Nagkatawanan sa presscon ng Won’t Last a Day Without You last Saturday nang matanong si Sarah Geronimo kung papayag ba siya sakaling si Angeline Quinto ang mapiling kumanta ng theme song ng nasabing movie nila ni Gerald Anderson.
Pati si Sarah ay natawa na lang dahil noon pa naman nila nasagot pareho ni Angeline na okay naman silang dalawa at walang rivalry sa pagitan nila.
“Wala pong problema sa akin kung si Angeline man ang pagawain ng theme song, mahal na mahal ko ’yang si Angeline kaya wala po talagang problema. At saka, huwag na po nating gawan ng issue,” natatawa niyang sagot.
Sa pelikula ay ginagampanan ni Sarah ang role ng isang DJ na nagho-host ng isang love counseling radio program. Kakaibang-kakaiba raw ang role niya sa mga dati na niyang nagampanan dahil kung dati ay madalas siyang gumanap ng karakter na ‘no boyfriend since birth,’ this time sa Won’t Last a Day Without You ay sobra siyang broken hearted sa pag-ibig kaya ayaw na niyang magtiwala at magmahal.
Aminado naman si Sarah na naka-relate siya sa role niya ngayon dahil hindi naman daw lingid sa lahat ang pinagdaanan niya sa pag-ibig.
Pero thankfully ay nalagpasan na raw niya ang stage na ’yun at ngayon ay naka-move-on na.
Ang pagkakaiba nga lang daw niya kay DJ Heidee (her character in the movie), mas malalim daw ang pain nito since five years ang dinaanan nitong relationship at hindi katulad niya in real life na sa Skype lang.
* * *
Ayon kay Coco Martin, natutuwa raw siya sa leading lady niyang si Angeline Quinto dahil kahit first acting project nito ang movie nilang You Light Up My Life ay nakikita niyang may ibubuga raw ang dalaga pagdating sa pag-arte.
“Honestly, nu’ng nagwo-workshop kami, para siyang… zero. Wala pa, wala pa siyang alam about the blocking, everything.
“Pero everyday, habang nagsu-shooting kami, doon ako nagugulat sa kanya kasi palalim siya nang palalim. Siguro dahil malalim ang pinaghuhugutan.
“Ang galing, eh. Kasi mayroon kaming mga eksena na mga drama, nagugulat kami. Kaya sabi ko nga kay Direk, ‘Direk, parang niloloko lang tayo nito na sinasabing wala siyang nalalaman pero sinu-surprise lang tayo’, kasi totoo ’yung binibigay niya, eh.
“And then, nae-excite kami dahil everyday, natututo siya at palalim siya nang palalim bilang artista,” papuri ni Coco kay Angeline.
Pero ang tanong, nanliligaw na ba siya kay Angeline?
“Hindi pa naman,” nakangiti at nahihiyang sagot ni Coco.
Natawa na lang ang aktor nang kantiyawan siya na mukhang may plano siya in the future dahil sa sagot niyang “hindi pa.”
Idinagdag din niyang sobrang busy rin ni Angeline ngayon at sa nakikita niya ay sobrang focused sa trabaho.
“Parang nakikita ko nga ang sarili ko sa kanya noong nag-i-start ako na halos hindi mo siya makausap,” he said.
Natutuwa lang daw siyang tingnan si Angeline na nag-e-enjoy sa trabaho kaya hinahayaan na lang daw muna niya ito.
“Basta ako, siyempre, gina-guide ko rin siya at sinusuportahan ko siya,” say pa ni Coco.
Published : Thursday February 09, 2012 | Category : Sports | Views : 3
By : Gerry N. Ramos
If things fall according to plan, the newly-crowned World Boxing Organization super-bantamweight champion Nonito Donaire, Jr. will meet Jorge Arce of Mexico by the middle of the year. Cameron Dunkin, manager of the 29-year-old, California-based Filipino, confirmed that an agreement has already been reached with the camp of Arce, the... Read more
Published : Thursday February 09, 2012 | Category : Sports | Views : 3
By : Theodore P. Jurado
Games Saturday (FilOil Flying V Arena)9 a.m. - ADMU vs UE (men)10:30 a.m. - DLSU vs UP (men)2 p.m. - FEU vs UE (women)3:30 p.m. - AdU vs UST (women) LA SALLE is dead-set to complete a rare 14-game sweep in the UAAP women’s volleyball tournament. The mighty Lady Archers... Read more
Published : Thursday February 09, 2012 | Category : Sports | Views : 3
By : Zean Macamay
Games Tomorrow (Araneta Coliseum)5:15 p.m. – Alaska vs. Barako Bull7:30 p.m. – Meralco vs. B-MegDEFENDING champion Talk ‘N Text may have the local roster depth, and so are B-Meg, Petron and perhaps, Ginebra. But success in the PBA Commissioner’s Cup will still boil down to which ball club has the... Read more
Published : Thursday February 09, 2012 | Category : Sports | Views : 3
By : People's Journal
Oakland, CA - Kevin Durant scored 33 points and made the go- ahead jumper with 14.2 seconds remaining, as the NBA-leading Oklahoma City Thunder got past Monta Ellis and the Golden State Warriors, 119-116. Durant also pulled down 10 rebounds and dished out seven assists for the Thunder, who... Read more
Published : Thursday February 09, 2012 | Category : Sports | Views : 3
By : People's Journal
PRODUCING four world champions and the first Filipino to qualify in the London Olympics, there was no doubting Philippine sports in 2011 belonged to both billiards and boxing. World no. 1 player Dennis Orcollo, and the tandem of Rubilen Amit and the great Efren `Bata’ Reyes kept the pool flame... Read more