Home Showbiz Tsismis Kris nagpasalamat sa pamilya Aquino
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner

Related Articles...

Banner

Featured Video

We have 3,742 guests online
Banner
Kris nagpasalamat sa pamilya Aquino PDF Print E-mail
by Vinia Vivar   
Tuesday, 09 March 2010 20:15
As of presstime, medyo tahimik na ang kapaligiran sa pagitan nina Kris Aquino at Ruffa Gutierrez matapos ang paghingi ng paumanhin ng una sa pamamagitan ng pagre-release ng isang official statement last Monday.

Maging si Annabelle Rama, wala nang bagong pronouncement matapos ang maaanghang na sinabi niya sa Showbiz Central last Sunday at wala na rin siyang bagong reaksyon hinggil sa public apology ni Kris.

Sa Twitter account ni Kris, inantabayanan namin kung may bago siyang comment hinggil sa issue, pero wala na at sa halip, tungkol sa first taping day ni Baby James sa Kung Tayo’y Magkakalayo ang kanyang tweet.

“Baby James will tape at 3 p.m. today. Super nervous na ako. Although 3 sequences lang. Sana walang topak si Bimby today,” post ni Kris last Monday.

“Super proud mama! Baby James was so natural — but like me, sobrang daldal sa scene nya! Inuunahan nya kami sa dialogue kasi nag-rehearse. And he heard so nauna in saying lines of Papa Frank. Ako, na-take 2, direk said super kilig watching my son — not in character na!” kasunod na tweet.

Gayunman ay nag-post din siya ng pasasalamat sa kanyang pamilya sa lakas na ibinibigay sa kanya ng mga ito.

“Thank you to my family for being my strength and for always wanting me to become a better person. For reminding me that true success is bestowed on those who remain humble, hardworking, gracious and grateful. I thank all of you for the outpouring of support for my family,” mensahe pa ni Kris sa kanyang mga follower sa Twitter.

* * *

Matagal-tagal na rin naming hindi nakikita si Manila Vice Mayor Isko Moreno kaya nagulat kami nang marinig namin siyang magsalita sa presscon ng Fragrances of the Stars kung saan ay sila ni Aiko Melendez ang latest endorsers.

Ang laki na ng ipinagbago ni Isko kumpara sa dating young actor na nakilala namin noon.             Respetadung-respetado na talaga ang dating niya at mapapahanga ka sa mga binibitiwan niyang salita.

We learned na nag-aral si Isko ng Law sa Arellano University kaya lalo kaming humanga sa kanya dahil kitang-kita mo ang determinasyon na paunlarin ang sarili.

Anyway, tumatakbo ulit na vice mayor si Isko ng Manila habang si Aiko naman, tumatakbo sa Quezon City para sa parehong posisyon.

Kaya naman naisip ng may-ari ng Fragrances of the Stars na pagsamahin ang dalawa sa isang produkto.         Parehong may sarling line ang dalawang vice mayoralty bets ng kani-kanilang perfume under their names.

By the way, kasama ni Aiko na dumating sa presscon ang guwapong boyfriend na si Bulacan, Bulacan Vice Mayor Patrick Meneses.

Biniro nga namin siya na baka may announcement na sila about the wedding kaya isinama niya ito, pero ani Aiko, wala pa naman.

* * *

Nakita namin si Vina Morales sa burol ng nanay ni  Cristy Fermin sa Nacional Memorial Homes last Monday night at naikuwento niyang okay na ang baby niyang si Ceana.

Nagkasakit pala ito recently kaya ilang araw daw siyang puyat at ngarag.

Bale ba, 11 months pa lang si Ceana at pinakamahirap talaga bilang isang ina ang maysakit ang anak mo sa ganyang edad.

Pero, nakahinga na si Vina nang maluwag nang gumaling na ang kanyang baby, na nagkaroon lang naman pala ng diarrhea dahil kung anu-ano raw ang isinusubo.
 

Add comment

Please observe courtesy and avoid posting obscene words...Authors with harmful comments will be blocked from this site permanently.


Security code
Refresh

Banner