Geneva irks fellow 'Survivor' castaways


Hindi na rin kami magtataka sakali mang ang pair nina Geneva Cruz at KC Montero ang unang matsu-tsugi sa napaka-intense na SurvivorPhilippines Doubles Celebrity Edition sa GMA7.

Bukod kasi sa napaka-arte ni Geneva at panay ang reklamo, siya ang na-single out na kinaaasaran ng Survivor castaways. May isa pa ngang pares na hindi na namin papangalan (actually nag-request, tugang, na huwag sabihin, hahaha!) during the presscon na nagsabing si Geneva nga raw ang huling tao na nanaisin mong makasama sa island.

Grabe ka-intense ang mga kaganapan ngayon sa halos nagsisimula pa lang na show, hosted by Richard Gutierrez.  Wala pa kaming bet, tugang, sa celebrity candidates na ’yan, pero aliw na aliw kami sa tandem nina Betong at Maey (regular talents ng GMA7) dahil bukod sa sinasabi nilang sila ang pinaka-underdog, sila talaga ang hindi mukhang celebrities  among the 22 castaways (11 pairs lahat). Hindi sila seksi at pogi, pero kapag naman nakipagsabayan na sila ng pagtupad sa tasks, hayun at nagiging kamukha na nilang bigla kahit ang dating beauty queen na si Ma. Isabel Lopez at Volcano hunks na sina John at Arnold. Hahaha!

*  *  *

Ay! Mukha ngang true ang tsismis na nagsanib-puwersa na sina Daisy Romualdez at Nadia Montenegro versus Annabelle Rama.

Mas matapang nang nag-sasalita si Nadia ng mga ganting sagot niya sa noo’y pag-atake sa kanya ng kontro-bersyal na talent manager (Tita Annabelle).

Sinampahan pa niya ito ulit ng isang kaso at ang tsismis nga, tugang na Butch, suportado siya ni Mama Daisy, mother ni Danita Paner na mina-manage ni Tita Annabelle.    

Hindi nga lang malinaw kung inalis na o pinaalis na ni Mama Daisy si Danita sa poder ng mother ni Richard Gutierrez o si Tita A ang nagpalayas sa kanyang bakuran kay Danita. 

Nakakaloka, pero isyu rin daw na pera ang sinasabing discontentment ni Mama Daisy at may tsismis pang “stardom sa TV5” na umano, hindi nangyari kay Danita ang isa pa ring isyu.

May lumabas pang tsismis na diumano, si Danita ang sinisisi ni Tita A kung bakit hindi taw naging bigger star si JC de Vera sa TV5.  Ang pakikipagrelasyon daw ni JC kay Danita ay sagabal.

Mga ganu’ng tsismis nga, tugang na Butch, ang pinag-uusapan ngayon, pero hindi natin alam kung ano ang totoo. Hahaha!

At ang tsika pa, malakas daw ang loob ni Nadia na harapin ang mga paratang, sumbat, at kantiyaw ni Tita Annabelle dahil may mga impormasyon nga umano itong hawak na ilalabas niya, once na magharap sila sa korte, sa tulong na rin ni Mama Daisy.

May ganu’ng mga tsismis na for sure, hindi naman basta dededmahin ni Tita A.

*  *  *

KAMI ay sumasang-ayon kay Cagayan 1st District Congressman Jack Enrile na mabisa ngang  lunas sa ka-lungkutan ang entertainment.

Sa isang nagpapatakbo ng kaunlaran at nagsusulong ng mga pagbabago para sa mga nasasakupan, mahalagang nagkakaisa ang mga tao, hindi lang sa pulitikal at ekonomikal nilang pangangailangan, kundi maging sa socio-cultural nilang pamumuhay.

Bukod pa rito ang kakai-bang katangian ng nasabing distrito na lagi na lang dina-raanan ng mga bagyo at kalamidad. Kaya ang mga tao kumbaga, sabik sa mga ali-wang hatid ng entertainers na dumarayo sa kanila.

“Iba kasi ang impact sa tao,” tsika ni Cong. Jack Enrile, na alam naman nating galing sa angkan ng mga tinitingala sa pulitika at may du-gong showbiz din naman, being the nephew of well-respected Armida Siguion-Reyna.

Pero ang talagang rason kung bakit type ni Cong. Enrile na makipag-tie-up sa showbiz  friends niyang nagpu-produce ng entertainment shows, eh, dala nga ng kuneksyon ng mga tao sa showbiz.

“Para kasi talagang mirror ng buhay ang entertainers. Madaling maka-identify sa kanila ang bawat Pinoy, at kapag nadudulutan sila ng saya, tila may kung anong inspirasyon sila para magsikap at gawing positibo ang buhay,” say pa ng poging kongresista.

*  *  *

Gaano naman kaya katotoo, tugang na Butch, ang tsikang lumilinaw ang pag-transfer ni Negastar Sharon Cuneta sa TV5?

Lahat kasi ng nakapanood ng latest Christmas ID ng ABS-CBN, nagtataka at nagtatanong kung bakit wa-la nga si Mega sa roster of ABS-CBN talents?

Sumabog ang balitang ito dahil after ng Biggest Loser ni Mega, wala nang tsikang may gagawin siya sa Dos, though malinaw na sinabi ng mga nagpapatakbo ng Biggest Loser na sa pagbabalik -season nila in 2012, si Sharon pa rin ang host nito.

Nang tanungin tungkol di-to si Judy Ann Santos, eh, maliwanag na pagsuporta ang ibibigay niya sa kanyang Ate Shawie.

Nang itanong din ito kay Mr. Perci Intalan ng TV5 during the launch of PS I Love You soap, na dating pi-nagbidahan ni Sharon sa mo-vie version, makahulugang smile lang ang ginawa nito sabay tsikang: “Everybody wants to have the Megastar in any show o network.”

Sports

All-Pinoy tilt: A blockbuster

Published : Tuesday February 07, 2012   |  Category : Sports   |  Views : 45
By : Zean Macamay

THE bold move by the Philippine Basketball Association to schedule a single-game per day in the semi-finals paid off. The PBA yesterday bared that it has earned an astounding P39 million from ticket sales in the recently-concluded Philippine Cup, representing a 3-percent rise from the same conference last season. “This... Read more

Giants are big again

Published : Tuesday February 07, 2012   |  Category : Sports   |  Views : 20
By : People's Journal

INDIANAPOLIS —Eli Manning engineered the last-minute touchdown to give New York the lead, then started celebrating as Tom Brady’s desperation pass hit the ground in the last act of the Super Bowl. After guiding the New York Giants to a 21-17 victory over Brady’s New England Patriots on Sunday night,... Read more

Bad judging: A case study

Published : Tuesday February 07, 2012   |  Category : Sports   |  Views : 65
By : Thomas Hauser (Sweet Science)

I don’t know Ruben Garcia. He might be a very nice man. I do know that Garcia was in the wrong place at the wrong time on Saturday night. More specifically, Garcia was sitting in a judge’s chair scoring the fight between Nonito Donaire and Wilfredo Vazquez Jr. It wasn’t... Read more

For a breakthrough feat, Pagunsan gets PSA nod

Published : Tuesday February 07, 2012   |  Category : Sports   |  Views : 22
By : People's Journal

FOR his breakthrough feat in last year’s Asian Tour, golfer Juvic Pagunsan will be bestowed the Presidential Achievement Award by the Philippine Sportswriters Association (PSA) when it holds its Annual Awards Night next month at the Manila Hotel. Pagunsan, 33, was the unanimous choice for the honor by the country’s... Read more

PH cagers crush Malaysians

Published : Tuesday February 07, 2012   |  Category : Sports   |  Views : 28
By : People's Journal

Game Sunday (Singapore Indoor Stadium)7 p.m. – Jobstreet.com Singapore vs AirAsia PH PatriotsDiminutive Al Vergara came off the bench to help power the AirAsia Philippine Patriots to an 86-72 win over the Westports Malaysia Dragons for their third straight win in the AirAsia ASEAN Basketball League last night at the... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Your Ad Here
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC