SA pagbabalik ng numero unong actress ng GMA7 na si Marian Rivera sa primetime sa pamamagitan ng “Amaya,” she’s facing another big challenge sa kanyang career. Bilang isang babaeng mandirigma, hindi biro ang pagod na pinagdaanan niya. Tiyak namang susuklian ito ng magandang resulta.
At hindi rin biro ang laki ng gastos ng GMA sa bagong series na ito. Sa barko pa lamang na tinatawag nilang Karakoa, nagkakahalaga na ng P2 million. Hindi lang limang malalaking location ang ginamit nila: Laguna, Morong, Zambales, La Union, Pangasinan at iba pa. Ang mga period costume na ginamit ng 1,500 characters ay milyong piso rin ang halaga. Kaya naman ang pool of writers ay nagsusunog ng kilay para gawing isang monumental tele-serye. Hinuhulaang ang “Amaya” ay magre-revolutionize ng TV ratings para sa GMA7.
SECOND GENERATION STARS
DALAWANG mula sa second generation of talents ang inaasahang magiging malaking pangalan sa showbiz.
Si Frank Magalona, anak ng yumaong Francis M. at apo nina Pancho Magalona at Tita Duran, at si Kylie Padilla na anak ni Robin Padilla (na mula rin sa sikat na Padilla clan) ay inilulunsad sa remake ng “Blusang Itim,” na naglunsad noon kay Snooky Serna bilang actress at box-office star years back.
Mapanghamon ang role ni Kylie bilang Jessa na ipinanganak na isang pangit subalit may busilak na puso. May nagbigay sa kanya ng isang blusang itim na kapag isinusuot niya ay gumaganda siya. Pero kailangang may umibig sa kanya sa tunay niyang kaanyuan.
Kasama rin sa “Blusang Itim” sina Marissa Delgado, Gary Estrada, Rita Avila, Bodie Cruz, WynWyn Marquez, Lucho Ayala, Jackielou Blanco, Maureen Mauricio, Carl Guevarra at iba pa. Mapapanood na ang “Blusang Itim” simula sa May 14 pagkatapos ng "Eat Bulaga " sa GMA7.
SEXY STARS IN BUBBLE GANG
MAGSASALPUKAN sina Glaiza de Castro, Sheena Halili at Janna Dominguez sa isang game portion ng “Bubble Gang” na kinunan sa Poro Point sa La Union. At dahil nga summer, di maiiwasang magpakita sila ng kaseksihan sa pamamagitan ng kanilang mga bathing suits.
May spoof ng Pretzel TV commercial in four versions, bukod pa sa maraming sketches.
Wala pa ring kupas ang grupo nina Michael V, .Ogie Alcasid, Rufa Mae Quinto, at iba pa sa “Bubble Gang” na napapanood tuwing Biyernes sa GMA7.