Home Showbiz Tsismis Isabel Oli ‘ban’ sa binyag ng anak ni Paolo Contis
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner

Related Articles...

Banner

Featured Video

We have 3,750 guests online
Banner
Isabel Oli ‘ban’ sa binyag ng anak ni Paolo Contis PDF Print E-mail
by John Fontanilla   
Saturday, 09 January 2010 18:34

IsabelMARIIN at walang kagatul-gatol na sinabi ni Paolo Contis na  hinding-hindi ni-ya kukuning ninang ng  kanyang panganay na anak ang kanyang ex-girlfriend  na si Isabel Oli.

Nang tanungin namin siya kung bakit, isang malutong lang na -- “Basta hindi! ‘Yon lang! Hindi lang talaga! -- ang kanyang sinabi.

Hindi pa rin talaga in good terms sina Paolo at Isabel.

Kahit matagal-tagal na rin silang nag-break ay  hindi  pa rin naghihilom ang galit sa puso ni Paolo sa dating kasintahan.

March 6 this year ang tentative date ng panganganak ng EB Babes member  na si Lian Paz ng isang baby girl.

Ilan sa mga kinukunsedera ni Paolo na gawing ni-nang at ninong ng kanilang baby girl ni Lian ay  sina Marian Rivera, Dingdong Dantes  at Lolit Solis.

*  *  *

HINDI totoong nag-isnaban sina Cristine Reyes at Heart Evangelista sa nakaraang Metro Manila Film Festival awards night kung saan si Cristine ang isa sa presentors ng Best Supporting Actress category na pinagwagian ni Heart for her magnificent performance sa Mano Po 6 .

Tsika ni Cristine na sa rami ng nagpapa-picture sa kanya at kay Heart nang mga sandaling ‘yon, walang pagkakataong lumapit sila sa isa’t isa   para magbatian. ‘Wag na lang daw lagyan ng intriga ang 2009 MMFF awards night dahil kung saka-sakali namang  nagkrus ang kanilang landas sa okasyong ito ay promise  ni Cristine sa sarili na siya ang unang babati kay Heart.

Gusto na raw niyang kalimutan na kung  ano man ang mga intrigang  kinasangkutan ni-ya sa taong 2009,  at panibagong buhay daw ang kanyang  tinatahak ngayong taong 2010.
Ayon pa kay Cristine, wala si-yang balak mag-boyfriend ngayong taon dahil mas na-ka-focus siya sa trabaho ngayong taon ng Golden Tiger.         Wala raw katotohanan na ang  kanyang escort noong awards night ay kanyang boyfriend. Pinsan daw niya ‘yon na sinamahan lang siya bilang kanyang escort.

*  *  *

WALA man sa bansa ang Pinoy-Canadian Idol na si Ramil Omosura ay hataw naman ito sa rami ng shows abroad, dahil after one month ng stint niya sa China kung saan nag-karoon siya ng isang buwang matagumpay na konsyerto ay nasundan pa ito ng SRO  Christmas Special Concert sa Vancouver at Nanaimo Island, Canada kamakailan kung saan halos  1,000  tao ang mga nanood.

‘Di magkamayaw sa tuwa ang mga kababayan nating nasa Vancouver at Nanaimo Island, at maging ang mismong mga tagaroon ay nag-enjoy sa husay ng performance ng singer na si Ramil.

‘Di naman nagpatalbog sa performances nang gabing ‘yon ang front acts na sina Raymond Salgado, JJ Ce-peda, Merlene Monay, Isabelle Monay at Ikah.

Kaya tuwang-tuwa ang  producers ng concert  sa Na-naimo Island  na si Beth Watson at butihing ina at  very supportive mom ni Ramil  na si Vilma Omosura  na siya namang nag-produced ng Vancouver concert at siya ring naging visual coordinator ng event.

 

Add comment

Please observe courtesy and avoid posting obscene words...Authors with harmful comments will be blocked from this site permanently.


Security code
Refresh

Banner