HOW true na pinagbabawalan daw ni Annabelle Rama ang anak na si Richard Gutierrez na mapalapit nang husto sa sexy singer-actress na si Lovi Poe?
Ayon sa tsika, mukhang type raw ligawan ni Richard si Lovi kaya nga lang, mukhang kontra naman daw si Bisaya.
Ang dahilan, kapag daw kasi may nagtatanong kay Lovi ng real score sa boyfriend nitong anak ni Chavit Singson, walang sagot ang dalaga kundi panay ngiti lang.
‘Yun na!
* * *
SURE na ito at wala nang kokontra.
Sa Sabado, May 14 na ang pagbabalik ni Willie Revillame sa ere. Tiyak nang bigtime ang pagbabalik ng controversial TV host sa TV5 pero iba na ang title ng kanyang variety show. Nasagap din namin na maraming binago sa loob ng studio ng dating Willing Willie na umabot daw sa P25 milyon. Aba, naka-LED pa raw ang flooring kaya bigtime talaga, ’di ba?
Marami rin daw bagong games ang inihanda sa pagbabalik ni Willie kaya naman ngayon pa lang, excited na ang loyal viewers ni Willie.
* * *
MASAYA si Mariel Rodriguez dahil muli silang nagkasama ni Pokwang sa noontime show ng ABS-CBN na Happy Yipee Yehey.
Nag-deny si Mariel na siya ang naging tulay para makasama ang komedyana sa kanilang show nina Toni Gonzaga, Randy Santiago at John Estrada.
Pero para sa mahusay na TV host, masaya siya dahil nakita rin daw ng Dos ang kakayahan ni Pokwang as a host.
“She really deserves to be part of Happy Yipee Yehey,” say ng misis ni Robin Padilla.
May bago ring isyu sa pagpapakasal nina Mariel at Robin. Hindi raw pumayag ang Simbahang Katoliko sa kasal ng dalawa dahil isang Muslim ang action superstar.
Kunsabagay, kasal na naman talaga sina Mariel at Robin sa India at gusto lang niyang makasal sila sa simbahan dahil Katoliko siya at para na rin sa kanyang pamilya. Never namang sinabi ni Mariel na magpapa-convert siya sa relihiyon ng asawa dahil ikinasal naman daw sila sa Muslim rights na Katoliko pa rin siya.
“So, right now, sa totoo lang, hindi ko na lang siya masyadong pinagtutuunan ng pansin,” paliwanag pa ni Mariel.
Pangarap naman talaga ni Mariel ang makasal sa simbahan pero ngayon daw, “come what may” na lang muna siya kung kailan nga ba siya lalakad sa aisle kung saan nasa dulo si Robin sa harap ng altar at naghihintay.
* * *
HINDI competition para kay Toni Gonzaga ang pagkakatapat ng kanilang noontime show na Happy, Yipee, Yehey sa Eat Bulaga.
“Lahat ng henerasyon, dumaan sa Eat Bulaga!. Kaya we can never see our show competing with them. We can only offer an alternative. That’s just we are offering. Yun lang din naman ang sinabi ng management, eh. Mahirap namang walang noontime ang ABS kaya gumawa sila ng noontime, para may noontime ang mga loyalista ng ABS,” paliwanag ni Toni.
Among the TV hosts ng ABS-CBN, masasabing si Toni ang pinaka-busy, dahil araw-araw ang Happy… at live pa ito. Then may The Buzz pa siya tuwing Linggo.
Nagpaliwanag din ang anak ni Mommy Pinty hinggil sa isyung “no makeup, no interview” sa kanya na feeling ng iba, nag-iinarte ang actress-TV host.
“Hindi naman ako nag-iinarte. Noong dumating ang The Buzz, hulas na hulas pa ako. Galing kami ng team building at nawala kami ng limang oras. Tapos, ini-interview ako for The Buzz. Eh, hindi naman ako pinanganak na maganda! Kailangan kong mag-effort din naman,” paglilinaw ni Toni.
Ayon pa sa dalaga, hindi naman daw siya lalabas para mag-retouch sandali kung hindi papayag ang The Buzz management.
Tungkol naman sa kanyang lovelife, aminado ang actress-TV host na may dream wedding na siya. Simpleng wedding lang daw na sa simbahan nila sa Taytay gagawin.
Kaya daw doon niya napiling magpakasal dahil doon siya lumaki at laging nagsisimba pero kabig niya, “wala pa akong singsing.”
Hayan, Direk Paul Soriano, ano’ng masasabi mo d’yan. Wedding month na nga naman sa susunod na buwan.
‘Yun na!
Four years na rin ang relasyon nina Toni at Direk Paul pero say ni Toni, baka after three years pa bago sila magpalitan ng “I dos.”
May movie rin na ginagawa si Toni under Star Cinema entitled Wedding Tayo, Wedding Hindi kasama sina Eugene Domingo, Wendell Ramos at Zanjoe Marudo.
* * *
KAHIT umuulan nu’ng May 7, successful ang birthday concert ni Jennylyn Mercado sa Zirkoh, kaya naman walang pagsidlan ng kaligayahan ang alaga ni Becky Aguila. Kapansin-pansin na karamihan sa repertoire ni Jennylyn ay senti songs, gaya ng Tell Me, Till My Heartaches End, I Remember the Boy, Even If, at Let The Pain Remain. Pag-amin ni Jennylyn, nakaka-relate daw kasi siya sa mga awiting siya mismo ang pumili.
“Hindi naman maganda ’yung kakanta ka ng mga masasayang kanta na wala namang koneksiyon sa buhay mo. Parang ang ganda lang na related sa nangyayari sa buhay mo ngayon ang ’yong aawitin. Saka ang sarap lang makinig ng songs, lalo na kung galing sa puso ’yung kanta,” paliwanag niya.
Special guest ni Jennylyn ang actor ng Mula Sa Puso na si JM de Guzman. Dati na pala silang magkakilala, pero ang tagal daw nilang hindi nagkikita. Habang hinaharana ni JM ang birthday girl, nakatitig ito sa dalaga.
Sabi tuloy ni Jennylyn: “Huwag mo akong titigan nang ganyan.” Na sinagot ng actor ng: “Grabeee. Ang ganda-ganda ni Jennylyn.”
Nagtilian tuloy ang audience dahil halatang kinikilig si Jennylyn sa binata, huh!