Zodiac Signs 5/13

 

AQUARIUS (January 20 – February 18) -- Malulungkot ang ina mo sa iyong ibabalita kaya huwag mo na itong ituloy pa. Lucky numbers: 8, 21, 35, 39, 41, 49 Lucky color: Red

PISCES (February 19 – March 20) -- Makakasama sa iyo ang labis na pagpupuyat, maaari kang maospital. Lucky numbers: 3, 16, 23, 34, 35, 42 Lucky color: Indigo

ARIES (March 21 – April 20) -- Mag-ingat sa paglabas-labas tuwing gabi dahil ito ang ikapapahamak mo. Lucky numbers: 7, 15, 27, 32, 43, 45 Lucky color: Magenta

TAURUS (April 21 – May 20) -- Tulungan ang ina sa gawaing bahay, huwag puro panonood ng telebisyon ang inaatupag. Lucky numbers: 14, 27, 28, 32, 36, 44 Lucky color: Flame red

GEMINI (May 21 – June 20) -- Kailangan  mong mag-recharge upang maisakatuparan ang mga ipinangako sa iyong amo. Lucky numbers:  2, 17, 22, 36, 43, 49 Lucky color: Violet

CANCER (June 21 – July 20) -- Sabihin nang harapan ang iyong  saloobin upang magkaliwanagan. Lucky numbers: 3, 17, 21, 39, 41, 45 Lucky color: Blue

LEO (July 21 – August 21) -- Matatagalan pa bago ka makabawi sa iyong pagkalugi kaya magtiyaga ka muna. Lucky numbers: 5, 18, 23, 34, 38, 48 Lucky color: Silver

VIRGO (August 22 – September 22) -- Gigising kang dala ang ilang mga suliranin na nagbibigay ng bigat sa iyong dibdib, ang lahat ay itawag sa Panginoon at tiyak na magkakaroon ka ng kapayapaan. Lucky numbers: 11, 13, 28, 33, 38, 44 Lucky color: Green

LIBRA (September 23 – October 22) -- Tama lamang na magpakipot ka muna sa iyong manliligaw. Lucky numbers: 2, 3, 17, 22, 29, 43 Lucky color: Red

SCORPIO (October 23 – November 22) -- Kaiinggitan ka ng iyong pinsan kaya huwag ka nang magyabang, baka pagtawanan ka sa bandang huli. Lucky numbers: 6, 12, 23, 36, 43, 49 Lucky color: Pink

SAGITTARIUS (November 23 – December 20) -- Umalis ka na sa poder ng iyong kinakasama bago pa mahuli ang lahat, sobra na ang dinaranas mong pagdurusa sa piling niya. Lucky numbers: 8, 12, 17, 27, 32, 45 Lucky color: Pink

CAPRICORN (December 21 – January 19) -- Paniwalaan ang lahat ng sinabi ng matalik na kaibigan tungkol sa iyong kasintahan, lahat ay tama. Lucky numbers: 13, 27, 29, 31, 34, 46 Lucky color: Yellow

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Your Ad Here
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC