5,023 guests

Notoryus na magnanakaw itinumba

  • Written by Gil Aman
  • Published in Provincial
  • Read: 463

Itinumba ang isang 52-anyos na umano'y sangkot sa serye ng pagnanakaw matapos barilin nang hindi pa kilalang suspek habang naglalakad ang biktima sa highway ng Bgy. Concepcion, San Pablo City, kahapon ng umaga.

Kinilala ni Supt. Francis Allan Reglos, hepe ng San Pablo police, ang nasawing biktima na si Gregorio Espenile Tiquiz, may asawa, ng Bgy. San Pedro, ng nasabing lungsod.
   
Si Tiquiz ay nagtamo ng isang tama ng bala sa sintido ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril na ginamit ng hindi pa nakikilalang suspek na tumakas matapos ang pamamaril.
   
Ang biktima ay isi-nugod pa ng ilang barangay opisyal sa Pagamutang Panlalawigan ng Laguna ngunit idineklara itong dead on arrival.
   
Sa imbestigasyon na pinangunguhan ni Senior Insp. Mario David, Intel officer, ang pamamaril kay Tiquiz ay naganap alas-11 ng umaga. Malapitan itong pinaputukan ng suspek, na mabilis na tumakas sa hindi mabatid na lugar.
   
Ayon kay David, ang pagpatay sa biktima ay posibleng may kaugna-yan sa iba’t ibang kaso na kanyang kinasasangkutan sa kanilang barangay bukod sa pagna-nakaw ng mga sasabunging manok, na madalas ang pangalan nito ang ikinakanta ng kanyang mga nabiktima.
   
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para matukoy at mahuli ang suspek.

Leave a comment

Make sure you enter all the required information, indicated by an asterisk (*). HTML code is not allowed.