Kitang-kita ang ‘diperensiya’


BAGO ang lahat, happy reading muna kay Major General Josue S. Gaverza Jr., ang bagong commanding general ng 9th Infantry Division na responsable sa seguridad at katahimikan sa Bicol region. Siya pala ang naging kapalit ni Major General Ruperto Pabustan, na nagretiro na kamakailan.

Dating chief ng Army Support Command si Gen. Gaverza na tulad ng aking kaibigan na si Lt. General Roland Detabali, Solcom commanding general, ay miyembro ng PMA Class ’78.

Isa pa rin ang Bicol region na malaki ang problema sa peace and order. But here’s hoping that where others before him failed, Gen. Gaverza would succeed. Kaya ang aking parting words: “Good luck, General Gaverza!”

Happy reading na rin kay Senior Supt. Alex Gutierrez, ang matikas na deputy director for administration (DDA) ng Manila’s Finest at “suki” ng pinakamalakas na tabloid sa buong ’Pinas, ang People’s Tonight.

Papasyal sana ako sa kanya noong Miyerkules, kasamang Itchie Cabayan, para magkape pero sinabi niyang nasa doktor siya at pinapatingnan ang kanyang mata.

Sabagay, bilang MPD officer-in-charge dahil nakabakasyon daw si MPD Dir. Roberto Rongavilla, dapat talagang matalas ang mata at pakiramdam nitong aking “pinsan” sa dami ng beterano at may “tahid” na pulis-Maynila. At huwag kang pipikit... mahirap na, hahaha!

Oh well, kung sa prutas ay “hinog” na rin naman itong si DDA Alex bilang opisyal kaya hindi ako magtataka kung isang araw ay mabigyan naman siya ng magandang break, bagay na alam kong gusto rin namang mangyari ng malawak na bilang ng mga pulis-Maynila kasama na si Mayor Fred Lim.

At habang sinusulat ito, alam kong sa Internet na lang ito mababasa ni Lt. Col. Toinks Valencia sampu ng kanyang mga piling tauhan sa 76th IB, dahil sila pala ang magbibigay karangalan sa buong AFP at sa ating bansa bilang mga “peacekeepers” sa Golan Heights!

Ang 76th IB ang responsable sa kapayapaan sa Bondoc Peninsula, Quezon, bago sila ang napili sa hanay ng lahat ng Army battalions upang ipadala sa international mission.

Kasama siyempre sa “taas-balikat” sa “karangalang” nakuha ng batalyon ay si 10th ID commanding general Major General Jorge Segovia na dati ring “BatCom” ng 76th IB, ’di ba, Major Jake Obligado?

Subalit hindi naman dapat mabahala ang mga residente ng Bondoc Peninsula sa pullout ng batalyon. Ayon kay Col. Bolina, papalitan sila ng 85th IB na galing din pala sa international peacekeeping mission. Ayos ah!

Well, this again proves that Solcom, indeed, has been the training ground of the AFP’s best soldiers and officers. What can I add here, except... carry on!

Samantala, kung binabasa ito ni Customs Comm. Lito Alvarez, dapat siguro ay bigyang paalala niya itong isang alias “Cesar” na umano’y miyembro ng kanyang “inner circle” na hindi rin niya umano makontrol sa paggawa ng katarantaduhan.

Dangan kasi, sandamakmak na raw ang “umiiyak” sa pangongotong nitong si Cesar na “balasubas” pa rin daw sa “usapan.” Kung ano man ang mga “usapan” na ito na tinawag ni Cesar na isang “walanghiya” kapag nakatalikod na siya, sila na lang ang nakakaalam, mga kabayan.

Kung isang araw ay bigla na lang daw bumulagta itong si Cesar sa harap ng kanyang bahay o sa kalsada at lagyan ng karatula na nagsasabing: “Huwag tularan... Gahaman!” wala nang dapat ipagtaka, tsk,tsk,tsk.

Ito rin daw mga aktibidades ni Cesar ang dahilan kung bakit noong isang linggo ay nakaladkad sa Ombudsman sina Alvarez at DOF Sec. Cesar Purisima.

Finally, happy reading na rin sa mga miyembro ng Senate MARO na balita ko ay sobrang napagod sa gimik, ehek imbitasyon nilang swimming sa mga reporters noong isang Biyernes. Sabagay, nakakapagod talaga... ang maghintay sa mga inimbitahan na nag-boycott yata sa okasyon, hehehe.    And as usual, dahil hindi naman ako sikat o kilala, wala pa rin akong natatanggap na imbitasyon sa “second phase” na tila “massage and spa” naman ang pinag-uusapan umano ngayon. May painom pa nga raw sa mga photographer, kasamang Jess Yuson ng Inquirer, hahaha!

Sabagay nga, SP Juan Ponce Enrile, hindi rin naman talaga madaling sunugin, ngek, ubusin ang mahigit na P200,000 na nakalap nitong mga MARO, sa kanilang mga among senador, ’di ba?

Eh, bakit hindi na lang nila paghati-hatian, ehek, itago pala ang natira para naman masabing mayroon silang savings bilang isang samahan, ’di ba kasamang Boyet Jadulco ng Abante?

By the way, kasamang Angie Rosales ng Daily Tribune, sa nakaraang dalawang linggo ay dalawang beses na rin akong nakapag-outing sa mga resort kasama ang aking mga anak at pamangkin. Magkano ang nagastos ko? Wala pang apat na libo, believe it or not!

Now, you compare this to the more than P200,000 that the MAROs collected and you would get a pretty good idea how much it really cost to savour the sand and the sunshine in a resort.

In short, kitang-kita ang “diperensiya,” hindi ba, kaya ang naiwang tanong: Nasaan na?

(For reaction, text at 09274711475 or email at This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. ).

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Your Ad Here
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC