MALUGOD po namin kayong inaanyayahan na dumalo at mapagpala sa EMI Midweek Chapel Services tuwing Miyerkules at Huwebes sa oras na ika-7 ng gabi sa EMI Center – NLEX Valenzuela Exit, Paso de Blas, Valenzuela City. Tumawag sa 4444-777
TAYO’Y nabubuhay sa mundong pabilis ng pabilis. Sa patuloy na pag-unlad ng mundo kasabay nito’y ang walang humpay na paggawa. Kaalinsabay ng pag-unlad, ang mundo’y naging mas maliit, mas mabilis at mas kumplikado. Tayo’y nabubuhay sa panahong higit na mabilis kaysa sa panahon ng ating mga magulang. Ang ating mga anak ay mabubuhay sa panahong higit na mabilis kaysa ngayon.
Paano magdahan-dahan sa mabilis na mundo? Ang pagmamadali kadalasa’y nagdudulot ng negatibong epekto sa kabuan ng ating pagkatao. May ilang mga biblikal at praktikal na prinsipyo na maari nating maipamuhay upang sa gitna ng nakakalulang bilis ng mundo tayo’y magdahan-dahan.
Ang unang prinsipyo ay “Matutong Mamuhay ng may Kasapatan.” Ito ay nagsisimula sa kalagayan ng puso. Ang wika ni Apostol Pablo, “I have learned the secret of being content in any and every situation.” (Philippians 4:12) Ang tunay na kasapan ay hindi likas sa ating pagkatao. Ang nais nati’y maging kakaiba at mas maganda ang ating buhay. Kung kaya’t ang ganitong likas ang patuloy na naguudyok sa tao na huwag tumigil at higit na magtumulin sa anumang gawain. Hindi natin matututunan ang magdahan-dahan hanggang hindi natin natututunan ang magkaroon ng kasapatan o contentment. Ang kasapatan ay hindi nangangahulugang ayaw mong umunlad at gumanda ang kalagayan sa buhay. Ang ibig sabihin lang ay wala sa pag-unlad ng iyong kalagayan ang tunay na kasiyahan. Ang tunay mong kasiyahan ay nasa iyong kaugnayan kay Cristo anumang kalagayan.
Ang pangalawang prinsipyo ay “Matutong Mamahinga.” Dinisenyo ng Diyos na ang tao’y dapat mamahinga. Ang sabi ng Diyos, “Six days a week are set apart for your daily duties and regular work, but the seventh day is a day of rest dedicated to the LORD your God.” (Exodus 20:9) Ang kabiguang ipamuhay ang ikaapat na utos ay matuling paraan ng pagkawasak ng sarili. Kailangan natin tumigil sa anumang gawaing sekular upang magbigay daan sa gawaing espirituwal. Ang wika nga ni Jesus, “Man does not live on bread alone, but on every word that comes from the mouth of God.” (Matthew 4:4) Dinagdag pa Niya, “You shouldn’t be so concerned about perishable things like food. Spend your energy seeking the eternal life that I, the Son of Man, can give you.” (John 6:27) Kailangan nating pansamantalang tumigil sa anumang kaabalahan ng mundo upang magbigay panahon sa mga bagay na patungkol sa Diyos. Ang paalala ni Apostol Pablo, “Let us not neglect our church meetings, as some people do, but encourage and warn each other, especially now that the day of his coming back again is drawing near.” (Hebrews 10:25)
Ang pangatlong prinsipyo ay “Ma-tutong Tumanggi.” Sa totoo lang mahirap talagang tumanggi. Sapagkat pilit nating pinapaganda ang ating imahen sa pamamagitan ng pagiging abala sa maraming bagay. Hindi maaring patuloy tayong nagdadagdag ng mga gawain ng hindi tayo nagbabawas ng ilan. Tandaan, sa tuwing nagdaragdag ka ng bago sa iyong schedule kailangan mong magbawas. Ang bawat tao’y mayroong limitasyon. Ang kabiguang ito’y gawin ay dahandahang pagpapakamatay. Ang sabi ni Peter Drucker, isang kilalang manunulat, “Don’t tell me what new thing you’re doing. Tell me what you’ve stopped doing.” May mga oportunidad at mga gawain na kailangang tanggihan sapagkat talagang di na kaya ng schedule. At kung ito nama’y higit na mahalaga, alisin sa iyong schedule ang mga di gaanong maha-laga. Tandaan, sa ibabaw ng lahat ng ito, tiyaking palaging may panahon para sa Diyos.
Ang pang-apat na prinsipyo ay “Matutong Maghintay sa Tamang Panahon.” Ang pagkabagot at pagkainip ay kadalasang dahilan ng pagmamadali. Ang damdamin ng pagmamadali ay ekspresyon ng kawalan ng tiwala sa Diyos. Ang Diyos ay may takdang panahon sa lahat ng bagay. Ang kabiguang magdahan-dahan ay hahantong sa maling kapasyahan na madalas ay pinagsisihan sa bandang huli. Matutong magdahan-dahan at maghintay sa tamang panahon. Ang sabi nga ni Solomon, “There is a time for everything, and a season for every activity under heaven.” (Ecclesiastes 3:1) Ang matutong maghintay ay para din sa ating kapakinabangan. Ang wika pa niya, “God has made everything beautiful for its own time.” (Ecclesiastes 3:11)
Matutong magdahan-dahan pagkat may panahon sa lahat ng bagay!
* * *
ANG DYARYO EMI ay gawaing paglilingkod ng Emmanuel Ministry Institute. Ugaliin ding makinig sa RADYO EMI sa DWBL 1242 tuwing Linggo, alas-7:30 ng umaga. Lumago kasama namin tuwing Linggo, alas-6:30; 8:30; at 10:30 ng umaga; alas-4:30 ng hapon at alas-6:30 ng gabi; at araw ng Miyerkules at Huwebes alas-7:00 ng gabi sa EMI Center. Tumawag sa 4444-777 o mag-text sa 0922-8661029. Bisitahin ang www.facebook.emi.ph
Published : Wednesday February 08, 2012 | Category : Sports | Views : 43
Two Calabarzon teams clashed for the gold medal in the wheelchair basketball tournament of the 1st PSC-Philspada National Games that officially closed at the Marikina Sports Park in Marikina City last Monday. Calabarzon-Tahanang Walang Hagdanan relied on an 11-0 run bridging the second and third periods to pull away for... Read more
Published : Wednesday February 08, 2012 | Category : Sports | Views : 84
By : People's Tonight
Games today: (Aquinas gym) 5 p.m. -- UST-Ironcon vs. JRU6:30 p.m. -- Wang’s Ballclub vs. SkyforceIT will be UAAP vs. NCAA all over again as defending champion University of Santo Tomas-Ironcon Builders and Jose Rizal University dispute the solo lead in the MBL Invitational Cup basketball championship at the Aquinas... Read more
Published : Wednesday February 08, 2012 | Category : Sports | Views : 37
A banner field of 90 teams from all over the country will see action in the Little League Baseball Philippine Series scheduled April 8-16 at the Clark Freeport Zone parade grounds in Angeles City, Pampanga. “Thanks to the support Clark Development Corp. (CDC), we will have a huge number... Read more
Published : Wednesday February 08, 2012 | Category : Sports | Views : 40
By : People's Tonight
TWO Calabarzon teams clashed for the gold medal in the wheelchair basketball tournament of the first PSC-Philspada National Games that officially closed at the Marikina Sports Park in Marikina City last Monday. Calabarzon-Tahanang Walang Hagdan relied on an 11-0 run bridging the second and third periods to pull away for... Read more
Published : Wednesday February 08, 2012 | Category : Sports | Views : 28
SCOTTSDALE, Ariz.—For the second straight week, a PGA Tour event ended with Kyle Stanley in tears. This time, they were tears of joy. Taking advantage of Spencer Levin’s final-round meltdown, Stanley rebounded from a devastating loss at Torrey Pines to win the Phoenix Open on Sunday, overcoming an eight-stroke deficit... Read more