SA maraming parte ng bansa ay nandiyan ang mga taong gustong lumayas sa kani-kanilang barangay.
Mas gusto pa nilang makipagsapalaran sa ibang lugar kaysa mamatay nga naman ng gutom sa kanilang probinsiya.
Pero ang kapuna-puna karamihan ng mahihirap na nanggagaling sa mga probinsiya ay sa Maynila gustong manirahan.
Hindi natin masisisi ang mga taong ito dahil sa Maynila, libre ang magpagamot sa anim na district hospitals at ‘di na mabilang na mga health center.
Hindi kagaya sa maraming lugar, ang mga city hospital at clinics ay laging may mga doktor, sapat na libreng gamot at bitamina para sa mga nangangailangan.
Pagdating naman sa edukasyon, nandiyan ang Pamantasan ng Lungsod ng Maynila na libre para sa matatalinong kabataan.
Kung average naman ang talino nang iyong anak, naghihintay ang libreng kolehiyo para sa kanya sa City College of Manila(CCM) . Ang CCM ang isa sa mga pinagpursigihang proyekto noon ni Mayor Alfredo Lim para masiguro na makapagko-kolehiyo ang mga bata na hindi kayang papag-aralin ng kanilang mga magulang dulot ng kahirapan.
At siyempre, sa pre-school, elementary at haiskul ay wala ring babayarang matrikula.
Noong nakaraang linggo nga ay pinasinayaan ni Mayor Lim ang bagong annex building ng Dr. Juan Nolasco High School sa Tondo.
Tinatayang mahigit 3,000 estudyante ang makikinabang sa bagong gusali.
Mula pa nang unang maupong alkalde si Lim ay prayoridad na niya ang pagtatayo ng mga ospital at paaralan. Sa katunayan, nang una siyang mahalal na mayor, iisa lang ang pampublikong ospital ng lungsod -- ang Ospital ng Maynila.
Sa pagsusumikap ni Lim, katulong ang kanyang masipag na bise-alkaldeng si Isko Moreno, nagkaroon ng pampubliko at modernong ospital ang anim na distrito ng Maynila.
Ngayon, magtataka pa ba kayo kung bakit dito nagsisiksikan sa Maynila ang mga nanggagaling sa malalayong probinsiya?
At nakapagtataka pa rin ba kung bakit unbeatable si Mayor Lim at Vice Isko, tuwing may halalan sa Maynila?
***
Sinalubong ng malakas na palakpakan ng mga taong nasa loob ng Batasan Pambansa nang i-anunsiyo ni Pangulong Noynoy Aquino sa kanyang SONA ang pagkakahirang niya kay retired Supreme Court Associate Justice Conchita Carpio-Morales bilang Ombudsman.
Pero sa totoo lang, hindi naman na nakagugulat ang pagkakatalaga kay Morales sa kanyang bagong puwesto.
Siya kasi ang paborito ng taumbayan na pumalit sa nag-resign na si Merceditas Gutierrez.
Dahil sa kanyang magandang rekord sa SC ay maraming naniniwala na kayang-kaya niyang linisin ang gobyerno na pinamumugaran ng maraming kawatan.
Napakabigat nang nakaatang na responsibilidad kay Morales dahil maraming malalaking tao ang kanyang iimbestigahan.
Hindi lang si P-Noy, kundi pati ordinaryong mamamayan ay umaasa na uusad na ang mga kasong matagal ng nakabinbin sa Ombudsman.
Nandiyan ang mga opisyal noong administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na ginawa umanong gatasan ang kabang-yaman ng bansa.
Marami rin ang naniniwala na pantay-pantay at makatuwiran ang gagawing pagtrato ni Morales sa mga kasong isasampa sa kanyang tanggapan.
Hindi siya Ombudsman para lang imbestigahan ang mga katiwalian noong panahon ni GMA.
Nandiyan siya para papanagutin at ipakulong ang lahat ng mga magnanakaw sa gobyerno.
Pati na ang mga tiwaling kamag-anak, kaibigan, kaklase at kabarilan ng mga taong nasa Malakanyang ngayon.
Tama ba Ombudsman Morales?
MGA REKLAMO AT REAKSIYON
Bakit nga po ba walang kibo si ES Ochoa tungkol sa mga gumagamit ng pangalan niya sa customs? Baka naman talagang alam niya ang ginagawa ni Rico?-ZENY PEREZ ng Makati.
Letran College, hanggang ngayon wala pa ang transcript of record at diploma ng mga March 2011 graduates. Sobra naman ang tangal.-RIC CABUSAO ng Manila.
Salamat sa text nina ARCHIE ACOL ng QC, GENIE SANTIAGO ng Navotas, ROMY E. ng Paranaque, L. MANALANG ng Laguna, ARLENE MARIANO ng Bulacan, CECIL MATIAS ng Pampanga, BETH CRUZ ng Bulacan, AURELIO DIZON ng Mandaluyong, MARIA ENRICO ng Pasig at FLOR HERNANDEZ ng Laguna.
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Sports | Views : 11
By : People's Journal
Games Today: (Araneta Coliseum)5:15 p.m. – Barako Bull vs. Powerade7:30 p.m. – Rain or Shine vs. B-MegYENG Guiao was delighted at the way how his import, Jamelle Cornley, performed in Rain or Shine’s opening game in the Governors’ Cup. Now, he sounds comfortable taking on the Commissioner’s Cup champion, B-Meg,... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Sports | Views : 10
By : People's Journal
Games Tuesday (Ynares Sports Arena)2 p.m. – RnW Pacific Pipes vs Blackwsater Sports 4 p.m. – Café France vs Cebuana Lhuillier Big Chill weathered a fiery charge by RnW Pacific Pipes in the second half for a 78- 68 victory that earned the Super Chargers an outright passage in the... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Sports | Views : 10
By : People's Journal
GEN. TRIAS, CAVITE – Jay Bayron used a strong finish to shoot a second straight 69 and leave behind a field that continued to struggle in demanding condition at Eagle Ridge’s Faldo Course in the second round of the ICTSI Eagle Ridge Invitational here yesterday. Bayron turned what had seemed... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Sports | Views : 10
By : People's Journal
Young Mark Alcala validated his claim as the next badminton superstar when he clipped third seed Jose Kenneth Monterubio, 21-18, 21-19, to pocket the boys’ Under-19 title and complete a double victory in the P1 million MVP Sports Foundation-Philippine Badminton Ranking System (PBaRS) circuit at Metro Sports Center in Lahug,... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Sports | Views : 10
By : People's Journal
Philadelphia—The Philadelphia 76ers kept their season alive with an 82-75 victory over the Boston Celtics to force a seventh game in their Eastern Conference playoff series. Jrue Holiday finished with a team-high 20 points and six assists while Elton Brand had 13 points and 10 rebounds for the Sixers who... Read more