Home Showbiz Tsismis Gabby dapat maki-bonding din sa iba pang mga anak
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner

Related Articles...

Banner

Featured Video

We have 3,903 guests online
Banner
Gabby dapat maki-bonding din sa iba pang mga anak PDF Print E-mail
by Ed de Leon   
Monday, 08 March 2010 19:09
gabo2May statement si Gabby Concepcion  na sinasamantala niya ang shooting ng pelikula nila ng anak na si KC para mas magkaroon sila ng bonding moments.

Inaamin niya na dahil sa maagang paghihiwalay nila noon ni Sharon Cuneta, when KC was just three years-old, talagang hindi sila nakapag-bonding mag-ama.

Kaya ngayon, kahit daw sa shooting ay happy siya dahil nakakasama na niya ang anak.

Kung iisipin, ngayon lang talaga nagkakaroon ng pagkakataon si Gabby na makipag-bonding kay KC.

Pero hindi kaya niya naiiisip na magkaroon din ng ganitong klaseng bonding sa anak niya kay Grace Ibuna?

Naiisip din kaya niyang maka-bonding din ang kanyang naging anak kay Jenny Syquia?

At saka ‘yung bunso ni-yang anak ngayon, narito ba sa Pilipinas o nasa US?  Kasi ni hindi niya inilalabas eh.

Nagkakaroon din kaya sila ng sapat na bonding time?

Dapat ay hindi na nagsasalita nang ganito si Gabby dahil kahit papaano ay iisipin ng ibang mga tao na puro na lang si KC ang kanyang sinasabi dahil sikat.

Pero papaano naman ang iba niyang mga anak?

Lalo lamang lumalabas na unfair siya sa kanyang mga anak.

Ito ang problema ni Gabby na walang nagpaplano sa kanyang publisidad.

Kaya nga kung minsan ay kung anu-ano ang nasasabi niya at hindi nasasala ang statement na bibitiwan.

Alam naman natin na kung minsan, ang statements na binibitiwan sa publiko ay dapat lang na pinag-iisipang mabuti.

Lalo na kung maaaring makakuha ng masamang comment sa mga ito.

* * *

Pati pala ang mga kla-sikong pelikulang Pilipino, kabilang ang mga hindi napailabas dahil na-ban noon sa Pilipinas, ay makikita na ngayong itinitinda sa bangketa sa Maynila dahil napirata na.

Nagulat kami kasi isang magandang halimbawa ang pelikula ni Lino Brocka na Ora Pro Nobis.

Matatandaang hindi pinayagan ng administras-yong Cory Aquino ang pelikulang ito na mai-showing sa Pilipinas dahil baka raw lalong pagmulan ng gulo.

At natural na hindi rin ito nailabas sa video, pero ngayon available na sa pirated VCDs at DVDs.

May mga pelikula rin si FPJ, na hindi naman nailabas sa original video ay mabibili sa mga bangketa ng Quiapo.

Doon kasi sa Quiapo, lahat ng buildings sa R. Hidalgo  mula pagtawid ng Quezon Boulevard hanggang sa Globo de Oro, puro tindahan na ito ngayon ng pirated CDs.

* * *

Hindi namin malaman kung bakit, pero openly umano ay ibinubugaw ni direk ang kanyang mga artista sa ginagawang indie films.

Iyon naman daw mga artistang lalaki na ibi-nibugaw ni direk sa mga kapwa niya bading, payag dahil mas malaki pa ang kinikita sa pakikipag-date sa mga ba-ding kaysa ibinabayad sa kaila sa indie films na pinaghuhubad din naman sila.

Hindi ito maganda pero nangyayari talaga ito sa kasalukuyan.
 

Add comment

Please observe courtesy and avoid posting obscene words...Authors with harmful comments will be blocked from this site permanently.


Security code
Refresh

Banner