay na anak ng kongresista kaya ito ang representative ng views at interest ng social media generation at ang tinatawag na gadget-savvy millennials.

“I’m glad my father gave me this opportunity to co-host his great show. I hope to infuse my own character in the program -- the makulit-in-a-good way, inquisitive person that I am. I think I’m the perfect foil to dad’s sometimes too serious demeanor, hahaha!” saad ni Javi, na may kasamang biro sa press launch ng 4th season kahapon sa Victorino’s resto.

May rasong magsaya si Cong. Albee at maging inspirado sa bagong season ng TGC. Sa past seasons kasi, isa sa top raters ang show sa 80 shows ng ANC at nagkaroon pa ito ng araw na naging number one, huh!

Wala namang conflict ang taping schedules sa oras ng trabaho ng mambabatas ng 3rd district ng Negros Occidental dahil dalawang oras sa isang buwan lang ang taping niya.

Eh, kumusta namang co-host ang anak niya?
   
“Nu’ng una, medyo kinakabahan. I think normal lang naman ’yon. After a while, mabilis na,” sabi ni Cong. Benitez.
   
Hindi na kasi bagito si Javi sa harap ng kamera. Naging bahagi rin ang binata ng grupong nag-host ng show na Sports Kid sa Studio 23 10 years ago.
   
Pero ibang-iba ang TGC sa nakaraan niyang hosting experience.
   
“The show is more of an advocacy for me and my dad. To be able to meet interesting people is remarkable enough, to be able to present their life-changing stories is an honor for me,” rason ng batang Benitez.
   
Pasok din sa panlasa ni Cong. Albee ang hosting ni Javi. Biro nga niya, “Gusto ko na ngang ibigay sa kanya ang buong show, eh, hahaha!”
   
Palibhasa looker at matangkad, natsitsismis ngayon si Javi sa Kapuso artist na si Jazz Ocampo. Saad niya nang matanong tungkol sa aktres, nasa getting-to-know-each-other stage sila at hindi pa niya ito nililigawan.
   
“I knew that she’s gonna be asked! She’s okay. Nag-usap kami last night. Nagti-text-an kami. I told her about it. Friends lang kami... that’s true. Still getting to know each other,” saad ni Javi.
   
Eh, sa parte ng ama, may tiwala naman siya sa anak. Basta ang nais niya lang ay makatapos ito ng pag-aaral at saka niya pasukin ang pulitika o ang showbiz.
   
Anyway, bukod sa sariling TV show, nilapitan din si Cong. Albee ng kaibigang actor na si Albert Martinez na may project na gustong ipa-produce sa kanya at kukunan sa distrito niya sa Negros.
   
Nakatakda raw siyang makipag-meeting sa actor dahil interesado rin siya, lalo na’t magbibida rito ang mga kaibigan niyang actor sa showbiz gaya nina Gabby Concepcion, William Martinez at Richard Gomez.
   
Ayon pa sa kanya, mala-Oceans 11 ang gagawing pelikula.

Leave a comment

Make sure you enter all the required information, indicated by an asterisk (*). HTML code is not allowed.